Chapter 13 Two days later.. Manila, Philippines Sinundan niya ng tingin si Helium ng bumaba ito ng sasakyan. Nang buksan nito ang trunk ay saka lang siya lumabas. Nagpahatid siya rito sa isang bus stop. Una ay tumutol ito kasi gusto siya nitong ihatid kung saan man siya manunuluyan pero ng hindi na niya ito kinibo ay pumayag na ito sa gusto niya. Nang maibaba nito ang maliit niyang maleta at hinila niya pero pinigilan siya nito. "Ako na." Umiling siya. "Magaan lang naman 'to e. Sige na, umalis ka na." Nagbago ang ekpresyon nito. Biglang nawala ang pag-aalalang nabasa niya sa mga mata nito. Napalitan iyon ng lamig. Tinalikuran siya nito kaya naglakad na siya patungo sa bakanteng upuan. Muntik na niyang mabitawan ang hinihilang maleta ng bigla siya nitong pinihit paharap at hinalikan s

