┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Nagtungo si Darwin sa isang high-end bar kasama si Dex. Mas Pinili niya sa lugar na hindi siya makikita ng kanyang mga pinsan. Gusto lang muna niyang makalayo sa mga ito dahil nararamdaman niya na kahit masaya na siya kay Aurora na nobya niya... guilty pa rin ang mga ito dahil hindi siya nagawang tulungan nuon. Marami-rami na rin ang naiinom nila, pero kinakaya pa ni Darwin kahit medyo nahihilo na ito. Pero malinaw pa naman ang isipan niya, at alam niya na kahit na malasing pa siya ng husto ay nasa paligid lamang ang kanyang mga bodyguards. "We’re definitely the main event for those ladies over there." Biglang napalingon si Darwin sa kanyang matalik na kaibigan ng marinig niya ang tinuran nito, pagkatapos ay pasimple niyang nilingon ang tinutukoy nitong mga babae. Pero

