01🌻

1007 Words
"Uy, siene! Dito" sigaw na sabi sakin ni nercy. Grabe ang bunganga nito rinig ko kahit maraming tao. "Grabe! di ako makapaniwala na g10 na tayo next-next month" masayang masaya na sabi nito sakin nung makaupo ako sa tabi nya. "Ako din" nakangiting sabi ko dito. "Grabe talaga! Parang kahapon lang first day ng g9 natin pero ngayon tapos na tayo ng g9" nakangiting sabi nito. Di ko na muna sya kinausap kasi dadaldal at dadaldal to pag nangyari yon, mamaya na lang habang nag ce ceremony. Iginala ko ang aking mga mata ng may ngiti sa aking labi. Nahagip ng mata ko si nanay na nakaupo sa upuan ng mga parents, nakangiti ito sa akin, kaya ngumiti din ako bilang sukli. At tsaka ko muling iginala ang paningin, nahagip ng mga mata ko ang grupo ng section A. Buong section A ata ang kasali sa recog eh. "Siene naman, di ka naman nakikinig sakin eh" nagmamaktol na sabi ni nercy sakin. "Mamaya ka na kasi dumaldal" natatawang sabi ko. "Ituturo ko kasi si Jaypee sayo" kinikilig pang tinig nito. "Di ka naman crush" "Tanga ka siene, f**k you" sabi nito at nag sign ng f**k you sakin. "Lagot ka don oh" natatawang inginuso ko si father. "Hala? Bakit may pare rito?" nagtatakang tanong nito sakin. "Bano ka ba? O ngayon ka lang ba naka attend ng recognition sa school na 'to?" natatawang tanong ko. "Ngayon lang ako naka attend eh" "Kada recognition dito may misa, ewan ko nga sa school natin eh di naman tayo ga- graduate" "Baka para linisin yung mga mali natin?" tanong nito sakin. "Para saan ang simbahan kung ganon?" pagbabalik ko ng tanong sa kanya. "Tsk, baka sa mga ibang estudyante dito na di nagsisimba?" "Hindi lahat kasali sa recog, nercy" "Baka para basbasan ka ng holy water dahil sa attitude mo, Kairita ka!" singhal nito sakin. Natawa ako sa kanya, ang pikon talaga ng puchaa. Nagsimula na yung recognition pero si nercy mukhang walang balak tumahimik. Di ko na nga pinapansin para tumahimik abay sige pa rin sa pagdakdak, puro lang naman si Jaypee ang sinasabi. Sobrang talino daw, sobrang gwapo, sobrang bango, sobrang hot daw. Iba talaga tama nito don, eh ang suplado naman non. Tumahimik lang si nercy nung magsimula na yung misa ni father. hahaha banal pala tong si gaga. Hanggang natapos di talaga sya nagsalita, nakakatawa. Mga ilang minuto na pagsasalita ng principal ay pinapila na ang mga g7 awardees. Pagkatapos ay sumunod ang g8 awardees, at pagkatapos ay kami naman ang pinapila. Inantay kong makalapit sakin si nanay at saka kami pumila. By surname yung pila kaya nasa unahan kami, kasi Cedeno yung apelyido ko. Isa-isa ng tinatawag ni miss precious yung mga awardees at isa-isa na silang nag aakyatan. "With the average score of 91.. Cedeno, Siene Ashley" sabi ni miss precious. Sobra na ngiti ko hanggang sa makaakyat at masabitan ako ng medalya at picturan kami ni nanay ng adviser ko. Sobrang saya ko kasi ang sarap sa pakiramdam na lahat ng pagod ni tatay at nanay, nasusuklian ko kahit ito lang. Bumaba na kami at umupo na ako sa upuan ko kanina, si nanay ay nagpaalam sakin na aalis na dahil may trabaho sya. Ok lang naman sakin, ang mahalaga sya yung nagsabit ng medal sakin. "Di ako makapaniwala na with honors tayo" nakangiti ng malapad na sabi ni nercy sakin. "OA ka" "Minsan lang kaya to sa buhay natin" nakangusong sabi nito sakin. "Alam ko, pero di naman ako OA na gaya mo, hahaha" "Ang sama mo talaga siene" "Mabait pa nga ako non eh" natatawang sabi ko dito. "Hindi. Masama ka, period!" "Hahaha, masama pa nga daw" "Oo, sobrang sama mo" galit galitan na sabi nito. "Wag ka ng magtampo, bebe nercy" pang-aasar ko sa kanya. "Bobo ka, siene" badtrip na sabi nito sakin. "Ayun si jaypee sa stage" sabi ko rito. "Madrigal, Jaypee, my bebe" kilig na kilig na sabi ni nercy habang nakatingin kay jaypee. Yuck, ganyan ba pag inlove? Siguro kung ako yan di naman ako magiging ganyan. Para na ba namang baliw si nercy. Pagtapos ng pagtawag kay jaypee ay di na ulit tumingin si nercy sa stage, grabehan na sa loyal. Nakailang tawag na ng mga names hanggang sa nakarating sa with highest honor, kumbaga pinaka top one ng batch namin. Mamaya pa kasing hapon yung mga g10, kasi completer sila. "With the average score of 97.. Santos, Christian Paul" sabi ni miss kaya umakyat na sya sa stage kasama mama nya. Grabe sya pa din ang highest honor ng batch namin for three consecutive years, iba. I'm so proud sa kanya kasi buti di sya na de depress sa talino nya, hahaha. Pagkatapos ng awarding ay dumaldal ulit yung principal bago tuluyang natapos ang recog. Naghiyawan lahat ng estudyante at saka nag picturan. Nagpicture kami ng mga kaklase ko at sumunod ay kami ni nercy, pagtapos non kami naman ni anna.. Pagkatapos ay nagba bye na kami ni nercy sa isa't-isa kasi sabay kami ni anna umuwi. Naglalakad ako pero napatigil din kasi may humarang na tao na may dalang bulaklak sa harap ko. Napatingin ako sa taong naglahad non.. REALLY? AS... IN... REALLY? SI CHRISTIAN? WOW, AMAZING. For one year na walang pansinan bigla syang ganyan ngayon? "Uso kuhanin" natatawang sabi nito sakin. "Kunin mo na siene, may pa bulaklak eh" panunukso ni anna sakin. Anong katukso tukso sa pagbibigay ng bulaklak? Kinuha ko na lang para di na ako tuksuhin ni anna. "Thanks" sinserong sabi ko kay Christian. "Welcome.. Uhm, by the way.." Putol na sabi nya. "By the way, ano?" tanong ko dito. "By the way, see you na lang sa g10, classmates" nakangising sabi nito at saka kami tinalikuran. WTF IS THAT? Anong see you na lang sa g10? At tsaka classmates? "Anong ibig sabihin nya don, siene?" nagtatakang tanong din sakin ni anna. Umiling ako bilang sagot na hindi ko din alam. "Weird" sabi pa nya. Weird talaga, kakainis. Bato ko pabalik sa kanya tong bulaklak na bigay nya eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD