Sa loob nang dalawang araw ay dumagsa ang mga tao mula sa malalayong baryo at maging mga kalapit na isla upang makinabang sa libreng serbisyo ng mga espesyalistang dumating para sa medical mission. Dahil assistant ako ni Tyron ay alam kong marami-rami rin iyong nabigyan niya ng referral para sa libreng gamutan sa pinakamalapit na branch ng hospital ng kanyang pamilya. May libreng pamasahe ang pasyente at isang guardian nito, back and forth iyon kaya kitang-kita ko ang saya at pag-asa sa mukha nang bawat napagbigyan. Overall, ay tagumpay ang sinagawang medical mission. Nagpapasalamat ang Mayor ng probinsya namin sa grupo ni Tyron at bilang token of appreciation ay nagbigay ito ng ilang mga kakainin at tuyong isda na local na produkto ng aming lugar. Masaya ang lahat at habang pabalik na

