Overthink malala ang drama ko dahil sa biglang pagdalaw ni Kristelle. Masyado naman yatang napaaga ang pagsubok sa relasyon namin ni Tyron. Isang linggo pa lang ang relasyon namin pero nagparamdam na iyong three years niyang ex! Anong laban ng ilang araw sa tatlong taon nilang nakaraan? Hindi pa kasali riyan iyong pagiging international model nito! Nakakapanghina ng loob. Bakit kasi huli na nang marinig ko iyong payo ni Maezy na pumili ng boyfriend na walang ex na mas maganda pa sa'kin. Ang totoo nga niyan ay hindi ko alam kung may comparison nga ba gayong ang layo naman yata ng isang probinsyana sa isang modelong laman ng mga fashion magazine! Anong laban ko roon? Hindi ko tinitingnan ang cellphone ko kaya kinahapunan ko na nabasa iyong text ni Tyron. Nagpaalam pala siya sa'kin kanina

