┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Tahimik lang na umiinom si Darwin, walang imik, walang kahit anong emosyon sa mukha niya. Matapos ang nangyaring gulo kaninang umaga sa mansyon ng kanyang mga magulang, hindi na siya dumaan sa opisina niya dahil sa labis na galit na naramdaman niya. Instead, he got in his car and drove straight to Laguna... wala ito sa plano niya, ngunit sa oras na 'yon... gusto niyang muling humingi ng tawad sa libingan ni Aurora. Pinuntahan niya ang libingan nito, at doon siya nanatili buong maghapon. Hindi siya kumain, hindi rin siya umalis. Tahimik lang siyang nakaupo sa harap ng puntod, at walang kapagurang humihingi ng tawad da puntod ni Aurora. Nang magsimulang dumilim ang paligid, saka pa lang siya tumayo at umalis. Mabigat ang bawat hakbang niya, tila ba hinihila ng mga alaala ng

