Chapter 5: Life's Changing

1739 Words
TULUYAN NA ngang nagbago ang takbo ng pamumuhay ni Markus sa Bear City of Wonderland. At kasabay ng pagbabagong iyon ay ang katotohanang hindi na niya p'wedeng makasama pa ang kaniyang mga mahal sa buhay. Ang kaniyang inang si Marissa, ang malapit na kaibigang si Marek at ang trabaho na kahit alam niyang ilegal ay malaki ang naitulong sa kanilang pamilya. Ngunit hindi pa rin mabura sa isipan niya ang dahilan kung bakit siya namatay, at dahil iyon sa pakikipagsapalaran niya na may mapatunayan sa pinunong si Mr. Consuelo. Pero paano niya pa ba magagawa 'yon kung nabigyan lang siya ng pagkakataong mabuhay ulit sa ibang paraan? For three days of his staying on Bear City have no changes and like what happened yesterday, the scenario has been repeated. Papakainin niya ang mga alagang oso na anyong tao sa umaga hanggang hapon. At makikipaglaro sa mga ito kapag may libreng oras. "Bakit parang malungkot ka?" Napalingon siya sa boses na iyon. Sa wakas, ay pinutol ni Betina ang kaniyang sandaling katahimikan. Malapit na kasi siyang mabagot sa sobrang tahimik. "Hindi ako malungkot, pero parang gano'n na nga," kaswal na sagot niya. At doo'y natunugan niya ang paghakbang ni Betina upang tumabi sa inuupuan niyang sanga ng narra. "Sigurado akong binabalikan mo ang dati mong buhay," sabi nito na sandaling ikinalingon niya. "Paano mo 'yon naisip?" Bahagyang natawa ang dalaga. At sa pagkakataong iyon ay bigla na lang patakbong nagsilapitan sa kanila ang mga oso. Ngunit ang ipinagtataka ni Markus ay hindi iyon ang mga osong alaga nila. "Nagbalik na sila," tanging nasabi ni Betina sa kawalan. "Sinong sila? Ang mga oso? Saka may mga tunay na mga oso?" Doon siya muling nilingon ni Betina at sa pagkakataong iyon ay nakita niya kung paano ito amuhin ng mga oso. Habang siya ay hindi man lang magawang lapitan ng mga ito. "Tama ang sinabi mo, sila talaga ang tunay na mga oso. At tapos na ang kanilang paglalakbay sa kabilang bayan bilang paggalang sa tradisyon nila." "Kung ganoon ay hindi lang pala mga taong oso ang aalagaan natin, kundi mga tunay na oso," konklusyon niya na nagpatango kay Betina. Nakita pa niya ang pangil ng mga ito na labis niyang ipinangamba. "'Wag kang matakot sa kanila, lilipas din ang mga araw at aamo rin sila sa'yo." Saka niya nakita ang paglingon sa kaniya ng ilang oso. "Pero anong tradisyon nila ang sinasabi mo?" "Kinailangan nilang maglakbay sa ibang bayan ng mahigit dalawang araw bago sumapit ang huling petsa ng buwan. Kung saan ay wala silang kain at tulog, at bilang paggalang sa kanilang pinuno na pinangakuan sila ng magandang pamumuhay dito sa Bear City." "May pinuno pa sila?" paniniguro niya. Napatango si Betina. "Oo, at kilala itong mabangis na oso lalo na't itim ang balahibo nito." "Kung ganoon ay gutom na gutom na 'yan sila. Ipagluluto ko lang sila--" "Hindi na kailangan, Lolo Markus, dahil sapat na sa kanila na damo ang kainin sa ganitong oras." "Pero wala iyong sustansya, Betina, lalo na't dalawang araw silang walang kain, kailangan nila nang sapat na lakas," katwiran niya na hindi maiwasang hangaan ng dalaga dahil sa pag-aalala niya sa kalusugan ng mga oso. Alinsunod din ang kaniyang kilos na pinagmamasdan lamang ni Betina. While preparing the food, he admits that his staying for Bear City would be different now, and a little bit more exciting to be a friendly human from other species. Pagkatapos ng halos isang oras ay natapos na rin siyang magluto