Ika-2

1249 Words
"Ang hindi nakakaalala sa nakaraan ay nahatulang mag uulit nito." - George Santayana Pagbabaliktanaw.... Tungkol ito sa kasaysayan bilang sa nakaraan. Para sa kuwentong makabuluhan pumunta sa Salaysay. Tumuturo dito ang historya para sa istorya, pumunta sa kuwento. Marami sa atin ang nakalimot sa kasaysayan. Ang halaga nito sa ating mga tao na nabubuhay sa modernong panahon. Marami sa mga isinilang at iisilang pa lamang ay tuluyan ng nakalimot kung anong naganap bago natin matamasa ang masaganang buhay na meron tayo ngayon. Ang mga bayaning nagsakripisyo para sa atin ay tuluyan ng nabalewala sa pare-parehong katwiran ng mga bata, kabataan at maging ang matatanda. Hindi na natin binigyang pansin ang mga taong nagsakripisyo ng kanilang buhay para sa kalayaan at para sa ating mga tao na siyang sumunod sakanilang henerasyon. Tuluyan ng nabalewala ang kanilang paghihirap. Ang mga aral na kanilang pinamalas gaya ng aral mula sa banal na bibliya ay tuluyan ng isinawalang bahala. At ang matinding kaparusahan sa kasalanang ito ay mahahatulan ng pag uulit ng nakaraang kinalimutan at pilit kinakalimutan. Kaya kung ayaw mong bumalik sa dating panahon kung saan hirap ang buhay. Ngayon palang ay pahalagahan mo na ang kasaysayan. Ang kasaysayan(mula sa griyegong otopia o historia na nangangahulugang "inkuwiri"kaalamang nakukuha mula sa imbestigasyon") ay ang pag aaral ng nakaraan, partikular kung paano ito nakakaapekto sa mga tao Sa kasalukuyan. Ito ay ginagamit bilang isang pangkalahatang katawagan sa impormasyon sa nakaraan katulad ng "heolohikang kasaysayan ng daigdig." kapag ginamit bilang pangalan ng isang pinag-aralang larangan, tinutukoy ng kasaysayan ng pag-aaral at pagpapaliwanag ng mga nakatalang lipunan ng tao, mga panayam(binigkas na kasaysayan) at arkeolohiya. Ito ay isang umbrella term na may kinalaman sa mga nakaraang pangyayari gayundin ang mga alaala, tuklas, koleksiyon, organisasyon, presentasyon at interpretasyon ng impormasyon tungkol sa mga pangyayaring ito. At ang mga iskolar na nagsusulat ng kasaysayan ay tinatawag na "historyador" at ang mga pangyayaring naganap bago ang mga nakasulat na tala ay tinuturing na prehistoriko. Ang mga kuwento na karaniwan lamang na iisang kultura ngunit hindi suportado ng mga batayang panlabas (tulad ng mga salaysay tungkol kay Haring Arturo) ay kadalasang inuuri lamang bilang cultural heritage o alamat dahil hindi ito nagpapakita ng "walang pag iimbot ng pagsisiyasat" (disinterested investigation) na kailangan ng disiplinang kasaysayan. Kilala niyo paba si Herodotus? Isang ika-5 daangtaon BC na Griyegong Historyador, na tinuturing na "Ama ng Kasaysayan", kasama ang kontemporaryo nitong si Thucydides, ang pangunaging tumulong upang mabuo ang salig ng makabagong pag aaral ng kasaysayan ng tao. Ang mga gawa nila ay patuloy na binabasa hanggang ngayon, at ang puwang sa pagitan ng nakapokus sa kulturang si Herodotus at sa nakapokus sa militar ay si Thucydides ay nanatiling point of contention and approach sa makabagong pangkasaysayang pagsusulat. Maaring mga ibang paraan ang karaniwang ginagawa sa ilang panahon kaysa sa iba, at may mga uso ang pag aaral sa kasaysayan(tignan histographiya). Tinatawag na bago ang kasaysayan ang mga pangyayaring bago kadalasang sinasabi na nababalutan ng kaalaman sa kasaysayan ang parehong kaalaman sa nakaraang pangyayari at makasaysayang pag iisip dahil sa: Una, nakatutulong para sa paghahanda para sa hinaharap. Ikalawa, Nakatutulong malinang ating kasanayan at kaasalan. Ikatlo, Nakatutulong upang malutas o lutasin ang kasalukuyang suliranin. Ikaapat, Nalilinang ang pakikipagkapwa. Yan ang apat na mahahalagang rason. At ito ang ikalima na tanging sakin nagmula. Ikalima, upang pagsisihan ang kasalanan. Mamulat sa kasalukuyan bitbit ang aral mula sa nakaraang kaganapan. Isang kaunting liwanag ang gumising sa aking natutulog na diwa. Unti unti kong minumulat ang aking dalawang mata. Hirap na hirap akong imulat ito na para bang ang bigat ng aking talukap. Doon lang