NANG DAHIL sa mga salitang binitiwan ni Betina ay nabuo na naman ang kuryosidad ni Markus sa totoong pagkatao nito. Gayundin ang paghangad niya na maging matagumpay sa misyon. Subalit, nagtataka siya kung ito lang ba talaga ang kaniyang misyon? Na maging tagapangalaga sa mga oso? Na subukin ang kaniyang pasensya sa araw-araw? Kung ito lang 'yon ay nagtataka siya kung hanggang kailan siya dapat maging tagapangalaga-- o kung hanggang kailan siya matatapos sa misyon na ito? Kaya naman habang pabalik sila sa kapatagan ay napuna ni Betina ang kaniyang pananahimik. "Markus, bakit tila kanina pa malalim ang 'yong iniisip?" "Hindi ko lang maiwasang mapatanong sa sarili, Betina, kung hanggang kailan matatapos ang aking misyon?" Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila. Maliban sa tu

