❀⊱Aurora's POV⊰❀ Nakaharap ako ngayon sa salamin, pinagmamasdan ang bawat detalye ng aking sarili... gusto ko magandang-maganda ako sa paningin ni Darwin mamaya. Ang mga mata kong may itinatagong matinding galit ay puno ng mga alaala ng sakit na dulot niya sa akin nuon. Ngayon ang lunch date namin ni Darwin, at sa pang-aakit na gagawin ko, inaasahan kong mahuhulog siya sa bitag ko. Gusto kong maramdaman niya ang sakit na pinagdaanan ko noon, ang sakit na nag-iwan ng mga pilat sa aking puso. Mga pilat na hanggang ngayon ay nagpapaalala ng kawalanghiyaan niya sa akin nuon. Gusto ko mang kalimutan ang lahat... hindi ko magawa. Hindi ko kayang balewalain lamang ang lahat ng 'yon. Hindi ako katulad ng iba na hahayaan na lamang na masaktan at paglaruan. Gaganti ako ng higit pa sa ginawa niya

