Tulad nang gustong mangyari ni Tyron ay sabay kaming nag-agahan. Well, hindi lang kami dahil biglang dumating iyong mga pamangkin niyang nakilala ko kagabi, sina Blue, Harley, at Zeke. Kasama rin ng tatlo sina Juvy at Alex. Naabutan nila kaming nag-aagahan ni Tyron kaya hindi na ako nakaiwas pa lalo na at ang tingin yata sa'kin ni Juvy ay future girlfriend ng Kuya Blue niya. Manhid yata ang isang ito at hindi napapansin ang pagkairita ni Tyron. Wala na siyang nagawa nang imbitahan ng kanyang mga pamangkin ang kanilang mga sarili upang makikain kasama kami. Mukhang karaniwan nang senaryo ang ganito dahil mabilis silang inasikaso ng mga kasambay. Hindi na nga nila kailangan pang magtawag at nagsidatingan na ang mga ito upang ipaghain sila ng agahan. Hinanap ko nga si Nanay dahil baka saka

