NAKATULALA SI Brael habang nakatitig siya sa litrato ng mga magulang niyang nakapaskil sa tabi ng kaniyang kama. Kailanman ay hindi niya malilimutan ang karahasan at pagmamalupit ng mga killer na iyon sa mga magulang niya. Hindi niya hahayaan na mamamatay sa kamay ng ibang tao ang mga walang hiyang pumatay sa kawawa niyang mga magulang. Inalis niya ang luha ng galit na gumulong mula sa kaniyang mga mata. Ninakaw ng mga killer ang pagkakataon na maranasan niya ang buhay ng isang normal na bata. Pangarap niyang tumanda kasama ang mga magulang niya. Kaso, wala na ang mga ito at ang pangarap niyang iyon ay mananatili na lang bilang pangarap at hindi na matutupad pa. Tumunog ang telepono sa ibabaw ng desk kaya'y inabot niya ito. "Oh?" "Hinatid mo na ba si Mariposa?" "Oo! Sa katunayan ng

