Mabilis na naagaw ni Sean ang bola kay Makoy. Nag-dribol sabay shoot. Tatlong puntos ulit ang nadagdag sa kanilang score. Tumawag ng timeout ang isa sa mga kabarkada ni Makoy. “Matagal ka na bang player?” nakangiting tanong ni Makoy sa kanya, sabay abot nito ng ice tubig. Alanganing tinanggap ni Sean ang iniabot ng lalaking tubig na nasa plastic. Sya kasi ang huli, kumbaga ay may nauna pang dalawang uminom doon bago si Makoy. Hindi nya gustong masabihan ng maarte kaya naman pikit mata nyang sinupsop ang dulo ng plastik na may tubig. “Hindi talaga ko player. Pampalipas oras ko lang ang basketball.” Di nya namalayan na naubos na pala nya ang tubig. “Ah, akala ko player ka. Ang tangkad mo kasi, saka ang galing ng mga moves mo,” nakangiti pa ring papuri ni Makoy. Hindi tul