ng kanin at ulam. Binating itlog na may kamatis at sinangag ang kaniyang inihanda sa may dahon sa saging. Bagay na hindi niya inaasahang kagigiliwan ng mga oso. "Mukhang nagustuhan nila ang kanin na hinaluan mo ng bawang." "Hindi mo pa ba iyon nasusubukan? Madalas ay iyan ang almusal ko sa mundo ng mga tao," k'wento niya. "Kung ganoon ay palagi kong hihilingin sa'yo na ipagluto kami ng ganito," nakangiting sabi ni Betina. He never thought that the ordinary food from human's world seems special to other species and of course, for Betina. "Walang problema." Nakita niya na mukhang sumigla ang mga oso matapos kumain at gayon na lang ang unti-unting paglapit ng mga ito sa kaniya. "Mga oso, tama lang ang ginagawa n'yo, dahil siya ang bagong katuwang ko sa pag-aalaga sa inyo," nakangiti pang sabi ni Betina. At aaminin niya na hindi rin mapigilan ng kaniyang labi sa pagngiti. Ibang saya ang ibinibigay ng mga osong ito sa kaniya. It's an odd feeling but he thinks that it's for the better living on this city of bear. Nang magdadapit hapon na ay lalong dumami ang bilang ng oso mula sa kanilang paningin. Hindi niya na nga makilala kung sino ang mga tunay na oso sa mga ito dahil wala itong pinagkaiba sa isa't isa. At ang sandaling katahimikan ay pinutol niya ng isang katanungan, "Betina, maaari ko ba silang pangalanan?" "Kung ayos lang sa'yo? Ang kaso ay malilito ka kung sinu-sino sila dahil sa pagkakapareho ng kanilang mga balat." Napatango siya kasabay nang pag-awang ng bibig. "Pero may sikreto ako kung paano malalaman na tunay silang oso o hindi," sabi pa nitong muli na nagpalingon sa kaniya. It tooks few seconds of silence before he begun to talk, "Kung ganoon ay paano?" "Tingnan mo lang sila sa mga mata. At makikita mo kung paano ba sila tumingin sa'yo. Kung napapatingin sila sa'yo ng mahigit sampung segundo, taong oso 'yon. Pero kung pahapyaw na tingin lang ay tunay silang mga oso." "Pero sa tingin mo ba ay mabilis kong mapapaamo sa akin ang mga tunay na oso?" "Hindi malabo 'yon, lalo na't nilutuan mo sila ng masarap at masustansyang pagkain." Napangiti siya sa kawalan at sandaling pinagmasdan ang kalangitan. Now, he was enjoying his new life changing, and begun to embraced it with acceptance. Dumidilim na ang kalangitan nang magpasya sila ni Betina na isa-isang papasukin sa kulungan ang mga oso. Matalino rin ang mga oso dahil alam na nila ang kani-kanilang p'westo ng kulungan at hindi na kailangan pang udyukan. Kailangan mo lang silang samahan hanggang sa tuluyang makapasok ng kulungan. "Naisip ko lang, paano kaya kung pumasyal tayong dalawa sa kabilang bayan? Parang gusto kong makakita naman ng ibang lugar, lalo na't hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging anyong ganito." "Markus, imposible 'yang iniisip mo." Napalingon siya kay Betina, hindi dahil sa sinabi nito, kundi dahil sa pagtawag nito sa kaniya. "Tama ba ang narinig ko? Tinawag mo ako sa pangalan ko ng walang lolo? Teka, bumalik na ba ako sa dati kong anyo?" magkakasunod na tanong niya. At doo'y narinig niya ang malakas na halakhak ng dalaga na nagpalumbay sa kaniyang sarili. Umasa lang naman siya. "Pasensya ka na kung natawa ako. Pero naisip ko lang kasi na baka mas makabubuti kung tatawagin na lang kita palagi sa pangalan mo. At kagaya nang sinabi mo, hindi ka naman talaga matanda, at naniniwala ako ro'n." Para siyang maluluha sa kasiyahan, lalo na't alam niyang kahit papaano ay may naniniwala sa kaniya. Gayundin ang