┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Ilang linggo na ang lumipas mula nang iniwan ni Aurora si Darwin sa mismong araw ng kasal nila... ang araw na dapat ay simula ng panghabambuhay nilang pagmamahalan. Pero imbes na I do, isang sulat ang iniwan niya kalakip ang singsing na ibinigay ng lalaking umiibig sa kanya. At mula nuon ay nagbago na ang lahat sa buhay ni Darwin. Napakalaking pagbabago nito kay Darwin. Wala na siyang pinagkakatiwalaan at napuno ng galit ang puso niya. Hindi sila tumitigil hanapin si Aurora at ang sa tingin nila ay anak niya. Pero nagtataka ang lahat kung paanong nagagawa ni Aurora na maging invisible sa kapangyarihan ng mga Hendrickson. Nasa America na ngayon si Aurora kasama ang kanyang pamilya... ang kanyang ina, ama, anak, at ang kapatid niya. Kasama rin nila ang tatlong matalik niyang

