Chapter 3 - PATTERNS I CAN’T UNSEE

1407 Words
CLARA'S POV Hindi ko maalala kung anong oras na ako tuluyang nakatulog kagabi. Alam ko lang, nang pumikit ako, ang huling pumasok sa isip ko ay ang ngiti ni Ethan sa picture. Ang paraan ng pagtitig niya, parang alam niyang tinitingnan ko rin siya mula sa loob ng apartment ko. At ang caption na.. See you tomorrow. Parang hindi iyon imbitasyon eh. Parang sigurado. Nagising ako kinabukasan na mabigat ang pakiramdam. Hindi naman masakit ang ulo ko, hindi rin ako puyat sa normal na paraan. Para bang... may kulang na hangin sa dibdib ko. Para bang may nakatingin sa akin kahit mag-isa lang ako sa kwarto. Umupo ako sa kama at napatingin sa balcony door. Sarado iyon at ang kurtina ay nakababa. Pero pakiramdam ko... hindi ako nag-iisa. "Ang OA mo, Clara," bulong ko sa sarili, pilit tinatawanan ang nararamdaman. "Nababaliw ka na yata." Tumayo ako at nag ayos para pumasok sa trabaho. Simpleng damit lang ang napili kong suotin. Ayaw kong mag isip nang kung anu ano. Ayow kong bigyan ng meaning ang lahat ng mga bagay sa paligid ko. Pero habang nagsusuklay ako ay may napansin ako. Yung halaman sa balcony ko. Iyong maliit na monstera na halos patay na last week ay mukhang mas buhay ngayon. Mas berde na siya. Napakunot ang noo ko nang mapansing basa ang lupa niya. huh? I tilted my head out of confusion. Hindi ko iyon diniligan kagabi eh. Lumapit ako, hinawakan ang paso. Basa rin. Fresh. Bagong dilig? "Baka... umulan?" bulong ko sa sarili, kahit alam kong hindi naman. Kung umulan man kagabi edi sana malalaman ko. Napabuntong hininga na lang ako at ibinalik sa ayos ang halaman. Pinilit kong balewalain iyon. Sabi ko hindi ko bibigyan ng meaning ang mga bagay sa paligid ko eh.. Nagpatuloy na ako sa pag aayos at pagkatapos ay nagluto na din para makapag breakfast ako at may maibaon na pagkain sa trabaho. Habang nasa elevator ako ay hindi ako mapakali sa katahimikan. Mag isa ako sa loob. Hindi mapakali ang dibdib ko. Parang hinihintay ko siyang pumasok. Parang inaasahan ko na sa bawat segundo, bubukas ang pinto at nandoon siya. Napakagat labi ako at tinitigan ang nakasaradong pinto ng elevator. Pero hindi. Hindi siya nagpakita. Sa lobby ay wala rin. Dapat nakahinga ako ng maluwag eh. Pero bakit parang nadismaya ako? What the f**k is happening to me? Pagdating ko sa office ay mas lalo akong hindi mapakali. Ni hindi ako makapag focus ng maayos kaya mas naiinis ako. Dalawang beses akong nagkape pero parang wala pa ring epekto iyon. Bawat notification sa phone ko, pinapaangat ang balahibo ko. Hindi ko nga mabitawan ang cellphone ko eh, na para bang may hinihintay ako doon. At alam ko kung ano iyon. Hanggang sa tanghali, wala pa rin siyang message. Wala sa sarili akong kumain ng tanghalian. Nasa tabi ng plato ko ang cellphone ko. Maybe last night meant nothing, pilit kong sinabi sa sarili. Maybe I imagined the weight of it. Napailing iling na lang ako at mabillis na tinapos ang pagkain. Niligpit ko iyon at dinala sa pantry ang pinagkainan para doon hugasan. Naabutan ko doon ang mga kasamahan ko sa trabaho. "Uy Clara, ayos ka lang ba? Ang tamlay mo ngayon ah." agad na pahayag ni Aliza, may pag aalala sa boses niya. "Oo nga, we heard about your breakup with Marco, girl. Ano, inuman tayo?" saad ni Maria. "Sasama ako pero hindi ako iinom. Para kay Clara.." dagdag naman ni Apple. Parang may humaplos sa puso ko sa narinig. "Thank you, girls. Pero, I think I'm fine." wika ko. "Ay hindi, you have to let your emotions flow, girl. Don't isolate yourself, nandito kami para sa'yo." saad naman ni Aliza sabay hawak sa kamay ko. "True, kaya bar tayo sa friday after work, sagot na ni Apple." nakangising sambit ni Maria sabay turo kay Apple na nagulat. Mahina akong natawa dahil sa hitsura ni Apple. "Bakit ako eh hindi ako umiinom?" reklamo agad ni Apple at nagsimula ang debate nilang tatlo. Nagpatuloy ako sa paghuhugas ng pinagkainan ko. Sakto namang pagkatapos ko ay natapos din ang debate nila. "So ano? G ka na Clara ah, pumayag na si Apple." saad ni Aliza na naka akbay na kay Apple. Napangiti ako at tumango na lang, wala din naman akong gagawin sa oras