kaniyang mithiin na sana ay bumalik siya sa dating anyo. "Pero kagaya rin nang sinabi ko, imposible ang kagustuhan mong makarating ka ng ibang bayan. Masyadong malayo ang kabilang bayan at mukhang hindi kakayanin ng katawan mo ang mahabang paglalakbay." Doon siya napatanaw sa dingding nang may bahid ng inis at galit. "Kasalanan nila 'tong lahat. Kung kaya ako nagdurusa ngayon sa bago kong anyo. Nangangako ako, na sa oras na makabalik ako sa dati kong anyo ay babalikan ko silang lahat at isasampal ko sa kanila ang katotohanang magaling ako." "Markus.." nag-aalalang wika ni Betina. "'Wag kang gumawa ng maling aksyon sa pangalawang pagkakataon. At sinasabi ko sa'yo na walang magandang maidudulot 'yon." Doon siya napabalik ng tingin sa dalaga. "E, anong gagawin ko, Betina? Nagkalayo kami ng sarili kong ina na kinakailangan ng pag-aalaga at suporta ko sa pinansyal nang dahil sa grupong sinalihan ko. At ngayon, habang lumilipas ang mga araw ay hindi ko alam kung may ina pa ba akong babalikan!" naluluhang wika niya n a nagpa-iling kay Betina sa kawalan. "'Wag kang mag-alala, Markus. Dahil sigurado akong ayos lang ang nanay mo. Pero isipin mo rin sana na kung babalik ka pa sa dating buhay, maniniwala ba sila na muli kang nabuhay? Siyempre hindi, 'di ba? Kaya dapat ay ipagpasalamat mo na lang ang 'yong pangalawang buhay kahit malayo ito sa nakamulatan mo." Napailing siya bilang pagtanggi. "Hindi ko lang maiwasang malungkot, Betina. Ang dami ko pa sanang plano sa amin ng aking ina. Dahil siya na lang ang mayroon ako, siya na lang ang dahilan no'n kung bakit ako lumalaban sa buhay. Hindi na ako nag-asawa upang matutukan siyang alagaan habang nagtatrabaho ako para sa pang-araw-araw naming pangangailangan." Doon siya napayuko at sa sandaling iyon ay nakita niya ang pagdampi ng kamay ni Betina sa kaniyang balikat. "'Wag ka nang malungkot, Markus. Nandito naman ako, at bilang kaibigan ay handa kitang damayan." "Salamat," tipid na sabi niya habang binabalot pa rin ng luha ang kaniyang mga mata. "Ngumiti ka na, lalong kukulubot ang balat mo niyan," pabiro pang sabi nito. At sa kawalan ay napaisip siya, kung sino nga ba si Betina. Kaya naman napatanong siya rito, "Ikaw ba, Betina, paano ka napadpad dito? Ang sabi mo sa akin noong isang araw ay matagal ka na nang tagapangalaga ng mga oso. Paano ka nasanay sa ganitong pamumuhay?" Tipid na ngumiti si Betina. At pilit itinatago ang kaniyang totoong pagkatao. Ayaw niyang malaman ni Markus ang kaniyang tunay na anyo, na siya ang diwata ng buhay at kamatayan. Napayuko lamang siya bago pa man magsimulang magsalita, "Hindi ko rin alam, Markus, pero nagising na lang ako isang araw na masaya ako sa ganitong pamumuhay. Wala kang p'wedeng makaalitan dahil ibang anyo ang iyong nakasasalamuha sa araw-araw. Maliban na lang sa responsibilidad mo sa kanila na paulit-ulit lang, ay talaga namang mananawa ka. Pero alam mo kung bakit nagtagal ako rito? Iyon ay dahil sa pagmamahal ko sa kanila." Sandaling natahimik si Markus at saka niya naisip na hindi nga pala siya nag-iisa, dahil ang mga taong oso na inaaalagaan niya ay mga sinumpa rin. "Pero paano pala ang mga taong oso na isinumpa rin? Paano sila makababalik sa totoo nilang anyo?" At ang mga katagang isinagot ni Betina ay labis na nagbigay sa kaniya ng matinding pagtataka, "Nasa kamay mo ang kanilang kapalaran, Markus." Saka siya napaisip sa kawalan, "Sino ka nga ba talaga, Betina?" Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD