Nagmamadali akong pumasok sa bahay lakad takbo ako para makapasok agad Sa loob. Naabutan ko si Cent na punong puno ng powder sa mukha, panay ang pahid nya sa kanyang mukha para maalis iyong nasa mata niya. Nilibot ko ang mata ko sa paligid ng sala. "JAY CENT!" tawag ko sa kanya. Nilingon nya ako tsaka ngumiti ng alanganin. "Mo—moma." sigaw niya. Nakita ko yung dalawa ko pang anak na si Cecilia at Ceb na nagtatakbuhan na may hawak na water gun basang basa na sila. Muli akong lumakad papasok pa ng bahay, hindi ko makita ang mga bunso kong anak. Nilibot ko na ang buong bahay pero wala pa rin ang mga bunso ko. Saan na naman kaya nagsuot ‘yon, pumunta ako sa likod bahay namin dun lagi sila naglalaro. Makarating ako doon naririnig ko ang boses ng asawa ko. "Get down here!" "No Dadaa!
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


