Chapter 1

1396 Words
"Do you really believe that a man will settle for a woman?" taas kilay na tanong ni Professor Rosa sa amin. Halos walang gustong magtaas ng kamay dahil kilala na namin siya. If someone will ask for that question, hindi ka titigilan hangga't hindi ka sumang-ayon sa tanong niya. "Ms. Sanchez? What do you think? Hindi ba't may ka live-in ka naman?" tanong niya kay Shelly. Hindi sekreto sa amin na may kinakasama nga si Shelly. They're together now for almost 3 years pero wala pang anak. Everybody loo at Shelly. Hindi siya makangiti ng maayos. Kung sa akin itatanong yan, I'm sure it will be awkward. Shelly stood up. "I-I do believe, Ma'am." sagot niya. Mas lalong tumaas ang kilay ni Ma'am Rosa. "How so?" "Well.. my boyfriend is faithful to me. He knows my family background so I doubt that he will cheat on me." Shelly answered with confidence. That question made me think for the whole session. For some, they can answer it with confidence because they had been there. Alam nila at kilala nila ang bawat isa. But for me, I cannot say that I believe that a man will stay loyal to you. Wala pa akong naging boyfriend ni isa. Wala akong experience kung pano ba kilitasin ang isang tao. All I know is that, if you really love someone you have to understand each other. You have to stay loyal and faithful. Nang sa ganon ay tumagal ang pagsasama niyong dalawa. Ngumisi si Ma'am Rosa. She's known for being a distant person. Ang chismis ay hindi raw siya naniniwala na may forever dahil mismo ang asawa nito ay iniwan siya. "Don't be too confident, Ms. Sanchez. Sit down." Nahihiya man ay naupo si Shelly. Nagsimula ulit na magsalita si Ma'am na kailangan daw ay kilalanin ng mabuti ang isang lalaki bago mag asawa. Natapos ang oras namin sa sermon niya. Somehow, naiintindihan ko ang nararamdan ni Ma'am. I can see her pain. Katulad ng kay Nanay. Napabuntong hininga ako. Inayos ko ang mga gamit ko saka tumayo. Nakita ko naman si Cheska na naglalakas palapit sa akin. "Hay naku! Grabe talaga itong si Ma'am Rosa. Kahit ano na lang." Medyo naiinis niyang sinabi. Cheska is my friend. Elementary pa lang ay magkasama na kaming dalawa. Ngayon na college na kami ay hindi pa rin kami mapaghiwalay. We took the same course. Bachelor of Secondary Education major in Values Education. Ewan ko ba, dati hindi naman ito ang pinangarap ko. Namalayan ko na lang na iyon na pala ang isinulat ko sa application form ko. "Masanay kana, Ches. Third year na tayo pero parang bago pa rin sayo ang ginagawa ni Ma'am." Naglakad kami palabas ng room namin. We're going to eat our lunch. Kanina pa ako gutom dahil hindi ako kumain kanina bago pumasok. "Nakakapanibago pa rin kasi e. Biruin mo, si Shelly pa ang tinawag. Ang gaga confident ang sagot e alam naman ng lahat na niloloko siya." "Hayaan na lang natin sila, Ches. Mahal ni Shelly ang boyfriend niya syempre hindi siya maniniwala sa mga sabi sabi lang." Pagkarating namin sa canteen ay naupo kami sa hindi maraming tao. Nilapag namin ang bag namin saka nag order. "Hi, Ate Karol, may bago ba?" Ngumiti ang tindera sa akin. "Naku, meron." Aniya. Tinuro niya sa akin ang bago nilang putahe. "Ayan ang request mo, isang menudo." "Isang menudo nga po at kanin." Hindi mahal ang mga ulam na tinda ni Ate Karol. At sobrang sarap pa. Bumalik kami sa upuan ni Cheska. Kumpara sa akin ay mas marami siyang inorder. "Hindi naman halata na gutom ka ano?" Puna ko sa kanya. Dalawang kanin ang inorder niya. Isang fried chicken, adobong karne at hotdog. Sumubo ng kanin si Cheska bago sumagot. "Eh kasi naman, hindi ako ginagahang kumain sa bahay. Maraming pabigat. Mabuti na lang at mabait ang step mom ko." saad niya. I know how difficult her life is. Inaapi siya ng tatay niya at halos hindi tratuhin ng tama. Patay na ang kanyang ina dahil sa cancer. Kaya nag asawa ng bago ang tatay niya. Mabuti na lang at mabait ito sa kanya. Kumain kami ng tahimik. Tanging mga kalapit na mesa lang ang naririnig namin na maingay. Sinclair University is just a semi private. Halos lahat ng nag-aaral dito kung hindi man mayayaman ay galing naman sa anak ng politiko. Kaya parang naging elite university na rin ito at halos kilala sa ibang lugar. I got here because of the scholarship. Sinigurado ko na maipapasa ko ang entrance exam nang sa ganon ay wala ng bayaran si Nanay para sa tuition ko. Kahit naman semi private ito ay medyo may kalakihan ang tuition fee. Maganda rin kasi ang pamamalakad dito at marami ang nagbibigay ng sponsor o di kaya'y investment. Isa na doon ang pamilyang Vasquez. They are wealthy and very influential. Dinaig pa ang Prisedente. Senior Alferez is the town's Governor. Kilala ang pamilya nila bilang mababait at matulungin. But sometimes, I cannot look at Senyora Agatha. She's elegant and classy. Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami sa room namin. Si Sir Pineda ang last subject namin ay umaabot ng 2 hours ang klase namin. "Don't forget to research your assignment." Tugon ni sir. "Class dismiss." Halos maghiyawan ang mga kaklase ko dahil sa wakas natapos na ang klase ni sir. "Tomorrow is Saturday and that means... we're going to the club!" "I can't wait to see the governor's son. Ang sabi ng iba ay masyadong gwapo kaya lang ay masungit. s**t! Nanginginig na ang binti ko." Sabi ng isa kong kaklase at nagtawanan sila. The latest talk of the town is no other than the governor's son, Alvero Gavin Vasquez. Sa pagkakaalam ko ay graduate na siya at sa ibang bansa niya tinapos ang kaniyang degree. After he graduated ay umuwi siya three weeks ago dito sa probinsiya dahil na rin sa request ng kaniyang ina. Nalaman ko lang ito dahil sinabi ni Nanay sa akin. Kami na lang ni Cheska ang natira sa room. "Bakit parang nakasimangot ka?" Tanong ko sa kaniya. Kinuha ko ang bag ko saka kami naglakad palabas. "Kasi naman, makikita nila ang anak ni governor. Alam mo ba ang usap-usapan nila na single raw ito pero for sure marami nang naging girlfriend 'yan." Nakanguso niyang sinabi. Mula nang dumating si Alvero ay hindi na matahimik ang ibang babae sa pag-uusap. I haven't seen him. Pero si Nanay ay nakita na niya ito. "Ang swerte naman nila Veron." Medyo naiiyak niyang sinabi. "Kung may kilala lang talaga ako ay pupunta ako mamaya sa club." Mabilis kong pinalo ang kamay ni Cheska. "Naloloka ka na ba? Para sa lalaking iyon na buong buhay mo ay hindi mo pa nakikita ay magpapakahibang kana?" "Navi, I just want to see him to confirm na totoo ang sabi sabi nila." "So what kung totoo o hindi? Club is too dangerous. Alam kong nasa legal age na tayo para makapasok pero it's disgusting." Pagkalabas namin ng gate ay naghintay kami ng tricycle. I heard her groan. "Tumigil ka sa kahibangan mo, Ches. Baka mapano kapa doon." "Edi come with me." Sabi niya na nakapagpatigil sa akin. Matalim ko siyang tiningnan. Seryoso ba siya? Ngumiti ako sa kaniya. "No. Malapit na ang finals marami akong aaralin. Dapat ay iyon din ang atupagin mo." Pumara ako ng tricyle. Namimilit pa rin si Cheska sa akin. "Please, Navi. Doon naman nagtatrabaho si Klyde, diba? Iyong nanligaw sayo dati. Sige na." "Ches, para kang bata." Saad ko. Mas lalo lang siyang nagdrama. Pumasok kami sa tricycle at sinabi ko ang bahay namin. "Hindi ka rin sigurado na makikita mo siya doon. Hindi natin alam." Mas lalo siyang bumusangot. "Naku, hindi ka talaga updated, ano? Alam mo bang gabi-gabi raw ay nandoon siya sa club. Kaso hindi daw malapitan ng mga babae e. Depende na lang kung may access sa VIP." Hindi ko alam kung saan nanggaling ang source nito at alam niya kung nasaan si Alvero. Malapit na kami sa bahay. Pero hindi pa rin tumitigil si Cheska sa pamimilit sa akin. Medyo naririndi na rin ako dahil para siyang bata kung makaiyak. "Fine! Just stop whining." Sabi ko bago bumaba ng tricycle. Todo yes siya at ang lapad ng ngiti. Bago pumasok sa bahay ay narinig kong i love you siya. Natawa na lang ako bago sinirado ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD