- Angela - PAGKATAPOS nilang mag-usap ni Mael pinuntahan niya si Julianna sa kwarto nito. Alam niyang nagtatampo ito kanina. Binuksan niya ang kwarto nito na parang kwarto ng isang prinsesa. Hindi na siya magtataka dahil alam niyang may pagka-spoiler si Mael. Nakita niyang nakaupo ito sa tapat ng isang malaking dollhouse. Mag-isa lang itong naglalaro. Saglit na sinulyapan siya nito pero agad ding ibinalik ang tingin sa nilalaro. "Hi, " Bati niya dito pero hindi ito umimik. "Anong nilalaro mo?" Tanong niya ulit. Naupo siya sa tabi nito. "Pwede ba akong sumali?" Tumingin sa kanya si Julianna na may nagbabadyang luha sa mga mata. Hinaplos niya ang pisngi nito. "Nagtatampo ka ba kay mama?" Malambing na aniya dito. Nanlaki naman ang mga mata nito. "Sorry ha... Hindi ka kasi agad nakilala

