Lunes ng umaga ay abala ang lahat sakani-kanilang gawain magmula sa mga kasambahay hanggang sa mga hardinero at tagapangasiwa ng hacienda at mansyon. Hindi ko alam kung bakit nakatunganga lang ako dito sa may silid tanggapan habang pinagmamasdan ang lahat na abala sa kani-kanilang gawain. Tanging mga kagamitan at mga sandaling pag uusap ang maririnig sa kapaligiran. Hindi ko naman alam ang gagawin ko. Una dahil wala akong alam na puntahan dito o sa labas. Pangalawa wala akong alam sa gawaing bahay dahil pinalaki akong Prinsesa. Panghuli, wala namang interesanteng pwedeng gawin. Ilang buwan na akong narito. Pero wala parin akong kaalam alam sa mga nangyayari. Nagmistulang mangmang sa mga nangyayari sakin. Kumain nalang ako ng nilagang saging at yupak habang nanonood sakanila. Panay ang

