SA IBANG dako ay nahihiwagaan talaga si Markus sa kaniyang bagong katauhan. Kung kailan matagal na siyang namamalagi sa katawang iyon ay saka naman siya nagkaroon ng pagdududa sa kakaibang ikinikilos niya nitong mga nakaraang araw. Naisip niya na baka minsan na ring nagtagpo ang katawan niya at ng kaluluwa ng katawang kaniyang kinalalagyan. And if the truth behind this was unforeseen, he could be more curious about why it would have happened. Pero, sinong mag-aakalang ang lahat ng bagay na nakikita niya ngayon ay sumasalamin sa kaniyang kapalaran? In fact, Markus was still clueless about his destiny. At kung paano siya paglaruan ng tadhana. Animo'y nakita niya ang sarili na naglalakad sa isang paraiso, tahimik at walang ibang tao roon bukod sa kaniya. Hanggang sa makita niya ang kamukh

