Isang ngiti naman ang sumilay sa aking labi at may iniexpect akong mangyayari. Nagsimula na ang recitation at lahat ng mga natatawag nya ay halos maihi na dahil sa pagoging terror at masungit. Isang isktriktang proffesor na halos di na makasagot ang mga tinatawag dahil sa napakalamig na awra at isama mo pa ang matinding pag iirap kapag mali ang sagot mo.
Ang ganda din nito sa suot nya na halos lahat ata ng tao ay mapapasipol sa angking kagandahan.
" Ortega... "
Napabalik naman ako sa aking isip ng madinig ko ang pangalan ko. Umayos naman ako ng upo at humarap sa kanya.
" ma'am" bigkas ko habang tinitignan ang index card ko.
" what does marinating to do meat?" napalunok naman ako ngakita ko kung paano gumalaw ang bibig nya.
Napangiti naman ako ng magtama ang mga mata namin, " marinating is an effective way to introduce Extra moisture Into meat That can't get too dry when it's cook, as well Making what you marinate more tender. " mahabang sagot ko at ngumiti naman ako.
" parang ka'yo ma'am, kailangan nyo din i-marinate para sumarap ang timpla ng karne nyo at ng mapangiti ang kumakain at mapapa wow naman sila sa sarap at dahil don mapapangiti na din kayo kase nakain kau..." nagtawanan naman ang buong klase dahil sa huling sagot ko at bigla itong tumayo at matiim na naman ang mga mata nya.
I'm reputable in this school pero pagdating sa kanya nagiging inreputable ako dahil sa pinagsasabi ko.
" Are you done for your nonsense answer? " madiin nitong tanong mababakas sa mata nito ang pagkainis umakto lang naman akong parang cool lang para di mahalata na kinakabahan din ako sa mga titig nya para akong kakainin ng buhay. Kung nakakamatay lang ang mga titig nya ay baka tigok na ako.
Her jaw is clenched at humarap sa buong klase lalo na sa akin.
" All of you,get out of my class! And you! " sabay turo nito sa akin. " You stay here!" nakaramdam naman ako ng kaba dahil sa tension at ang mga kaklase ko ay nagmamadaling lumabas.
"Good luck besh... " bulong nito at napalunok nalang ako. Naglakad ito patungo sa pinto at isinara ang doorknob at tumingin sa akin. Napa eye roll na naman.
" Ortega" pagbanggit nya sa pangalan ko. Mababakas sa mukha nya ang pagkainis dahil sa ginawa kong pagsagot sa kanya kanina. Napatayo naman ako at lumapit sa harapan ng desk nya at itinukod ang mga kamay sa ibabaw nito at tumingin sa mga titig nya.
" yes ma'am? Ano po ang pag uusapan natin? " inosenteng tanong ko. I can't help but napatingin ako sa kanyang mga labi.
Nakipagtitigan pa ito sa akin at muli na naman syang nagsalita na ikinakunot noo ko.
" You know you're an sc president but you dont act like one... " napamaang naman ang mga labi ko sa nadinig at nakaramadam naman ako ng inis.
So ano ang pinupunto nya dito?
" So you think that I am not a reputable officer? because I answered you that way? " may halong sarcastic ang pagkakasabi ko at enemphasized ko pa talaga ang salitang maam.
Alam ko kung saan hahantong ang usapan namin na ito pero nakakatiyak akong mas lalo ko lang syang aasarin at iinisin. Isa atang ortega ito and no one can stop me.
Muli na naman itong nagsalita.
" You're not qualified to become an sc presedent for that attitud---" I cut her off at nginitian sya ng inosente.
" Do you want to know me more maam? Or do you want to know me deeper than you know? " Balewala lang itong tumingin sa akin at hindi natinag sa sinabi ko. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya pero bago pa 'yon mapalapit ay bigla nya akong itinulak kaya napaupo ako sa chair. Napadaing naman ako at tinignan din sya ng masama.