na yun eh. Might as well enjoy the night.. Bandang alas dos ng hapon, may nagpadala ng kape sa desk ko. Nagtaka ako at agad na nagtanong sa kalapit kong desk kung saan galing iyon. Hindi galing sa office pantry. Hindi rin galing sa café sa baba. Napansin ko ang maliit na card sa ilalim niyon kaya agad kong kinuha at binasa. You looked like you needed this today. Lumukso ang puso ko sa nabasa.. Walang pangalan. Nanlamig ang mga daliri ko. Hindi ko na kailangang hulaan kung kanino galing iyon. Lumunok ako at mabilis na tumingin sa paligid. Abala ang mga katrabaho ko. Walang nakatingin sa akin. Walang nakakapansin na parang may umusli na kakaibang tensyon sa hangin. Agad na rumagasa ang mga tanong sa utak ko. Paano niya nalaman? Paano niya alam na pagod ako ngayon? Paano niya alam kung nasaan ako? Hindi ko ininom ang kape. Pero hindi ko rin itinapon iyon. Itinabi ko lang sa desk ko at nagpatuloy na sa pagtatrabaho kahit hindi ako makapag focus ng maayos. Madilim na sa labas nang matapos ang trabaho ko. Yeah, overtime ako dahil halos wala akong matapos na trabaho dahil lumilipad ang isipan ko. Mabagal ang lakad ko sa hallway. Tahimik ang paligid. Masyadong tahimik. Yung ilaw, pansin ko na parang mas madilim kaysa dati. Pagdating ko sa tapat ng apartment ko, agad kong napansin na may naiwan sa sahig. Isang maliit na paper bag. Napalunok ako at lumingon lingon muna sa paligid.. Walang tao. Nanginginig ang kamay ko nang pulutin ko iyon. Sa loob ay isang chocolate bar. It's not just a random chocolate bar. It's my favorite chocolate bar. Eksaktong brand na lagi kong binibili. May note ulit na kasama iyon. You forgot to eat dinner last night. Napahawak ako sa dibdib ko. Coincidence pa ba ito? Kumabog ang dibdib ko sa naisip. Hindi ko na ito pwedeng tawaging harmless. Paano niya nalamang iyon ang paborito kong chocolate? Biglang bumukas ang pinto sa kabilang unit. "Clara." Napalingon ako agad nang marinig ang boses niya. Ethan stood there, casual as always. Parang wala lang. Parang normal lang na banggitin ang pangalan ko sa paraang iyon. Parang matagal na niya akong kilala. "Hi," sabi niya, tila nagulat pa. "Mukhang pagod ka." "Ethan..." mahina kong sabi. "Yung kape kanina—" "Did it help?" putol niya agad, nakangiti pa. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. "Paano mo—" nagsimula ako, pero natigil din. Lumapit siya ng isang hakbang. Hindi masyadong malapit. Sakto lang para maramdaman ko ang presensya niya. "Relax," sabi niya. "You've been skipping meals lately. Anyone would notice." Anyone. Pero hindi kahit sino ang gumagawa nito. "Tama na," sabi ko, mas mahina kaysa sa gusto ko. "This is... a little too much." Tumahimik siya sandali. Tapos ngumiti. Mas mabagal. Mas malamig. "Too much?" ulit niya, parang tinatimbang ang salita. "I thought you liked being noticed." Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya. "I like—" huminto ako. "Hindi ganito." "Ganito paano?" tanong niya, tahimik pero matalim. Hindi ako nakasagot. Dahil hindi ko rin alam kung saan eksaktong linya ang tinatawid niya. O kung kailan ko siya hinayaang lumapit nang ganito. Lumapit pa siya ng kalahating hakbang. "Hindi kita sasaktan, Clara," sabi niya, halos pabulong. "I just don't want you slipping away." "Hindi ako—" napailing ako at napahugot ng malalim na hininga. "Hindi ako iyo." nahihirapan kong bigkas at tinitigan siya. May kung anong kumislap sa mata niya. Mabilis. Mapanganib. "Not yet," sabi niya. "Pero malapit na." Tumalikod siya at pumasok sa apartment niya, iniwan akong nakatayo sa hallway, hawak ang paper bag, nagtataka, naguguluhan at hindi makapagsalita. Pagpasok ko sa apartment ko, sinara ko ang pinto at isinandal ang likod ko roon. Huminga ako nang malalim. Ito na ba ang simula? Hindi ko alam kung natatakot ako. O kung mas natatakot ako sa katotohanang... hindi ko siya tinulak palayo. Kasi kung tutuosin, kasalanan ko naman ito eh.. Hindi ko siya blinock. Hindi ko itinapon ang kape kanina.. At itong chocolate na hawak ko ngayon ay hindi ko rin kayang itapon.. Sa halip, dahan dahan ko iyong binuksan. At kinain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD