CHAPTER 3

2733 Words
• Eya • "Don't think about any stupid things. I choose to seat here because I have no choice," masungit agad n'yang sabi nang mapansing nakatingin ako sa kaniya dahilan upang ikinataas ng kilay ko. Ano namang pakialam ko? Saka, he doesn't have any choice, huh? Eh may bakanteng upuan naman sa harapan bakit ayaw n'ya doon at dito piniling umupo sa likuran? Saka, ayaw n'ya pa yun magkalapit sila ng upuan ni Alissa? Ibang klaseng boyfriend, matapos makipagtalik ayaw tumabi? "Wala naman akong sinasabi bakit parang defensive ka yata?" mataray kong tanong rito. Aba! Sino ba namang hindi? Makikiupo na lang nga magsusungit pa s'ya? Huh! Ibang klase talaga! "Malay ko ba kung iniisip mong may gusto ako sa'yo kaya ako umupo rito. I was just clarifying things at baka maglupasay ka na lang sa kilig riyan dahil tumabi ako sa'yo," he tilted the side of his lips giving me a mocking smirk. "And for your information, hindi ako pumapatol sa pangit but as I can see, hindi ka naman ganun ka pangit. Sakto lang. Pwede na ring pagtiyagaan." Fuck! Ako?! Pwede nang pagtiyagaan?! Really? Akala n'ya ba papatol rin ako sa bukod sa sobrang yabang at mahangin n'ya ay kung saan-saan lang nakikipaglaplapan? Huh! In his stupidest dreams! "Alam mo, Mr. Zayden Klien. Pangit lang ako pero may standards rin naman ako pagdating sa behavior ng lalaking dapat pag-aksayahan ko ng oras ko. At isa pa, hindi kita type. Tss," saka ko s'ya inirapan. Huh! Ano ka ngayon? Napansin kong napatingin sa direksyon ko si Cassi na nakataas ang kilay na ginatihan ko rin. Ano na naman kaya ang iniisip ng babaeng 'to at kung makataas ng kilay akala mo may atraso ako? Aba! Nahawaan na ba siya ni Alissa na kanina pa masama ang tingin sa akin? At itong Alissa namang 'to kung makatitig akala mo papatayin na ako. Jusko day! Hindi ko aagawin itong Adonis na manyak naman, ano! Iyong-iyo na itong boyfriend mo! Tutal magkalahi naman kayo! Hindi nga lang kayo bagay, siya kasi mukhang anghel na may lahing demonyo eh, ikaw? Mukhang pinagsakluban ng langit at lupa. Psh! "Really huh? Maraming nagkakandarapa sa akin, are you really sure that you're not one of those desperate girls who throw themselves just to have me?" he said as he eyed me from head to toe. Inaasar ba ako nito? "At ako? Hindi mo type? Malabo na ba ang salamin mo? Sa gwapo kong 'to?" sabay turo n'ya sa mukha n'ya na hindi makapaniwala. I rolled my eyes as I crossed my both arms and stared at him. Oo, may ibubuga nga s'ya pero hindi ko s'ya type! As in no, not even close. "Mister, huwag mo akong yayabangan. Hindi porket gwapo ka at mala-adonis ang pagkatao mo eh, lahat na ng babae mapapangit man o maganda ay makukuha mo na sa isang ngiti lang," mataray kong sambit as I eyed him from head to toe and raised my brows when I shifted my gaze at him. "You're a good looking man I won't deny that fact but I'm sorry to pulvurize your imagination dahil hindi ako tanga at desperada katulad nila para lang magkandarapa sa isang katulad mo. Sineswerte mo yata tsong!" "Then let's see. One of these days, maaakit ka rin sa akin, keep that in mind Miss nerdy playing hard to get," he smirked mockingly that made me rolled my eyes to control my temper not to burst out in annoyance. "Whatever! Wag mo nga akong kausapin," saka umayos ng upo at hindi na s'ya pinansin. Wala akong panama rito. Masyadong mahangin ang isang 'to. Wala yata sa bukabularyo ang salitang 'give up' eh. Kung hindi lang talaga ako kukuyugin ng mga babaeng baliw at desperadang fangirls niya lalong lalo na sa bitchy Alissa and friends na yun ay kanina ko pa inupakan ito nang matauhan kahit konti. Letse! Ang landi! May girlfriend na't lahat lahat nagagawa pa ring manglandi! Ibang klase! Buong klase ay hindi na ako nilubayan ng tsonggong nilalang na katabi ko, hindi pa nga ako nakakaget-over sa nakita ko pero heto s'ya at lagi n'ya akong pinipeste. Sa awa ni Lord ay nakakapagtimpi pa naman ako at nakokontrol ko pa naman ang inis ko. Pasalamat na lang din at hindi kami naririnig sa likod dahil kung hindi ay baka detention room ang bagsak ko kasama ng pesteng kumag na seatmate ko maghapon at baka doon ko na talaga s'ya tuluyang mapatay sa sobrang inis! Pagkatapos na pagkatapos ng morning class ay hindi na ako nagpabagal-bagal at hinila ko na agad ang dalawa paalis ng room papuntang canteen. I need to stay away from that jerk! Baka hindi ko s'ya matantiya at masapak ko na talaga s'ya ng wala sa oras! "Ano bang problema, haponesa? Talagang nangangaladkad, eh?" reklamo ni Patty saka huminto at tiningnan ako ng may mapanutya isama mo pa si Cassidy na kanina pa nakataas ang kilay. "Hoy, hapon. Akala mo hindi ko napapansin kanina pa na nagbubulungan kayo nung gwapong nilalang na katabi mo? Ano? Papasapi ka na ba sa mga impaktang fangirls n'yang isuko ang bataan?" dire-diretso at walang prenong sambit ni Cassidy na ikinalaki ng mga mata ko. "Oo nga naman haponesa, baka mamaya mabalitaan na lang naming iiyak-iyak ka dahil— aray!" Sinipa't pinagbabatukan ko nga silang dalawa. Ano bang pumasok sa kokote nila at naisipan ang bagay na iyon?! Like hello? Ako? Isusuko na lang ng ganun-ganon ang pinag-iingatan ko dahil lang sa gwapong tsonggo'ng iyon? Aba! Kahit s'ya pa ang pinakagwapo sa balat ng impyerno hinding-hindi ko ibibigay sa hinayupak na iyon ito, ano! Sinuswerte n'ya naman yata! Pagkatapos n'ya akong sabihan ng pangit at pwede na raw'ng pagtyagaan? Never! "Mga gaga kayo! Anong akala n'yo sa akin? Basta-basta na lang namimigay ng perlas ng sinilangan sa isang manyakis na babaerong iyon? Ganun ba ang tingin n'yo sa akin? Aba! Kahit ganito lang ang itsura ko mataas rin naman ang standards ko pagdating sa lalaki! At isa pa, hinding-hindi ako papatol sa lalaking ginagawang pampalipas oras ang mga babaeng kinakama at pagkatapos itatapon na lang basta-basta, ano!" nakataas ang kilay ko habang nakapamewang na pinagsasabihan sila. "Galit na galit? Gusto manakit?" pabalang na sagot ni Patty. "Masyado kang defensive friend!" "Napaghahalata ka." Napafacepalm na lang ako sa kanila. Sabihin n'yo nga sa akin kung paano ko naging kaibigan ang dalawang ito? "Alam mo friend, naninigurado lang naman kami kasi syempre concern naman kami sa'yo. May pagkasintu-sinto ka pa naman minsan—aray!" Binatukan ko nga. Letse! Ako pa ngayon ang sintu-sinto? Really? Ibang klase! "Ako? Sintu-sinto minsan?" I exclaimed in disbelief. Mga kaibigan ko ba talaga 'to? "Oh sige! Madalas na lang! Grabe ka mambatok haponesa! Naalog yata yung utak ko sa loob!" saka n'ya hinagod ang batok n'yang binatok ko. Napasabunot na lang ako sa sarili ko saka tumalikod at nagmartsa paalis. Bahala nga sila d'yan! Jusmiyo! Tataas yata presyon ko sa mga may saltik na mga kaibigan ko. Mas nai-stress ako sa kanila kesa sa tsonggong katabi ko. Letse! "Z-zayden... P-para sa'yo." Bigla akong napatigil sa paglalakad nang makita ko ang gwapong tsonggo. Huh! Speaking of the devil. Ano na naman ba ang pakulo nito? "Will you just stop it already? You've been making yourself stupid and desperate since high school. Hindi ka pa ba nagsasawa? How many times do I have to tell you to back off? Ayoko sa pangit, okay? Kailangan pa bang paulit-ulit?" he rudely spatted like dagger that cover with ice which make me stunned for a moment. Ganito ba s'ya mang-reject ng babae? "But I made this for you. Kahit tikman mo lang naman," the girl still insisted. "I don't eat trash," akmang aalis na sana s'ya nang biglang umiyak ang babae habang nakahawak sa braso nito. "Pinaghirapan ko 'to para sa'yo," sabi pa nito. But Zayden will always be Zayden. He pulled off the grip of the girl from his arm as he recklessly turned his back to her na dahilan upang magbangga sila at mapa-upo ang babae sa sahig. She lost her balance and fell dahilan upang matapon ang lunchbox na may lamang pagkain at magkalat ito sa sahig. Hindi ko alam kung maaawa o matatangahan ako sa babae. "I never ask you to cook foods for me," he arctically said staring at the girl with his frigid dark eyes. "Ang sama sama mo!" iyak ng babae saka nito kinuha ang lunchbox at tumakbo paalis. I saw him took a deep breath as he turned back dahilan upang magtama ang aming mga paningin. He was taken aback at the sight of me while I was just giving him my emotionless expression. Hindi ko alam na ganito pala s'ya kasama. Pero ang tanga rin naman kasi ng babae, eh. Pero hindi pa rin tama ang ginawa ng huklubang tsonggong ito. Pero kasalanan pa rin naman ng babae kasi mapilit s'ya. Pero.... Argh! Ang gulo ko rin, eh! "Miss nerdy playing hard to get," he spatted as the cold atmosphere suddenly dissappeared when he showed me his playful boxy smile. Tumaas naman ang kilay ko. Two faced heartbreaker. "Are you gonna confess too?" he mocked that made me irritated. Sa tingin n'ya ba nakakatuwa ang ginawa n'ya sa babae kanina? Kahit man lang sana tanggapin n'ya na lang sayang rin yung pagkain! Tsk, tsk. "Nagsasayang ka ng pagkain alam mo yun?" mataray kong sambit sa kaniya na ikinatawa n'ya lang ng pagak. May saltik rin pala ang isang 'to. Kung kanina halos gawin n'ya nang yelo sa sobrang lamig ng pakikitungo n'ya doon sa babae tapos pagdating sa akin tatawa-tawa s'ya? Grabe! "It's not my problem anymore," he seriously said as he tilted the side of his seductive lips. "Anyway, if you're gonna confess to me right now just like what the girl did earlier then do it already. Don't worry, hindi naman kita irereject." I laugh nonchalantly. Yung tawang nakakainsulto, ganern! "Me? Seriously?" kunwari pang nagpupunas ako ng luha sa gilid ng mga mata ko kahit wala naman. "You're f*****g ridiculous!" bigla naman s'yang napangiwi. "The f**k?" he hissed that made me literally laugh my heart out. "You're funny. I'm not gonna confess you idiot!" I said as I composed myself and raised my brows. "Dream on jerk," saka ko s'ya nilagpasan na may tagumpay na ngiti sa mga labi. Akala mo naman makukuha mo ako sa pangiti-ngiti mong hayup ka? Huh! Kung gusto mo ng laro, sige maglalaro tayo. Pagkarating ko ng canteen ay hinanap na agad ng mga mata ko ang dalawa at hindi naman ako nabigo nang itaas ni Cassidy ang kamay n'ya winagayway pa para makita ko. "Bakit mo ba kami iniwan? At saka saan ka galing? Kanina ka pa namin hinihintay ah," bungad agad na tanong sa akin ni Patty pagkarating na pagkarating ko sa table namin. "Binilhan kita ng foods," saka nilapit ni Cassi sa akin yung binili n'yang burger, lasagna, fries at sundae na nasa tray. Naupo naman ako sa tabi niya at isa isang inalis sa tray yung mga pagkain. "Wala, may nakasagutan lang d'yan sa tabi-tabi," walang ganang sagot ko saka nilantakan ang pagkain. "Ano? At sino naman? Si Alissa na naman ba?" tanong nila na ikinailing ko naman. Nilunok ko muna ang pagkaing nasa bibig ko bago sumagot. "Yung tsonggong seatmate ko." Confusion is written in their eyes until they both realize what I mean. "Si Zayden?!" biglang sigaw nila dahilan upang mabulunan ako. Takte! Kailangan talaga sumisigaw? Inabot ko ang iced tea ni Patty at walang pagdadalawang-isip na inubos iyon. "Ano ba! Manahimik nga kayo! Kung makasigaw naman kayo eh," sabay masid ko sa paligid, buti naman at hindi sila nakakakuha ng atensyon. "Jusko, minsan talaga iniisip kong magdala ng sinulid at karayom nang matahi yang mga bunganga niyo," suway ko sa dalawa na ngayon ay nakataas na naman ang kilay halatang hindi nasisindak sa sinabi ko. Ano? May interrogation na naman bang mangyayari ngayon? At pag pinagtatanggol ko ang sarili ko ay ako pa ang lalabas na defensive? Oh please! "Bakit mo naman nakasagutan si Zayden ha?" may mapanutyang tanong ni Cassidy. "He is just pissing me off, okay? I hate his guts! He is too full of himself," ayan at nagsisimula na naman akong mairita. "Nako, haponesa! Alam mo bang the more you hate the more you love? At nagsisimula ang lahat ng iyan sa asaran? Kyaah! Iniisip ko pa lang kinikilig na ak— Aray!" igik n'ya nang batukan s'ya ni Patty. "Ano ba Patotie? Talagang nananakit? Nakakarami ka na talaga, ha? Napapansin ko kahapon ka pa nambabatok sa akin!" reklamo n'ya habang hinihimas ang batok. "Lumalabas na naman kasi pagka-wattpader mo! Kung anu-ano na naman iniisip mo! Minsan nga tigil tigilan mo ang pagbabasa n'yan. Nahahaluan na ng fiction ang reality mo eh," ayan at nagsisimula na naman po sila. "Aba! Inuutusan mo ako?" nakapamewang na ngayon si Cassidy habang nakataas ang kilay na mukhang naghahamon ng away kay Patty na isa ring palaban. "Tama na nga yan!" suway ko habang napapahilot sa sentido ko. Ilang bangayan pa ba ang mangyayari ngayong araw? "Maiba ako," biglang sumeryoso ang tinig ni Patty dahilan upang mapatingin kami sa kaniya na nagtataka. "Hanggang kailan mo pa ba itatago ang katotohanan sa pagkatao mo, Eya? Hanggang kailan mo itatago ang pagiging Megumi Aleah Inoue— Mikitani?" Napatango naman si Cassidy bilang sang-ayon sa biglang tanong ni Patty na nakapagpatigil sa akin. Hanggang kailan nga ba? Hindi ko rin alam. Wala akong balak. "Eya, alam naming ayaw mong maging tagapagmana ng legacy ng parents n'yo ni Mayumi. But don't you think? Kayo na lang dalawa ni Mayumi ang tanging tagapagmana noon pero parehas pa kayong layas at matigas ang ulo," sermon naman ni Cassidy na ikinayuko ko. "Alam naming wala kaming karapatang manghimasok sa buhay at pamilya mo pero kasi, pare-parehas lang naman tayong tatlong mga tagapagmana, eh." "Isa pa, sabi mo sa amin dati na kapag handa ka na saka ka babalik doon. Pero sa nakikita namin ngayon, mukhang wala ka na talagang balak bumalik." I took a deep breath as I massage the bridge of my nose. "I don't know. Naguguluhan pa ako. I wanted too much to make my own name to boast and to be proud of. But I know Mom won't agree with it. I hate being jailed in a room that full of paperwork's and all. I also hate being controlled by them," tinitigan ko sila isa-isa. "You both know how hard the life being an heiress. And I don't know if I can make it." Naramdaman ko naman ang kamay nila sa magkabila kong braso saka nila ipinatong ang ulo nila sa magkabila kong balikat. "Freind, making your own name or being successor are both difficult. But we trust you, Eya. Make up your mind first before you make a decision for yourself. Nandito lang kami handang sumuporta sa anumang desisyong gagawin mo." "You can lean on us, haponesa. Sino pa ba naman ang magtutulungan kundi tayo lang naman." Napangiti ako sa mga word of wisdom nilang dalawa. I caress their both cheeks as I give them a soft kiss on their hair. "Thank you girls. I am really blessed to have you both in my life." I sincerely said as I ruffled their hairs that made them moved away with their bored look. "Too much drama guys!" sambit ni Cassidy na ikinatawa naman namin. Having an annoying but sweet best friends like them are such a treasure for me to keep. I don't know what good things I've done in my past life to deserve such a nice friends like them. Pero nasisiguro kong ang swerte swerte ko dahil binigay sila sa akin bilang instant supporter at adviser ko and of course, my second family to lean on. "Anyway, kukuha lang ako ng maiinom," paalam ko. Tumango naman sila kaya naman ay tumayo na agad ako saka naglakad patungo sana sa vending machine nang bigla na lang may pumatid sa akin dahilan upang ma-out of balance ako. Pero bago pa ako matumba at mahalikan ang sahig ay bigla na lang may sumalo sa akin pero na-out of balance rin s'ya dahilan upang sabay kaming bumagsak. But you know what's worst? I was literally stunned when our lips unintentionally met right after we lie on the floor as my eyes widened in so much surprised when I notice if who's that f**k who just steal my first f*****g kiss. "Zayden!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD