┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Hindi ka ba magbubukas ngayon ng gallery mo?" Tanong ni Pie, na may halong pag-aalala sa boses habang nakatitig sa mukha ni Aurora. Umiling naman agad si Aurora, medyo masakit pa ang ulo niya dahil hindi siya masyadong nakatulog. Even though she wanted to talk, it felt so hard to think straight because of her fatigue. "Don't tell me na iniisip mo ang mga kumakalat sa social media. Affected ka ba kaya mukha kang walang tulog?" Sabi ni Jo Ann, na tila nag-aalala rin para sa kaibigan nila. Nagsimula nang tumawa si Aurora bilang sagot sa mga tanong ng mga kaibigan niya. After that, nilapitan niya ang coffee maker na may kumukulong kape at nagsalin ito sa tasa. The aroma of the coffee helped her wake up a bit kaya bahagya siyang napangiti. Pagkatapos ay tumingin siya sa kanya

