Chapter 4 Walang kangiti-ngiting naupo siya sa kabilang mesa habang sa kanyang harapan naman ay yung lalakeng kasama ng magandang babae. Ha!! Bakit kailangan pa ng mga ito ng privacy para lang mag-usap?! Edi sana hindi sa pampublikong lugar ang mga ito nag-usap! At saka nasa kabilang mesa lang ang mga ito. Hindi niya naririnig pero katabi pa rin!Sana pinauwi nalang rin siya nito! Gago talaga! Nakakagigil! Pero hindi siya nagseselos ha? Naiinis lang. Magkaiba iyon. "So, you're Helium's girlfriend? That's good. Ayaw kong ini-stalk ng lalakeng yan ang mapapangasawa ko. I'm Evander Black, by the way." Tinawag din ng lalakeng 'to si Sven na Helium. Tingnan mo ba, sinungaling talaga! She snapped. "Ako?" Napatawa siya na parang nasisiraan ng bait pero agad ding sumeryoso. "Hindi ko boyfriend a

