“ANGEL PALA ‘TO, EH−” NANLALAKI ANG mga mata ni Josuha nang napabalikwas mula sa pagkakaupo. "Angel ka? As in 'yung. . .” Tumigil siya sa pagsasalita saka ginalaw galaw ang mga kamay nitong nasa may balikat.
Sa sobrang lakas naman ng tawa ko, nagawa kong ibato sakanya ang walis tambong hawak.“Tarantado! Alam kong libre lang maging tanga pero please, ‘wag mong araw-arawin.”
Nagkatinginan ang lahat at sabay-sabay na nagtawanan. Kahit nga si Joshua na siyang pinagtatawanan namin ay humalakhak. Siraulo talaga.
“Eh, bakit ba? Malay niyo naman tama ako edi may ID pa tayo sa entrance sa langit!”
“San ka ba pinaglihi ng nanay mo?”
Ako na man ngayon ang tawang-tawa pero nang mapansing natahimik ang lalaki ay saka lang ako nakaramdam ng hiya. Okay. . . that was so insensitive of me.
“Pero teka, paano ka nakapunta rito?” Sa pagkukulitan ay nakalimutan na nga namin iyong Angel. Mabuti na lang ibinaling ulit ni Maxwell ang atensyon sa lalaking parang ayos naman na ngayon.
Mukhang natauhan naman ang lalaki. Nanghihina man ay kahit papaano ngayon ay kaya na niyang magsalita nang paunti-unti.
“Patayin nila ako. . .”
Mabilis na rumagasa ang pamilyar na pakiramdam sa sistema ko. Ayoko ring mamatay. . . at kahit papaano ay naiintindihan ko ang takot ng Angel na iyon. Parehas lang kami − tinatakbuhan ang kamatayan.
Tuluyang bumagsak ang talukap ng mga mata ni Angel kaya pinagtulungan na siyang buhatin ni Joshua at Toti. Ayon kay Maxwell, ilang oras na pahinga lang ang kailangan niya bago siya maging maayos. Swerte na nga lang daw ng lalaki at hindi malalim ang tama niya.
Niyaya na rin kami ni Maxwell na kumain. Iba raw ang putahe dahil tumulong si Joshua at Toti sa pagluluto. Panigsi-ngisi pa ang dalawa at paulit-ulit na nagmamayabang.
“Pustahan tayo pangit lasa niyan,” bungad ni Reign nang tuluyan itong makalabas sa kwarto. Kakagising lang niya, nakatunog ata na kakain na.
“Nagmumog ka na ba? Pustahan tayo mabaho pa hininga niyan ni Reign,” ganting asar naman ni Joshua.
“Bagay kayo, pare. Kinikilig ako sainyo,” birada naman ni Toti na nakipag-apir pa kay Maxwell. Maaga nga atang tutubo ang mga puti kong buhok dahil sa sobrang konsumisyon ng mga pasaway na ito.
“Tumigil na nga kayo! Nasa harap kaya kayo ng pagkain!” Madali kong sabi saka inayos na ang sariling plato.
Ang totoo, sa ngayon ay hindi maalis sa isip ko ang naiwan kong sitwasyon ni mama. Gustong-gusto ko ng malaman kung kumusta ang ina, kung nakakain pa ba ito sa tamang oras o naalagaan niya ba ng maayos ang sarili.
Agad-agad silang natahimik saka nagsiayos ng upo. “Opo, mama,” sabay-sabay pa nilang gagad. Wala na akong ibang nagawa kundi ang umiling at magsimula rin sa pagkain.
“Siya nga pala, bukas aalis ako para mabilhan kayo ng mga personal na gamit. Toti at Aira, take charge,” seryosong bilin ni Mawell saka isa-isa kaming tinitigan.
“Kuya Max, sorry talaga sa abala. Promise, I’ll pay you for my things immediately kapag nakauwi ako sa house.” maarteng sabi naman ni Reign. Wala akong ibang ginawa kundi ang magpaikot ng mga mata.
“Wala 'yun. Masaya nga ako ngayon na may mga kasama na ako.”
“Ano po palang trabaho niyo, Kuya?” tanong naman ni Joshua.
“Home-based ang work ko. Usually, real estate. Nasubukan ko na rin magtrabaho bilang call center agent, non-voice. Madalas ko ring pinagsasabay ang iba-ibang trabaho since wala naman akong ginagawa rito maghapon. Every week o kapag sasahod lang nila ako pinapapunta sa opisina.”
Sabay-sabay kami ulit nagtanguan, mukhang na kampante na sa sagot ng lalaki.
“Ilang taon ka na ba talaga, Kuya Max?” tanong pa ni Reign.
“Hulaan niyo!”
“Thirty-four?”
“Thirty-two?"
“Mali!”
“Sixty-seven!” malakas na sigaw ni Joshua, napatingin tuloy kaming lahat sakanya bago batukan ni Maxwell.
“Twenty-five?” Si Toti naman ang nanghula.
“Ayan! Kaya paborito kita, eh. Pero mali pa rin!”
Nagbagsakan ang mga balikat nila, senyales na mga pasuko na pero nagsalita pa rin si Joshua na nakapagpalabas na naman ng mga tawanan.
“One?”
***
Sinukuan ko na lang ang sarili ko nang mapagtanong hindi talaga ako dadalawin ng antok sa gabing ito. Nagawa ko nang magpagulong-gulong pero wala iyong nagawa. Sa huli, minabuti ko na lang lumabas ulit sa kwarto. Baka naman kasi may gatas akong pwedeng itimpla o hindi naman kaya libro na pwedeng basahin. Hirap talaga akong pilitin ang sarili ko sa pagtulog madalas.
Sa kalagitnaan nang paglalakad ay biglang nabalik sa isip ko ang nangyari sa amin. Kumusta na kaya si mama? Kailan kaya ako pwedeng makabalik?
Miss na miss ko na siya, at patagal nang patagal ay mas lalo ko lang pinagsisisihan ang pag-alis. Pinagsisisihan ko kung bakit hinayaan ko siyang mag-isa at kasama pa si papa.
Pero hindi bale, Mama. Kapit lang po. Babalikan kita. Pagbalik ko, mas tatapangan ko po. Antayin po ninyo ako.
“Do you trust Maxwell?” Agad akong napasinghap sa biglaang pagsulpot ng mga salitang iyon. Hindi ko na rin nabilang kung ilang beses na akong nagulat sa malalim niyang boses.
“I need to trust him. . .” Tuluyan ko siyang hinarap. Kanina, akala ko mas bata siya sa akin pero sa laki ng agwat ng tangkad namin, hindi ko na iyon sigurado.
“Besides, pinagkakatiwalaan niya rin naman tayo. Pinapatira niya tayo sa bahay niya at wala siyang hinihiling na kapalit kaya tiwala na lang ang ibigay natin. It's a give and take process,” dagdag ko pa.
Wala itong ibang ginawa kundi ang tumango at ngumisi. Nagsimula tuloy akong hindi maging kumportable.
“I hope so,” sabi niya pagkatapos ay bumuntong-hininga. Hindi niya talaga pinagkakatiwalaan si Maxwell? Samantalang siya itong ginamot ng tao. Kung mayroon ngang dapat sobrang nagtitiwala sa lalaki, siya iyon.
“You’re dying! But then, bukal sa puso kang pinapasok dito ni Maxwell. Ginamot ka, pinatitira ka at papakainin. Can’t you just be grateful? Kung meron man nga kaming dapat ‘di pagkatiwalaan dito, ikaw ‘yun. Bakit ka nga ba nila papatayin? Bakit ka nga ba tumatakbo?” Sapilitan kong itinigil ang pagsasalita dahil sa pagiging kapos sa hininga.
Para bang bigla akong kinilabutan. Bigla akong natakot.
“Hindi ba lahat naman tayo tumakas?”
Malaki ang hakbang na ginawa ko paatras. I was caught off guard by his question. Ang dating malakas na pagkabog ng dibdib ay dumoble ngayon.
Humalakhak ang lalaking kaharap. “I was just pissing you off pero natakot ata kita.”
Inirapan ko agad ang lalaki at ibinato rito ang una kong nahawakan. Malakas ang naging pagsigaw ko nang nagawa niyang makailag sa kutsilyo na siyang naibato ko pala.
Imbes na matakot o magalit ay mas lalo pang lumakas ang pagtawa niya, “Hindi ka pa rin nagbabago, Aira.”
Mabilis pa sa alas-kwatro ang naging pagkunot ng noo ko habang paulit-ulit na umaatras at umiiwas sa mga titig nito.
“I will look after you. . .” Narinig ko pang nagsalita ang makulit na Angel na iyon. “Please look after me, too.”
Hininto ko ang mga paa sa paghakbang at hinarap ang napakalapit ng distanya. Parehas tuloy kaming nagulat sa pagiging malapit sa isa't isa. Doon ko mas nagawang matitigan ang mukha nito, napakiramdaman kong para akong nasa isang cliché na teleserye sa TV.
“Napagwapo naman ng lalaking ‘to,” sabi ng maliit na boses sa isip ko.
“Running from death. . .” Sa sobrang lapit ng mukha niya, naamoy ko pa ang mabangong hininga nitong parang sweet mint. Pwersahan kong hiniwalay ang sarili sa lalaki kaya ngumiti ito at parang nagsimula na ring mahiya. “Let's run together?”
“Para kang tanga,” sabi ko na lang para baliwalain ang malakas na pagtibok ng puso at saka mabilis na naglakad palabas sa kusinang iyon. “Itulog mo na ‘yan!”
Pinili kong dumeretso na sa kwarto at magpahinga kahit hindi pa rin natatanggal ang mga ngiti sa labi.
Mukhang mas hindi ako papatulugin ng lalaking iyon.
***
Akala ko high lang o hindi naman kaya lasing lang ang Angel na iyon noong kinausap niya ako. Pero, hindi pala! Inaraw-araw kasi nito ang paglapit at pakikipag-usap.
Hindi ko naman masasabing hindi iyon ayos dahil kailangan ko rin naman talaga ng makakausap lalo na’t napakaboring sa lugar na ito, maganda na ring hindi ka napipirmi at palagi kang may kausap.
Sa nakaraang ilang araw, mas lalo lang kaming naging close. Bukod kasi sa pang-aasar kay Reign at Joshua, nagtutulungan na rin kami sa pagluluto at paglilinis. Nakakatanggal rin iyon ng pagkaburyo.
“Guys! Pwede raw gamitin 'yung laptop ni Kuya Max!”
At dahil sa wala na nga kaming magawa, dali-dali kaming nagkumpulan sa harap ng laptop ni Maxwell. Nakita ko ang mabibilis na kamay ni Reign habang binubukas ang i********: niya.
“Grajodas!” biglang sigaw ni Joshua kaya nagtawanan ulit ang lahat. Minsan nga naaawa na lang rin ako kay Reign dahil sa pang-aasar na nakukuha niya sa aming lima. Pero minsan, naiisip ko ring ang cute rin nito mapikon.
Sa mga nakalipas na araw ay masasabi ko talagang gusto na naming ang presensya ng bawat isa.
“Grajonas 'yun!” naiiyak nang sabi ni Reign. Nagkatinginan kami ni Toti at Angel saka palihim na humagikhik.
“Well, nadagdagan ng five hundred ten ang followers ko. Not bad for the last seven days. Kayo naman! Tingnan ninyo accounts niyo," dire-diretso pero maarteng pagkakasabi ng bruha. Nagkatinginan kaming lima. Nag-aantay sa kung sino ang susunod.
Naunang magtipa sa laptop si Joshua, i********: din ang binuksan nito kaya tumambad sa amin ang mga kababuyan ng lalaki.
“Ano ba 'yan! Kadiri!” singhal ni Reign sakanya na tinatakpan-takpan pa ang mukha.
“Para namang hindi mo pa 'yan nakita, babe.” Hindi kami natawa sa sinabi ni Joshua. Natawa kami sa hindi maipaliwanag na reaksyon ni Reign. Mukha itong nasusuka na nadudumi sa sobrang pandidiri.
“Hell! Anong titingnan ko dyan? Bilbil mo at kikiam?” Natahimik kami bigla sa sinabi ni Reign saka sabay-sabay na bumungkaras ng tawa.
“Hindi ito kikiam ha! Baka masaktan−”
“You're disgusting.”
Madali kong tinulak papalayo sa harap ng laptop si Joshua at mabilis na ni-log out ang account niyang may mga topless photos pa. Katulad sa mga naunang nagbukas, i********: din ang nagawa kong ipakita. Bukod kasi sa iilan lang ang posts ko roon, hindi pa nila maaaring makita ang messages ko. Hindi katulad sa f*******: na paniguradong tadtad na ng mga mensahe.
“Aira Farrales, ganda ng pangalan.” Hindi ko na lang pinansin ang kung anong sinabi ni Angel. Paniguradong mangungulit lang ang baliw.
“Oo nga! Kaysa Grajodas,” birada na naman ni Joshua.
“Grajonas kasi!”
“Nako, pabayaan mo na ‘yan. Kapag kasal na kayo ni Joshua, Resurrecion na apelyido mo.” Sabay-sabay kaming napatingin sa biglang sumulpot na si Maxwell.
“Grajodas, Resurrecion. . . A match made in hell,” natatawang anas ni Angel.
Isang saglit pa nagtawanan na ang lahat. We couldn't agree more!
Sumunod namang nagbukas si Angel na talagang tinabihan ako sa upuan. Aalis sana ako pero mabilis niyang hinawakan ang mga braso ko. Wala tuloy akong choice kundi titigan ang lintik nitong mga pictures sa i********:.
“Ayun, oh! Talo na kayo nitong si Angel, parang model lang!” bulalas ni Maxwell na sinang-ayunan ng lahat.
Maliban sakin.
Napako kasi ang tingin ko sa mga litratong naroon. Nag-iba man ang mukha dahil sa paglaki ay hinding-hindi ko ito maaaring makakalimutan.
Kaya pala. . . kaya pala hindi ko maalis sa isip ko ang mukha ng lalaki.
“Can you remember me now?” Halos maubusan ako ng dugo sa mukha noong maramdaman ang mainit na hininga ng lalaki sa may tainga ko.
But there's more to that.
Natatandaan ko nga siya. Kilala ko siya. . .
“Angel. . . .” sabi ko na lamang.
Paano ko nga ba hindi matatandaan ang lalaking nagtatanggol sa akin mula sa lahat noon?