din nangibabaw ang kakaibang halimuyak ng mga bulaklak. Nasa langit na ba ako? Paulit ulit kong tanong sa aking sarili. Subalit ng tumama ang liwanag mula sa gasera ay siyang pagbuhos ng ilang ala-alang alam kong hindi ko pag aari. Nagkakagulo ang lahat ng kasambahay sa bahay na 'yon hindi lamang dahil sa kasiyahang nagaganap ngayon dahil araw ng pagdiriwang dahil ngayong buwan ng Pebrero ginaganap ang Flower Festival. Nagkalat ang mga iba't ibang uri ng bulaklak sa paligid. Pero mas nangingibabaw ang bulaklak na kung kanilang tawagin sa wikang Ingles ay "Sunflower" napakatingkad ng kulay nito. Kundi dahil sa kakambal ni Blanca na si Luna, na nahulog sa hagdan ng bahay ng kanilang tiyahin na si Felicidad. Gawa sa pawid ang bubong nito at gawa sa kahoy ang mga ginamit na pangtayo sa bahay ng kanyang tiyahin. Tinawag nila itong "Ifugao House" na hindi ginagamitan ng pako ang bawat parte nito. Sumala umano ang paa ng dalaga habang pababa at napatama ang kanyang ulo sa kahoy na nagsanhi ng pagdurugo nito. Agad siyang dinala ng ilang nakakita sa albularyo para magamot agad. Dahil magagalit panigurado ang magulang ng dalaga kapag lumala ang kalagayan nito. Isa siyang katutubong Ibaloi na may dugong Kastila At Amerikano dahil ang kanyang ama ay isang purong Ibaloi at ang kanyang ina ay dayuhan na mula pa sa Espanya na may lahing Amerikana . Siya'y inaanak ng Gobernador dahil ang kanyang ina ay pinsan nito at ito kilala bilang pinaka malapit na pinsan ng Gobernador. Kaya labis ang kanilang kaba. Dahil bukod doon si Luna din gaya ng kanyang ina ang pinakapaborito nitong pamangkin at inaanak. Bukod sa mabait, masipag, mapagkumbaba, magalang, makadiyos at masiyahin si Luna ay siya ang pinaka palakaibigan sa kanilang magkakapatid. Kaya magaan ang loob sakanya ng maiilap na mangyan, ifugao, at iba pang lahi. "Kamusta ang aking anak? Felicidad? Anong kapabayaan ang 'yong ginawa?! Bakit humantong sa ganito ang lahat? O diyos ko! Ang anak ko."patuloy na paghihinagpis ng ama ni Luna sakanyang kapatid. Mabait na ama at kapatid si Don Alfredo kung kaya't pinalampas niya ang nangyari ang mahalaga ay ang kaligtasan ng kanyang anak bago pa makarating sakanyang asawa at sa kinatatakutan ng lahat na Gobernador. Ngayo'y nakaratay ang kanyang katawan sa malambot na kutson na mula pa sa Europa. Tanging ang mumunting liwanag lamang sa gaserang nakapatong sa maliit na lamesita ang nagbibigay liwanag sa silid. At ang liwanag ng buwan mula sa labas. Kilala ang pamilyang "Baitan" sa kanilang kabutihan. Kaya ang magkakapatid na Luna, Blanca at ang kanilang nakatatandang kapatid na si Isabela ay nagtataglay ng mabuting asal at gawi na simula pagkabata ay sakanila pinamulat ng kanilang mga magulang. Kilala silang pinakamayaman sa Sitio Pungayan kung saan nakatayo ang kanilang Hacienda. Napapaligiran ito ng mga sunflower, at halamang namumulaklak at halamang gumagapang. Sa harap ng victorian style na mansion ay may isang hugis bilog na garden kung saan nakatayo ang fountain na may rebulto ng dalwang kambal na anghel na kasisilang pa lamang habang nakatiklop ang pakpak ng isa at ang isa ay malayang nakabuka. Tinuturing itong alamat dahil sa kahulugan ng dalwang kambal na anghel. At yun ay ang kahulugan ng magkaibang katauhan ng dalwang dalagang Baitan na sila Luna at Blanca. Si Luna na mabait at si Blanca masama ang ugali. "Asan ako? Ano ang lugar na ito?"yan ang mga katagang unang lumabas sa aking bibig na may halong pagtataka ng sandaling tuluyan ng maliwanagan ang aking paningin. Tiningnan ko ang aking sarili kahit na hirap akong gumalaw. Buhay pa ako? Paano 'yon nangyari? Nanaginip lamang ba ako? At dahil sa liwanag ng buwan doon ko nakita ang kabuuan ng silid. Maraming makalumang gamit ang nandoon. At victorian style ang silid. May bookshelf din sa gilid at upuang-duyan na gawa pa sa kahoy malapit ito sa veranda ng kwarto. Kumabog ng malakas ang aking dibdib at pinanlamigan ako. Hindi ito ang mundo ko. Source: Wikipedia.org
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD