Chapter 5

1361 Words
"No, nagkataon lang talaga na nandito ako." agad nitong sagot sa akin. Hindi nagpatinag ang tingin ko sa kaniya. He shrug at nag aalala akong tiningnan. "Are you okay? Ano pa ang ginawa sa'yo ng gagong yun?" tanong niya sa akin pero binalewala ko iyon. "That's a lot of coincidence, Ethan." saad ko sa kaniya habang nakatitig. "I know, kahit nga ako ay nag wowonder na rin kung bakit palagi kitang nakikita kahit saan." sambit niya sabay kamot sa kaniyang batok. "Let's go, ihahatid na kita." anyaya niya. Tumango ako dahil ramdam ko na rin ang matinding pagod sa katawan ko. Marami kaming ginawa sa opisina eh, pinapag overtime nga dapat kami pero hindi kami pumayag dahil may plano kaming mag bar. Naglakad kami papunta sa sasakyan niya at agad na tumaas ang kilay ko nang huminto kami sa tapat niyon. "K-Kotse mo to?" nauutal ko pang tanong. "Uhm yes, why?" ani niya. Napakurap kurap ako dahil alam kong sobrang mahal nito! Palagi ko kasing nakikita si Marco dati na tinitingnan ang ganitong kotse. My god! "Wow. Ang mahal nito ah. Bilyonaryo ka ba?" mangha kong bulalas na ikinatawa niya. "It's a gift, Clara. Hindi ko alam na mahal pala iyan." sagot niya sabay ngiwi. Pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya excited akong pumasok doon. Umikot naman siya at pumasok na rin. Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang ma curious sa buhay ni Ethan. Na realize kong pangalan niya lang ang alam ko! "Ethan.." mahina kong tawag. Binalingan niya ako sandali bago ibinalik ang tingin sa kalsada. "Hmm?" marahan niyang tanong. "Ilang taon ka na?" diretso kong tanong sa kaniya. Agad kong napansin na natigilan siya kaya mas lalo akong na curious. Tumikhim muna siya bago ako sinagot ng tanong din. "Why? Do I look old?" tanong niya pabalik at mahinang natawa. Agad akong napailing iling. "Hindi naman. Mukhang kaedad nga lang kita eh." saad ko naman, mahina na naman siyang natawa. "I'm older than you, Clara." sambit niya kaya tumaas ang kilay ko. "24?" hula ko pa sa edad niya. Binalingan niya ako nang mag red ang stop light sabay ngisi. "Older." sikmat niya. "25?" nakangiwi kong hula. Parang hindi naman siya 25 eh, baby face kaya siya. Feeling ko 24 palang to siya. "Wrong." saad niya sabay balik ng tingin sa kalsada. Napabuga ako ng hininga. "Sabihin mo nalang kasi, pabitin kapa eh. Pa mysterious person yan siya?" asik ko sabay irap. "I'm 27, Clara." bigla niyang pahayag na ikinagulat ko. "Ha?!" gulat kong bulalas. "27?! Wehh?" hindi makapaniwala kong usal. "Yeah, 27 years old." sikmat niya naman habang nakatingin sa kalsada at focus sa pagmamaneho. "Bakit parang ang bata mo pa tingnan?" wala sa sarili kong tanong. "Hmm, maybe it's the genes?" nakangisi niyang sagot. "Niloloko mo lang ata ako eh! Feeling matured ka naman masyado!" asik ko pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Bigla niyang kinuha ang wallet niya sa bulsa at inilahad iyon sa akin. "Nandiyan ang mga id ko, pwede mong tingnan para maniwala ka." ani niya pa. Tinitigan ko lang iyon at hindi parin makapaniwala. Nang akmang kukunin ko ang wallet niya ay bigla niyang binawi at mabilis na may kinuha doon sa loob at ipinasok niya sa bulsa niya. Ano yun? Tumikhim siya at inilahad ulit ang wallet sa akin habang nag nakahawak sa manibela ang isang kamay. "Sorry, lumang picture yung kinuha ko. Nakakahiya kasing makita mo. Here, take it." saad niya kaya agad kong kinuha ang wallet niya at binuksan iyon. Agad akong napatigil nang may makitang picture sa left side.. Kumunot ang noo ko nang makita iyon. "Ikaw ba to?" tanong ko sabay baling sa kaniya. "Yupp." sagot niya naman. "Ang gwapo mo nung kabataan mo ha. Infairness." komento ko pa, napapangiti na. "What do you mean? Gwapo pa rin naman ako ngayon ah." kunot ang noo niyang reklamo kaya ako naman ang natawa. "Well, of course you are. Pero iba dating mo dito eh, mas gwapo ka dito." sikmat ko na naman. "Tsk. Gusto mo mas bata sa'yo?" asik niya kaya mas natawa ako. "Hmm hindi naman, gusto ko yung katabi ko ngayon." biro ko pa at mabilis siyang tiningnan. Natahimik siya at kitang kita ko ang paglunok niya. He's clearly affected by me. Tinitigan ko siya habang nag da-drive. Gwapo siya noong nagbibinata siya.. but now, I can say na hot siya ngayon. Buong araw ko siyang hindi nakita, parang.. Parang na miss ko siya. Wala talaga akong idea na 27 na pala siya. Wala ba siyang girlfriend? O baka may asawa na siya? Shit! Oo nga no? Paano nga kung may asawa na to siya? "Stop staring please, I can't focus." bigla niyang pahayag. Tinaasan ko lang siya ng kilay pero nakatitig parin ako sa kaniya. Napaayos ako ng upo nang bigla niyang inihinto ang kotse at hinarap ako. Pagtingin ko sa labas ay nasa parking lot na pala kami ng building kung nasaan ang apartment namin pareho. "Ay, nandito na pala tayo." pahayag ko at agad na hinawakan ang bag pero bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko kaya natigilan ako. "Masakit pa ba ang braso mo?" marahan niyang tanong. Umawang ang labi ko dahil doon ko lang naalala ang nangyaring gulo sa bar. Shit! Nawala sa isip ko. What the f**k?? "Ahh, h-hindi naman na. Dadampian ko nalang to ng cold compress para hindi magpasa bukas. Salamat nga pala ah." nauutal ko pang sagot sabay lunok. "That's good. Sa susunod, huwag kang sasama agad lalo na kung lalaki, alam mo namang mas malakas sila sayo." marahan ang boses niyang pangaral pero inirapan ko pa rin siya. "Hindi ko kasi ine-expect na magagawa akong saktan ni Marco. Hindi naman kasi siya ganun dati." pahayag ko. Totoo iyon, sa buong relasyon namin ni Marco ay hindi niya ako kailanman sinaktan ng pisikal. Kahit nga nagpupumilit siyang maka s*x ako tapos tatanggihan ko siya ay hindi niya ako sinasaktan, aalis lang siya at magpapahangin then pagkatapos ay okay na ulit siya. "Tsk. Be extra careful next time, Clara. Hindi sa lahat ng oras nasa paligid ako." saad niya. "Hindi mo naman ako obligasyon, Ethan. I can handle myself. But still, thank you kanina." ani ko at sinubukang buksan ang pintuan ng kotse para sana lumabas na pero naka lock iyon kaya tiningnan ko siya. "Uhm.. I just.." Napakunot ang noo ko dahil sa hindi matuloy tuloy niyang sinasabi. "What is it?" tanong ko. Napakamot siya sa batok at nag iwas ng tingin. Napangisi ako nang may ideyang pumasok sa isip ko. "Na miss mo ako no? Gusto mong dito muna tayo?" nanunukso kong pahayag. Mabilis niya akong nilingon pero nag iwas din naman ng tingin agad. "Yeah." tipid niyang sagot. Dumukwang ako para mapalapit ang mukha ko sa kaniya. "Do you wanna kiss?" nakangisi kong tanong. Kita ko ang gulat sa mga mata niya kaya gusto kong tumawa pero pinigilan ko muna. Ang inosente niya namang tingnan! Parang hindi ang Ethan na naka s*x ko nung valentines night. Hindi ko na napigilan ang mahinang tawa nang makitang unti unting namumula ang leeg niya papunta sa kaniyang tenga. Hindi siya halos makatingin sa akin. "Ayaw mo sa kiss ko?" nakanguso kong wika, kunwari ay nag iinarte ako. Muli niya akong nilingon at nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang idinampi ang labi niya sa nakanguso kong labi. Mabilis lang ang halik na iyon pero sapat na para maghatid ng libo libong kuryente sa buong katawan ko. Parang biglang nabuhay lahat ng dugo ko sa katawan! Bahagya akong napa atras sa gulat pero napangisi din naman agad. Umeepekto na yata sa akin ang ininom kong beer kanina. "Ay bitin." kunwari ay dismayado kong pahayag. I saw how his jaw clenched. I bit my lower lip because he looked so hot while doing that. "Clara.. don't provoke me. I'm trying to calm the demon inside me right now, so.." "What demon? Are you talking about him?" tanong ko sabay turo sa alagang alam kong buhay na buhay na ngayon na nasa loob ng pantalon niya. Natawa ako nang madiin siyang napapikit. "That's another demon, Clara." madiin niyang pahayag bago mabilis na kinabig ang batok ko at marahas akong hinalikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD