❀⊱Aurora's POV⊰❀
Nakahiga ako sa ibabaw ng kama. Nakapikit ang aking mga mata. Ngayong lalantad na ako sa mga tao, kailangan ko itong paghandaan kung may taong makakakilala man sa akin, pero sana ay walang makakilala sa akin.
Humugot ako ng malalim na paghinga, pagkatapos ay iminulat ko ang aking mga mata. Nakatitig lang ako sa kisame na parang kay lalim ng iniisip ko. Pagkatapos ay muli kong ipinikit ang aking mga mata at inalala ang panahon ng una naming pagkikita ni Darwin. Batang-bata pa ako ng mga panahon na 'yon ng nagtiwala ako sa lalaking inakala ko ay kaya akong mahalin. Pero hindi pala, dahil ang lahat ay isang laro lamang para sa kanya.
-Reminiscing...
"Miss... ano ang ginagawa mo diyan? Mataas ang burol na 'yan, baka mahulog ka." Sabi ng isang boses sa likuran ko. Bigla akong napalingon, at nagulat ako sa isang gwapong lalaki na nakatingin sa akin. Ang gwapo niya, at sino ang lalaking ito na nandito sa burol?
"Miss okay ka lang ba?" Tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Para akong nabibighani sa gwapong lalaki na nasa harapan ko.
"Senyorito, pinapatawag na ho kayo ng inyong ina." Sabi ni Manang Lagring. Senyorito? Amo namin? Bakit ngayon ko lang yata siya nakita?
"Okay, tell mom I'll be there in a sec." Sagot niya. Kinabahan naman akong bigla. Inglisero naman pala ang lalaking ito. Baka galing ng America kaya ngayon ko lang nakita. Pero nagtagalog naman siya kanina, medyo pilipit nga lang ng bahagya ang dila sa Tagalog, pero maiintindihan naman at malinaw naman.
"Miss, are you okay?" Tanong niya. Ngumiti ako sa kanya at tumango ako.
"Amo ho yata namin kayo. Ngayon ko lang ho kasi kayo nakita dito. Pasensya na ho sir kung dito pa tayo nag-abot. May kailangan ho ba kayo?" Sagot ko. Ngumiti naman siya. Pagkatapos ay inabot niya ang kamay niya sa akin.
"Darwin... I am Darwin Hendrickson, and you are?" Pagpapakilala niya. Mabilis na kumakabog ang puso ko. Tama ang hinala ko na isa siyang Hendrickson. Hindi ko tuloy alam kung ano ba ang sasabihin ko. Magpapakilala din ba ako sa kanya? Tatanggapin ko ba ang kamay niya? Napatingin tuloy ako kay Manang Lagring. Ngumiti siya sa akin at tumango.
"Aurora po. Arora Gracias po." Sagot ko. Ang laki ng ngiti niya ng tinanggap ko ang kamay niya. Pinisil niya ang palad ko kaya ramdam ko ang pamumula ng mukha ko.
"Maganda ka at mukhang mabait. Halika, sabay na tayong bumalik sa hacienda namin." Sabi niya. Umiling ako sa kanya. Binawi ko ang kamay ko at saka ako umiwas ng tingin sa kanya.
"Huwag kang mahiya sa akin. Napakaganda mo, alam mo ba 'yon?" Sabi niya. Pilit ang ngiti ko. Pakiramdam ko ay mas lalong namula ang mukha ko.
"Are you afraid of me? Please don’t be. I won’t hurt you... I have no reason to." Sabi niya. Muli akong ngumiti at saka ako tumingin sa kubo hindi naman kalayuan sa burol.
"Kukuhanin ko lang ho ang gamit ko sa kubo. Dito po kasi ako palaging nagpapahinga kapag ganitong oras. Saglit lang ho." Sabi ko. Pagkatapos ay nagsimula akong maglakad. Naramdaman ko na nakasunod siya sa likod ko kaya mas lalo kong binilisan ang aking paglalakad. Napalingon ako kay Manang Lagring, pero wala na ito at kaming dalawa na lang ng ammo ko ang nandito.
Pagkarating ko sa kubo ay kinuha ko ang maliit kong bag at ang isang kumot na lagi kong dinadala dito para makapag-pahinga ako. Pero bago pa ako makalabas ng maliit na kubo ay iniharang ng amo ko ang katawan niya sa pintuan.
"Can I kiss you?" Tanong niya. Nanlaki naman agad ang mga mata ko. Nababaliw na ba ang amo kong ito?
"Okay, this might sound crazy... we literally just met, but the moment I saw you, I couldn’t look away. You're stunning." Sabi niya. Mas lalo yatang bumilis ang pagtibok ng puso ko... 'yung halos hindi na ako makahinga. Ganuon ang nararamdaman ng aking puso.
Pero mas lalo akong natigilan at para akong naestatwa na sa kinatatayuan ko ng biglang naglapat ang labi naming dalawa. Sa sobrang gulat ko pa ay napaawang ang labi ko kaya naipasok niya sa loob ng bibig ko ang kanyang dila.
Bigla ko siyang itinulak ng malakas, pagkatapos ay nagmamadali akong tumakbo ng mabilis. Namumula ang mga mata ko, at parang gusto ko ng maiyak.
Pagkarating ko sa loob ng bahay namin ay nagkulong agad ako sa kwarto. Hindi ako lalabas, ayokong makita ang anak ng amo nila nanay. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko, para na talaga akong malalagutan ng hininga.
"Ara... Ara naririnig mo ba ako?"
-End of reminiscing...
"Ara... Ara naririnig mo ba ako? Kanina pa ako nagsasalita dito, pero hindi ka naman kumikibo, hindi ka naman natutulog."
Bigla akong napabangon at napatingin sa pinanggalingan ng boses.
"Jo Ann, kanina ka pa ba?" Gulat na gulat ako habang nakatitig ako sa kanya.
"Kanina pa at hindi mo nga ako pinapansin. Bakit hawak mo ang labi mo? May humahalik ba sa'yo? Sino ba ang iniisip mo? Don't tell me..." I cut her off bago pa niya masabi ang hindi dapat mabanggit.
"Ano ka ba? Walang humahalik sa akin. Inaalala ko lang ang magiging resulta ng paglantad ko. Ganyan naman talaga ako kapag malalim na nag-iisip, napapahawak ako sa iba't ibang parte ng mukha ko. Parang hindi naman ninyo ako kilala." I said, then I smiled, medyo bitter nga lang dahil sa mga naalala ko.
"Okay, so... your mom’s asking if you’ve packed already. We’re flying to the Philippines tonight, remember?" She said, crossing her arms and raising an eyebrow at me. I rolled my eyes at her naman kaya natawa siya.
"Tapos na, ilang personal stuff na lang ang kailangan kong ilagay sa bagahe ko. Nasaan na ba sila Pie at Mary Grace? Sabi nila aagahan nila ang dating dito, pero mas nauna ka pa dito." Sagot ko. Nagkibit balikat naman siya at naupo sa tabi ko. Pagkatapos ay isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko kaya napatingin sa akin si Jo Ann.
"Kinakabahan ka ba? Sabi ko sa mom ko na duon muna ako sa Pilipinas, kasama kayong mga kaibigan ko and she’s completely fine with it, no complaints at all. Parang ayaw naman yata niya akong makasama na dito, nakakaloka!" Sabi niya kaya natawa ako.
Tumayo ako at nagpunta ako sa walk in closet ko. Kinuha ko ang ilang gamit ko at inilagay ko sa pangatlong maleta ko. Medyo matatagalan kasi kami sa Pilipinas kaya kailangan kong dalhin ang mga personal kong gamit. naramdaman ko ang mga yabag ni Jo Ann. Ngumiti ako sa kanya at nilingon ko siya.
"Hindi ako kinakabahan. I am ready... I think." Sagot ko. Parang hindi ako sigurado sa sarili kong sagot sa kanya. Natawa lang siya kaya nginusuan ko ang kaibigan ko.
"Nandito na ba ang mga bagahe mo? Baka mamaya may kulang sa mga gamit mo? I swear, if you forgot something again, don’t come crying to me in the Philippines asking me to go on a shopping spree with you! Nakakapagod ka kayang kasama, inaabot ng ilang oras ang pamimili mo. Kumpletuhin mo na dito ang mga gamit mo dahil wala akong plano na lumabas ng bahay sa loob ng isang linggo kapag nasa Pinas na tayo." Sabi ko sa kanya. Nakataas pa talaga ang kilay ko. Tawa naman siya ng tawa.
"Hello! Nandito lang pala kayo. Kanina pa kami sa ibaba." Napalingon kami kay Pie at Mary Grace.
"Getting some packing done now, that way I’ve got nothing to worry about later." Sagot ko. Pagkatapos ay inilagay ko na ang mga perfume ko at ilang gamit pa. Pagkatapos ay isinara ko na ang maleta ko.
Lumabas na kami ng silid ko at nagtungo naman kami sa silid ng anak ko. Napagkasunduan namin ng mga magulang ko na hindi ko na muna isasama ang anak ko sa Pilipinas. Ayokong magkaharap sila ni Darwin, kaya mas gugustuhin ko na dito na lang muna siya. Nauunawaan naman ng anak ko. Wala naman kaming inilihim sa kanya. Lahat ay sinabi na namin sa kanya.
"Hi mom. Why do you look so sad?" Sabi ng aking anak. Napangiti ako sa kanya at humugot ako ng malalim na paghinga. Naupo ako sa gilid ng kama at kinuha ko ang kamay niya.
"Syempre malungkot ako, kasi maiiwanan kita dito sa mga lola at lolo mo. Hindi kasi ako sanay na hindi kita kasama." Sabi ko, tumulo pa ang luha ko kaya agad ko itong pinunasan.
"Tignan mo 'yang mommy mo. Iyakin talaga. Ikaw nga magsabi sa kanya na okay lang kahit nandito ka sa lolo at lola mo. Tell her not to worry. You’re totally in good hands." Sabi ni Jo Ann. Hindi ko naman kasi mapigilan ang sarili ko na hindi mag-alala dahil first time na hindi ko makakasama ang anak ko. Pero syempre, kailangan kong tatagan ang kalooban ko. Kailangan ko itong gawin para maisagawa ko na ang paghihiganti ko sa lalaking kinamumuhian ko.
"Ako nga po hindi nalulungkot kasi alam ko naman na kailangan mo po 'yan gawin. Pinaliwanag nila lolo at lola kung bakit maiiwan ako dito. And besides, nag-aaral naman ako at may mga kaibigan ako dito na lagi kong kasama. It’s okay, mom. I’ll be just fine, I promise kayaking huwag ka ng malungkot pa." Sabi ng anak ko. Napangiti ako at saka ko siya niyakap ng mahigpit. Ito na 'yon. Ito na ang tuluyan kong paghantad. Sana lang talaga ay walang makakilala sa akin... lalong-lalo na si Darwin. Napasalat tuloy ako sa aking mukha. Wala na ang dalawang nunal ko... wala na ang dalawang nunal ko na laging hinihimas at hinahalikan nuon ni Darwin.
"Okay anak. Basta makikinig ka sa lolo at lola mo. I know you’re a good boy, but you have to promise me you’ll behave while I’m away. Promise?" Sabi ko, pagkatapos ay niyakap ko ang aking anak. Mamimiss ko talaga siya.
"Yes mom, I promise." Sagot niya kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.
