Titig
Sabi nila ako daw ay si Miss Perfect dahil nasa akin na daw ang lahat marangyang buhay, mapagmahal na pamilya, mabait, mayroong totoong kaibigan, beauty and brain, pero para sa akin hindi, dahil alam nating lahat na walang taong perpekto. Hindi tayo pinanganak na perpekto.
Everyone has flaws. And we must embrace it if we want to have a better life.
Ako nga pala si Soleil Del Montero. Nineteen years old at nasa huling baitang ng Senior High.
Ngayon ang balik pasukan. Kaya kanina palang hinanda ko na lahat ng gamit ko para sa eskwelahan. Inayos ko na rin ang aking sarili. At Hinihintay ko nalang ang aking nakababatang kapatid.
Papunta nako sa eskwelahan namin ngayon kasama ko ang aking nakaba-batang kapatid na babae. Hindi kami masyadong close ng kapatid ko na si Solene kapag nasa eskwelahan at hindi ko rin alam kung bakit. Kinakausap ko naman siya pero siya ang hindi kumakausap sakin so binalewala ko nalang baka hindi siya comportable kapag nasa eskwelahan kami.
Habang patungo ako sa building namin, nakasalubong ko ang aking mga kaibigan na sina Leigh at Ruby. Maraming bumabati sa amin at bumabati si Leigh at Ruby sa kanila pero ningitian ko lang sila. Hindi naman sa ayaw ko silang bumabati sa akin pero gusto lang naman na maging isang normal na estudyante at makapagtapos ng pag-aaral na walang sagabal. Pero alam kong hindi yan mangyayari dahil bago pa ako nag- transfer rito, marami ng nakakakilala nina Leigh at Ruby.
Hindi naman sa pagmamayabang pero magaganda talaga sila.
Nag-uusap sina Leigh at Ruby ng kung ano habang ako naman ay ni labas ang notebook at ballpen ko para makapaghanda sa unang subject.
Isa ako sa mga taong dapat organize lahat ng mga gamit at oras ko. Hindi kasi ako mapakali eh. Hindi nag tagal dumating na aming guro na si Ginang Reyes. Sinabi lang nya ang mga requirements na dapat bilhin at kung ano ang mga lesson na ituturo nya.
Natapos ang klase ko na wala namang sagabal. Pero yun ang inaakala ko.
Habang papaalis sa classroom nahagip sa paningin ko ang isang lalaking hindi pamilyar sa akin. Nauna na kasi ang mga kaibigan ko sa labas ng building dahil may nakalimutan akong kunin sa classroom. Nasa kabilng classroom siya nakatayo at naglalaro ng lighter ba yun? Ewan pero para kasing lighter, habang ang mga classmates nya ay papaalis na. Baka bago lang siya rito o hindi ko lang siya napapansin.
Hindi ko alam bakit tinitigan ko siya. Hindi ko namalayan na nakatingin na din siya sa akin. Para bang hinihigop ako sa mga mata nyang ngayon ko lang nakita. Napaka-ganda ng tsokalateng mata nya, pero ang kabuoan ng mukha nya ay walang katumbas sa salitang gwapo. Matangkad at makisig rin siya. Hindi gaanong maputi at hindi rin gaanong maitim ang kanyang balat, sakto lang. Ewan ko kung saang sulok siya nagtatago pero ngayon ko lang talaga siya nakita.
Ako ang unang nag-iwas ng tingin dahil naramdaman ko ang unti-unting pag-init ng aking mukha at alam kong namumula na ang aking mukha ngayon kaya umiwas nako para hindi nya makita.
Napakalalim ng kanyang mata para bang malulunod ka talaga once tinitigan mo siya. Pero ikaw ang unang malulunod. Kaya ako na ang unang umiwas.
Umiwas din siya ng tingin at patuloy na nilalaro ang nilalaro nya na lighter, baka mag-yoyosi pero bawal rito ah? Against ito sa school rules. Malamang alam nya yan. Alam nga yan ng elementary student siya pa.