" Ano bang problema mo maam, bakit ka nanunulak? Are you afftected by.my presence? " wala sa sariling saad ko sa kanya at sya naman ay blangkong expression ang sumalubong sa akin.
" In your dreams Ortega. " bigla naman itong kinuha ng bag nya at mga papel at naglakad na papuntang pintuan, bagi pa man nya ito mabuksan ay nahawakan ko ito sa braso nya ng di ko sinasadya shet! Bigla na naman akong napabitaw at tila naramdaman din nya ata ang weird na 'yon. Di ko namalayan na wala na sya sa harap ko at pawang nakaawang na naman ang mga labi ko dahil sa pakiramdam na 'yon ugh
Maging sa cafeteria ay ganun pa din ako. Hinayaan ko nalang kung ano 'yon. Pero nakaramdam ako ng something sa tyan ko.
" ponkan, ano nangyari sa inyo ni Ma'am? Katakot kaya sya... Buti nakakakaya mo syang ganunin hayif ka" sabay tawa naman nito habang kumakain ng pasta. Samantalang ako naman ay umiinom ng zest-O at sandwich. Pinabaunan kase kami ulit ni mommy Avery ni ate snack at lunch ang pinabaon sa amin na pagkain.
Napagawi naman ako sa magkakasamang proffesor which is ang grupo nila Miss Hazel at for sure kasama nila si Dean. May na receive akong text at galing ito kay ate Avara kung saan natanaw ko aya kasama ang mga proffesor. Pinapapunta nya ako doon sa gawi nila. Ayaw ko sana pumunta pero isang bagay ang sumagi sa isip ko ?.
" Brianna, gusto mo ba sumama or jan ka nalang? "
Natigilan naman ito sa kakalikot ng phone nya. " Saan? " natawa ako sa itsura nya.
" Kita mo 'yong nagkukumpulan? Doon! " agad naman na tumalima ang mga mata nya at nanlaki ang mga mata. Napalunok naman ito.
" Really!? "kyaahh! " tili nito tsk parang bata tsk
" Helo mga maam! " sabay na bati namin ni Brianna sa kanila. Ngumiti naman sa amin pabalik ang ibang proffesor maliban lang sa kanya na di maipinta ang mukha ng makita nya ako.
" Hey sis! " bati naman sa akin ni ate habang katabi nya si miss Hazel at pangiti ngiti naman ito subalit ang katabi nya ay tinutulak naman sya. Umupo naman ako sa tabi ni Miss Ailyn katapat ko si miss geneses at katabi nya si Dean.
" Kumain ka na ba? " tanong ni Miss Dean. Tumango naman ako bilang sagot. Napansin ko naman na ang tahimik ng isa.
" Hoy Geneses bakit ba ang tahimik mo jan? Malapit ng mapanis yang laway mo! " Si Miss Ailyn. " at ikaw naman Hazel di ka ba attracted kay Avara? " walang gatol na sabi nito. Napatawa naman kami.
" Isa ka pa! Gusto mo bang tahiin ko yang bibig mo Ailyn? Napakadaldal mong babae ka"suway naman sa kanya Ni Miss geneses na pinaglalaruan lang ang pagkain sa harapan nya.
Natawa naman si Dean sa turan nya. Napatingin naman ako kay Miss rodriguez ng tumayo na ito. " I'm done. Mauna na ako sa inyo."
" Aba hoy geneses bigla ka namang nang iiwan... Kaloka! " she exclaimed in this belief. Hindi naman na sya pinansin ni Miss Geneses at ang bilis naman nito maglakad kaya napatayo na din ako at sinundan sya. Nakatanga naman si Brianna dahil sa mga proffesor na kasama namin. Iniwan ko muna sila at sinundan ko muna sya.
" Ma'am! "
Tawag ko sa kanya pero hindi ito lumingon bagkus ay nagpatuloy lang ito sa paglalakad pilit ko namang hinabol ito dahil ang bilis nya maglakad.
Humahangos naman na humarang ako sa harap nya ng maabutan ko sya.
" Teka lang maam ang bilis mo maglakad, e.. " reklamo ko pero tinignan lang nya ako ng blangko.
