Chapter Fifteen: I'm Aldrin's Tutor.
ANGELIE'S POINT OF VIEW.
Ito yung unang araw ko para maging tutor di lang basta tutor...
Di ko alam kung tutor ba talaga kasi dalawang araw ko lang si Aldrin tuturuan si Aldrin my loves.
Magiging tutor ako ng ultimate legitimate coffee mate crush ko.
Kailangan ba matuwa ako?
Kasi alam ko na di lang pagiging tutor ipapagawa sakin ng isang gwapong mayamang nag mula sa high class na pamilya na pangalanan na lang nating Aldrin.
Hayst...
Nag door bell ako sa labas ng bahay nila totally di ko First time na nakita o nakapasok dito it's my second time una dahil sa Project namin by pair classmate ko kasi itong mokong na ito.
Si Manang Laureta ang nag bukas ng malaking pinto nila.
"Ah Ma'm Angelie nandiyan na po pala kayo kanina pa po nag hihintay si Sir Aldrin"
Kanina Pa?
Five minutes late lang naman ako...
"Gelay na lang po itawag nyo sakin." saad ko.
"ah nasan po sya?" tanong ko.
"Halika po ihahatid ko na po kayo kung nasan si Sir." Saad naman ni Manag Laureta.
Ang sosyal niya ah sir talaga
Ang laki ng bahay nila at may pool pa.
"Sir Aldrin nandito na po sya"
Pagkahatid sakin ni Manang iniwan na niya agad kami ni Aldrin.
Ang ganda ng bahay nila mansion pala naabutan ko si Aldrin na naka shades sando at short nakaharap sa pool.
"Maliligo ka?" tanong ko napatingin sya sakin at nilapag ko mga gamit ko sa upuan.
"Nope, Anong oras na bakit ngayun ka lang?"
Tumingin tingin ako sa paligid may tree house ang bahay nila.
"Hey Gelay..." sigaw nya.
Nagulat naman ako "Ah eh ano kasi A t-traffic ehh tama traffic kaya na late ako sorry"
"Tssk unang araw palang late na agad"
Eh kung sana nag aral ka diba?
Naupo ako sa upuan at pinatong ang gamit ko sa lamesa.
"okay patingin ako ng mga Notes mo sa Notebook mo" saad ko.
"Hindi ako nag susulat okay?" saad ni Aldrin.
Sungit naman.
Yung notes ko na lang sa Notebook ko yung nilabas ko.
"oh ito Aldrin"
"What's that? Paki explain okay? Wala akong alam D'yan"
Ang gwapo gwapo kaso bobits.
Tinuruan ko sya ng tinuruan as in paulit ulit di nya kasi maintindihan pero madali naman siyang turuan di sya nag susungit.
Nag tatanong din sya sa mga bagay na di nya naiintindihan
Siguro nga nakalimutan nya na yung mga nangyari samin lately like yung sa Pag bulgar ng katotohanan, detention sa library yung kiss... ay Never mind let's just focus on study.
"Oh ano Aldrin naiintindihan mo ba?" tanong ko sa kanya.
"Yeah i understand naman tsaka madali lang pala pag ikaw yung nag tuturo sakin" wow naman ng uto pa.
"Ah by the way Gelay gusto mo bang kumain? Baka gutom kana" wow concern.
"ah hindi na busog pa ako" pinaka sinungaling na salita na maririnig nyo sakin mababasa pala.
"Aldrin akyat tayo sa tree house nyo" pag aaya ko sa kanya mukang nag bago yung mood nya.
"Ayaw ko nga ikaw na lang mag isa"
"tskk nako Aldrin dali na ang isang Gwapong Aldrin takot umakyat sa tree house" saad ko.
Pansin ko lang takot sya sa high not sure.
"Aldrin takot ka ba sa matataas?" tanong ko.
" of course no!! Baka yang High na yan takot sa kapogian ko"
"GGSS"
"Gwapong gwapo sila sakin? Yeah i know naman di mo kailangang sabihin" hayst oo na.
"wag mo ibahin ang usapan ano Game sa tree house?" tanong ko sa kanya.
"Arggg okay fine" tumayo sya at ganun na din ako.
Nauna akong umakyat at nakarating sa taas parang nasa kalahati palang sya nasa taas na ako.
"Hoy Aldrin ano na dalian mo" enjoy na enjoy ako dito sa taas.
Bigla kong naalala yung nangyari sakin years ago yung Lalaking niligtas ko years ago.
Di ko alam kung nasan na sya ngayun pero mayaman din sya gaya ni Aldrin.
"oh Gelay are you okay?" di ko namalayan na naka akyat na pala si Aldrin.
"ah oo may naalala lang ako." saad ko.
"ano yun?"
"may batang lalaki kasi akong kaibigan dati na niligtas ko naalala ko lang siguro nga malaki na din sya kagaya ko" paliwanag ko
"Wow that's was amazing parang alam may nabasa akong story na ganyan mahilig kasi ako mag basa"
"ahh pero di mahilig mag aral?"
"di naman sa ganun may dahilan kasi ako kaya tamad na tamad ako mag aral" saad nya.
"Ano naman yun?"
"Nang dahil kasi sa pag aaral ko iniwan ko yung babaeng mahal na mahal ko 13 years old ako nun sya lang yung babaeng minahal ko"
Ang swerte naman nya...
Bakit parang nalungkot ako? Pero sino naman yung babaeng yun?
"Sino sya?" wala eh chismosa ako.
"Nakalimutan ko na pangalan nya ehh basta di sya masyadong maganda compare sa other girls na ka edad namin totally ka edad ko lang sya"
"Wow ang swerte naman nya?"
"maybe" sagut nya.
"Aldrin can i ask a question for you?"
"kanina ka pa nga nag tatanong eh" ayy oo nga noh?
"last na ito Nandidiri ka ba sakin?" tanong ko.
"Bakit naman ako mandidiri?"
"kasi panget ako tapos ano nag sinungaling pa ako sayo sa inyo"
Biglang nag bago ihip ng hangin halos di ko napansin na mag gagabi na pala.
"Honestly nung una yeahh kaya nga ako umiiwas sayo eh dahil sa itsura
Mo pero nung nalaman ko yung explanation mo parang nawala yun" paliwanag nya.
"uuwi na ako mag gagabi na eh"
Baba na sana ako ng bigla nya akong hatakin papalapit sa kanya.
Ramdam ko yung t***k ng puso nya.
Unti unti akong kumawala sa kanya at dali daling bumaba.
Habang nasa byahe na ako iniisip ko kung sino yung Girl na tinutukoy nya ang swerte nya nagustuhan sya ng taong gusto ko.
Nang makarating ako sa bahay nine fifty Six na di na ako kumain naabutan ko si Leanne sa labas ng bahay.
Di ko muna agad sya pinansin dahil dumirediretso ako sa kwarto ko at pag ayos ko lumabas ako sa bahay nandun pa si Leanne.
"Oh Gelay kamusta pagiging tutor?" tanong nya.
"okay lang naman" saad ko.
"Leanne alam mo ba pangalan ng batang dati yung tinulungan ko yung kaibigan natin sa Probinsya?" tanong ko.
"nakalimutan ko na ehh bata pa ako nun tska hayaan na natin yun kinalimutan na nya nga tayo eh"
Biglang nalungkot yung muka nya.
"Ang sabi nya sakin babalik sya eh anong nangyari diba?" dagdag p nya.
Sabagay may point sya.
Di ko na dapat iniisip yung batang yun eh tsaka yung binigay nya sakin nawala ko na
-END OF THE CHAPTER