Filipinas 1904 Benguet Maalinsangan na ang paligid dahil sa tumataas na ang araw. Abala parin ang lahat ng tao sa Bayan. May mga nagkalat na Guwardya Sibil sa paligid para magronda. Puros mga kalesa at yabag ng mga kabayo at hiyaw ng kutsero ang namumutawi sa paligid. "anong ginagawa ng mga heneral dito?"may mga dumaan nanamang nagchichismisan. Pati ngayon pala ay usong uso na ang ganito. "iyan ang usap usapan. Siguro'y may nagnakaw nanaman sa malaking tindahan ng mga minatamis na ube, strawberry at pilinut."nagnakaw? Pati pagnanakaw ay uso na rin dito. Pero alam naman nating lahat na walang magnanakaw kung sana pantay ang trato ng gobyerno sa mga mayayaman at mahihirap. Kung binibigay lang sana nila ng tulong pinansiyal at magandang trabaho ang mga ito. Hindi sana humantong sa punton