" Move, Miss Ortega."
"Ma'am try mo ngumiti mas bagay sayo yon ma'am.".naka poker face Lang SI ma'am .. "don't you have better things to do in the student council Ms. Ortega? Instead your here pissing me off ,,,make your day a productive one" Napa isip Naman ako sa sinabi Ni ma'am haha Ang cute nyang magalit! Shems! Bakla na nga yata talaga ako...."productive Naman Yong araw ko ma'am Basta Makita kitang ngumiti kahit medyo slight na ngiti Lang ! Oops bye ma'am wag kalimotan ngumiti!" Haha sabay takbo ko baka hampasin nako Ni ma'am, e.
" Ponkan, "kalabit sa akin ni Brianna. Habang papunta kami ngayon sa klase ni Ma'am Caranto.
" oh? "maikling saad ko habang nakatuon ang atensyon ko sa phone ko. In-add ko sa sss si ma'am at hanggang ngayon ay di pa din nya ako in-accept.
Ka chat ko naman sila Gray ang peace officer in short nasa gc namin.
Nakausap kase namin ang may-ari ng school at nabanggit nila na may gaganaping outreach program para sa mga katutubong aeta.and since culinary arts student kami. We volunteer na kami na Ang bahala sa feeding program. Para sa mga katutubong aeta's, sa Zambales.
Masaya kami at Isa kami sa napili na sumama sa outreach program...dahil gusto den namin ma experience Kong paano sila mamuhay sa bundok.
Next week na 'yon at ilang araw nalang para maghanda kase tatlong araw kami sa lugar na pupuntahan namin....I'm supper excited ..Sana makasama den namin sila Ms.geneses!
" Malapit na 'yong outreach program natin... Gusto ko lang ipaalala sa'yo" natatawang saad nito habang nakaakbay ito sa aking balikat. Malamang sa malamang dahil pina announce ko 'yon sa intercom ng school at pinapaskel ko sa bulletin board.
" Di naman ako ulyanin para di 'yon makalimutan... " nandito na kami sa next subject namin at doon kami sa likod umupo. Wala pa naman ang prof namin kaya itong si Brianna dinadaldal na naman ako.
" excited ako makakita ng mga aeta!" parang timang na nag iimagine sa hangin.
Wala pa naman akong alam tungkol sa mga tribo ng mga katutubong aeta.
Nang dumating si maam caranto ay naglecture lang ito at nagpagaw ang short quiz at tsaka na kami dinismiss.
Papunta kami ngayon sa cafeteria para kumain dahil nagugutom na daw itong parang parrot na kasama ko.
Pagkapasok palang namin sa loob ay nabungaran ko na naman ang limang proffessors. Kasama na naman nila Si ate Avara at kinukulit na naman ang isa sa mga proffesor.
Napalingon naman sa gawi namin si Miss Blaire---isa sa mga proffesor na kaibigan nila
" Orange! "
Kumakaway naman ito na tinatawag ako kaya pumunta nalang kami ni Brianna sa kanila.
" Yes, Maam Blaire? " wika ko. Halos sa amin nakatuon ang atensyon nila except kay Miss rodriguez.
" Sumabay na kayo sa amin. Since nandito naman ang ate mong si avara... "
" Napadako naman ang tingin ko sa kanya at napahalukipkip naman ang dalawang braso sa dibdib at inirapan ako. Ano naman problema ni Maam? Umupo nalang ako sa tabi ni Miss blaire at sa side naman ni Maam Ailyn Si brianna.
" Oh, mag order ka na Avara since ikaw lagi nag vovolunteer," Napatawa naman kaming lahat except sa isa at natawa din naman si Ate dahil sa sinabing 'yon ni Miss Ailyn.
Habang inaantay namin si Ate ay panay kwentuhan naman ng ibang proffesor tungkol sa hang out nila ng nakaraan. Hindi ko nalang sila pinagtuunan ng pansin kundi sa katapat kong proffesor. Nakahalukipkip pa din ito. Di ko pa din maiwasan na titigan ito, bagay sa kanya ang suot nyang white long shirt na may design sa dibdib at skirt.
" Staring is rude Ortega... " bumalik ako sa isip ng makita kong nakatingin sya sa akin at tinaasan na naman ako ng kilay at inirapan.
Di ko namalayan na napatagal pala pagtitig ko sa kanya
Isang silay ng ngiti ang pumaskil sa labi ko ng mapagtanto kong tumingin ulit ito sa akin.
" No maam, staring is not rude anyway..." natatawa ako ng magtaas na naman ito ng kilay sa akin. " Kase tingin palang naman maam, hindi pa naman kita hinuhubaran kaya hindi pa naman ako bastos para maging rude sa paningin mo maam, " Binigyan ko sya ng inosenteng tingin at ala sa sarili na kunwari nakatingin ako sa plato
Muntik na akong matawa dahil sa itsura nya at para na akong pinapatay sa paraan ng pagtitig nya.
" oh? Anong itsura yan Geneses? Para ka namang papatay nyan? Ano nangyari sayo? " Tanong ni Miss ailyn ng makita nito si Maam Geneses na kulang nalang ay patay ka na sa titig nya.
" tumahimik ka nga jan Ailyn! Gusto mo ikaw nalang patayin ko? " bumaling naman ang tingin nito sa isa at nasindak naman ito. Kaloka
" kaloka ka naman Geneses, chill lang di ka naman mabiro, hehe"
" Itong si Geneses kaloka di ko keri kasungitan nya parang bubuga na ng ap---uyuiik" bigla syang binusalan ng pritong manok ni Miss Hazel ng dumating na si ate Dala ang tray at kasama ang ibang crew.
" Oh, ayan lumamon ka muna ang daldal mo kanina ka pa ngawa ng ngawa Ailyn! " masungit na turan ni Miss Hazel. Natatawa naman si Ate sa gilid nya at kinindatan
Hindi naman sya pinansin ng isa at kinuha ang pagkain nya at nagsimulang kumain. Pansin ko na panay gulay kinakain nya. Di ba sya mahilig sa meat?
" Besh, ganito pala makasama ang mga hot at sexy na proffesors ?" bulong na saad ni Brianna.
" Mauna na ako sa inyo, at ikaw Miss ortega, " baling nito sa akin, " Sumunod ka sa akin ngayon na." She commandes with her cold voice at naglakad na ito papalabas ng Cafeteria. Gusto ko pa sanang magsalita kaso di ko pa natatapos kinakain ko kaya wala nalang akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Nagpaalam muna ako sa kanila at sinundan ang terror kong proffesor.
Pagkadatong ko sa tapat ng faculty ay kumatok muna ako at pumasok sa loob ng madinig ko ang boses nito. Dahan dahan naman akong naglakad patungo sa harap ng desk nya at nakita ko syang naghahanda na para sa susunod nyang class at---kami pala 'yon.
"Maa----"
" Pakidala ito... Follow me. " magsasalita palang sana ako ng maputol na naman ang sasabihin ko sa kanya. Bakit ba ang hilig nilang mangputol ng sasabihin?
Seriously? Ipapabuhat nya sa akin ang lahat ng ito? Apat na kahon?
"Ortega! "omaygash ang terror kong proffesor agad ko naman na pinilit na buhatin kaso ang bigat tangina!
Ang bilis naman nya ang bibigat kaya nito. Pinilit kong habulin si maam. Parusa nya ba sa akin 'to dahil sa pagsagot ko sa kanya kanina? Wala namang mali sa sinabi ko. Tsk
"m-maam.. Saan ko po ito ilalagay? " Humahangos na tanong ko sa kanya at walang lingo lingon ako nitong inirapan. " pwede ba maam sabihin nyo nalang kung saan ko ito ilalagay.. Kaysa naman panay irap kayo jan...mahal po sitaw maam... " sabi ko dito.. Muntik na naman akong matumba ng bigla naman itong huminto at buti nalang at nahawakan nya ako.