Pagkatapos naming mag-usap ng aking anak ay nagtungo naman ako sa silid ng mga magulang ko upang magpaalam na rin. Naiiyak tuloy ako. Hindi talaga ako sanay na hindi makasama ang anak ko. Pero kaya ko ito. Kayang-kaya ko ito.
╰┈➤ Pagkatapos pa ng ilang oras ay tuluyan ng dumilim ang paligid at nakahanda na ang lahat ng dadalhin namin pabalik ng Pilipinas. Yakap ko ang anak ko habang ikinakarga nila Kuya Kayden ang mga gamit namin sa sasakyan. Ito na 'yon. Tuluyan na kaming magkakaharap at magkakausap ng lalaking 'yon.
Ipinapangako ko sa aking sarili na pagbabayaran niya ang ginawa niyang panloloko sa akin. Kung pinaibig niya ako nuon at iniwanang luhaan... mas higit pa ang gagawin ko sa kanya. Isinumpa ko sa sarili ko na makikita kong luluha ang isang Darwin Hendrickson na ako ang dahilan. Tandaan mo 'yan Darwin. Paiibigin kita at iiwanang luhaan. Wala akong pakialam kahit na ibigay kong muli sa'yo ang katawan ko, makuha ko lang ang tiwala mo para mas lalo kang mabaliw sa akin. Pagkatapos ay saka ko ipapamukha sa'yo kung sino talaga ako.
"Mag-iingat kayo mga anak. Huwag puro bar ang gagawin ninyo. Ikaw Pie, baka puro sa bar mo dalhin ang mga 'yan." Sabi ng aking ina. Natawa ako kay nanay, lalo pa at tinaasan niya ng kilay ang kaibigan ko.
"Ay si tita oh, talagang tumataas na ang kilay." Sagot niya kaya natawa na ako.
"Bakit ba ako ang naiisip ninyo na maghihikayat sa mga 'yan na magpunta ng bar? Iyang si Jo Ann ang pagsabihan ninyo, mahilig 'yan maghanap ng gwapo kaya sigurado ako na siya ang dapat ninyong pagsabihan." Sagot pa niya ulit. Tawa na ako ng tawa sa kanila.
"F Y I, minsan lang akong mag-aya, noh! Kaloka ka sa akin. Baka gusto mong maging buko pie, 'yung kinayod ng kinayod, tapos igigiling pa kita. Gusto mo?" Napipikon na sabi ni Jo Ann.
"Basta ako, mabait. Sigurado ako sa kabaitan ko." Pakli ni Mary Grace kaya tawa ako ng tawa.
Bigla akong natahimik ng muling pumasok sa isip ko ang pwedeng mangyari sa oras na magkaharap na kami ni Darwin. Pwedeng makilala niya ako, at pwede rin namang hindi. I don't know. Sana nga ay tama ang sinabi nila na malayong-malayo na ang hitsura ko nuon sa hitsura ko ngayon. Lalo pa at nawala na ang dalawang malaking nunal ko na buhay na buhay nuon sa mukha ko.
"Let's go." Napalingon kami sa matikas na boses ni Kuya Kayden kaya ang tatlo kong kaibigan ay kilig na kilig na naman. Nakakaloka, namumuso na naman ang mga mata nila.
"Okay Fafa Kayden, let's go na." Malalantod na sabi ng mga bruha kong kaibigan. Tawa na lang tuloy kami ng tawa ni nanay sa kanila. Maging si Kuya Kayden ay natatawa na lang sa kanila.
Napatingin ako kay Kuya Kayden. This is it. Wala na talagang atrasan pa. Magkakaharap na talaga kami nila Darwin at sisiguraduhin ko na mapapaibig ko siya.
Humugot ako ng malalim na paghinga at saka ako pumasok sa loob ng sasakyan matapos kong yakapin ang anak ko. Kumaway kami sa kanila hanggang sa tuluyan ng umalis ang sinasakyan namin upang magtungo na kami sa airport.
"Relax... kaya mo 'yan." Sabi nila.