GABI NA ng dumating si Mael. Siya naman ay nag babasa habang nakasandal sa headboard ng kama, inaantay niya kasi ang asawa. napangiti siya ng makitang may bitbit itong mga laruan. Hindi ito mag kandatuto sa pag bububat. "Ano yang mga dala mo?" natatawang tanong niya dito. Hindi kasi bagay dito ang mga bitbit nito. Naka three piece suit ito, businessman na businessman tignan, a very dignified one. Tapos napaka daming bitbit na makukulay na laruan. Binitawan niya ang binabasang libro sa gilid niya para abutin ang mga dala dala ni Mael Inilapag nito sa ibabaw ng kama ang mga plastic saka siya hinalikan sa mga labi at nakikalkal narin sa mga dala nito. Parang mga batang inisa isa nilang tignan ang mga pinamili nito. Natatawang dinampot niya ang teether at winagayway sa tapat ng mukha n

