┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Bakit hindi mo na lang sinabi kay Aurora ang totoo? Na wala ka naman talagang kasalanan, at minahal mo siya nang totoo noon? Bakit mo pa inako ang kasalanan ng iyong ina? Bro, you should’ve told her na she took revenge on the one person who truly loved her." Sabi ni Zandro, halos mapailing habang nagsasalita. Kita sa mukha niya ang frustration at disbelief, para bang hindi niya ma-process kung paano nagawa ni Darwin ang gano’ng desisyon. Nakatitig lang siya sa kanyang pinsan, naghihintay ng kahit anong paliwanag. Hindi niya maintindihan kung bakit pinili nitong akuin ang kasalanang dapat sana ay pasan ng sariling ina, lalo pa at alam niyang ito ang higit na nasaktan sa lahat ng nangyari. "Hindi ba dapat sinabi mo sa pagmumukha niya na ginawa mo lang ’yon kasi tinakot ka n