(Ano bayan masyado kang judgemental, baka hindi naman mag-yoyosi yung tao.) sabi sa kasulok-sulokan ng utak ko.
Ang nakakatawa lang ay dadaan ako sa classroom nila para makalabas sa building nito. Nasa pinaka-dulo kasi ang classroom namin.
Habang papalit na ako sa classroom nila, ramdam ko naman ang mga titig nya na nakapalambot ng tuhod ko.
Hindi ko namalayan na habang lumalakad ako patungog labas ng building hindi ako humihinga.
Ano batong nangyayari sa akin? Bakit naging malambot ang tuhod ko? Eh isa lang syang lalaki, marami naman akong natitigan na lalaki ah, pero hindi naman lumalambot itong tuhod ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.
Pero aamin ko sa sarili ko, iba talaga ang mga titig nya sa lahat ng lalaki na nakasalamuha ko at nakatitigan.
Binilisan ko ang aking paglalakad para makawala na sa mga titig nya.
Ramdam ko parin ang mga titig nya hanggang sa makalabas na ako ng building namin. Pero ang hindi ko namalayan pati puso ko bumibilis din. Parang magkakasakit pa ako sa puso nito ah.
"Bakit umaabot ng 15 minutes ang pagkuha mo ng gamit mo gurl? Sabi mo mabilis kalang. Anong nangyari? Napakabigat ba nyang gamit mo at umabot pa talaga ng 15 minutes para makuha yan? " sabi ni Ruby.
Alam ko naman moody ang babaeng to eh. May lakad pa kasi sila ng kanyang boyfriend at excited na excited siguro dahil anniversary nila ngayon kaya ganyan makapag salita pero mabait na kaibigan naman tong si Ruby eh. May topak nga lang. Hahahaha
"Nakalimutan ko kasi kung saan ko nalagay kaya umaabot ng 15 minutes." sabi ko naman.
"Tara na gurls baka nandyan na ang driver namin. Para makapaghinga naman tayo, nakaka stress ang araw nato." ani Leigh.
"Hindi mo ba nakita ang crush mo kaya ganyan ang mukha mo gurl?" ani Ruby.
Ito talagang si Ruby gustong-gustong makipag-away.
"May araw karin sakin bruha ka" ani Leigh habang umiirap kay Ruby.
Tinawanan naman namin siya. Baka nga hindi nakita ang kanyang crush. Hahahaha
...
Papauwi na kami sa bahay namin pero ang utak ko ay lumilipad pa din sa lalaking yun.
(Ano kaya ang pangalan nya? Bakit ngayon ko lang sya nakita?) yan ang mga katanungan na bumabagabag sa aking isipan hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
...
Ang ganda talaga nya. Hindi kumukupas ang kagandahan nya at napakabait pa, nasa kanya na ang lahat ang ugali, katalinohan at kagandahan.
Kilala ko na siya, who doesn't know her? pero alam ko na wala syang alam sa akin dahil para syang bituin na ang hirap abutin. Maraming nakakakilala sa kanya. At isa lamang akong hamak na lalaki na parating tinititigan siya sa malayo. I know it sounds creepy but I just can't take my eyes of her. Sino ba namang hindi tumitingin sa kanya diba?
Lalaking walang pumapansin dahil nakakatakot daw ako at binalewala ko naman sila dahil hindi naman ako namamansin sa kanila.
Inaabangan ko talaga sya palagi kapag uwian na pero hindi ako nagpapahalata na inaabangan ko sya. Baka matakot pa siya sa akin. Pero hindi naman nakakatakot ang aking mukha, sa katunayan nga may ipagmalaki naman ako na itsura at pagdating sa katawan hindi naman ako payat o malusog. Baka yung aura ko lang talaga. Yan kasi ang sabi-sabi nila. Ewan bahala sila kung ano ang sasabihin nila. Wala naman akong pake sa kanila.
Ngumingiti ako habang tinatanaw siya papalayo sa akin.
-
j♡