Ngayon lang uli nakabalik si Rebeca sa mansyon.Totoo ang kasabihang "there's no place like home" Na miss niya ang buong kabahayaan.Kanina lang ay nakasalubong ni Rebeca ang madrasta na nagmamadali sa pagpunta sa kung saan naroroon ang magaling na anak nito.Ngayon siya nakaramdam ng pagod sa lahat ng nangyari sa kanya nitong mga nakakaraang araw,kayat ang ginawa niya maghapon ay ang matulog.Unti unti ng bumalilk uli sa dati ang ang takbo sa kumpanya,inulan sila ng mga bagong investors.Tumawag sa kanya ang dalawang lalaking nakaapekto ngayon sa tahimik niyang buhay.Ang isa'y nagkukuwento at nangangamusta ang isa nama'y nag uutos.Nag half day muna ang dalaga dahil may pupuntahan daw sila ni Devon. Pagbabang pagbaba niya ay nasa labas na ang lalaki at naghihintay.Nilapitan

