Kabanata 23

2488 Words

TULALA SIYANG nakatitig sa labas ng bintana. Heto na siya. Babalikan na niya ang bansa kung saan siya umibig at kung saan din siya nasaktan. Bumuga siya ng hangin upang gumaan ang kaniyang pakiramdam. Sumikip kasi ang dibdib niya mula kahapon. Tumakbo sa isipan niya ang isang istorya na inakala niya ay magpapatuloy hanggang ngayon at sa hindi mabilang na mga bukas. Istorya niya at ni Brael. Istorya na hindi niya alam kung natapos na ba o hindi naman talaga nagsimula. Baka naman, siya lang ang nagpapantasya tungkol sa istorya na iyon. May tanong sa isip niya. Minahal ba siya ng lalaki kahit na kaunti lang? O ginamit lang talaga siya nito para magbalik si Sathania. Mahal niya ang lalaki at kahit na masakit ang ginawa ng lalaki ay hindi maalis sa puso niya ang katotohanan na mahal niya ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD