Episode 5

2261 Words
"Ako nga pala si Lavander, tawagin ninyo na lang akong Lava or lav" nahihiya pero seryosong sabi ni Lavander samin. Hindi ko aakalain na kakausapin niya kami. Well, sa sobra mahiyain niya ay akala ko ay truly introvert siya. "Okay lang, wag lang siya sosobra" sagot naman ni Mina at nag patuloy muli magbihis. "Ako naman si Tanya, at ito naman si Minami" pagpapakilala ko rin sa kaniya. "Sabay sabay na tayo lumabas" sabi ni Mina. Kaya nagsipayagan kami lahat since nauna na umalis si Veniece kaya kami kami na lang ang naiwan. Mabilis na nag pony-tail yung buhok ko para hindi maging haggard pa naglaro ako mamaya. Aminado ako medyo hyper kasi ako pag naglalaro kaya mas okay na nakaready na ako sa anomang pwede resulta ng p.e namin. Si Lavander ay nakatirintas muli at si Mina naman ay nakahalf pony na pusod since maikli lang namn buhok niya na hanggang balikat. Dala-dala ang tubigan bimpo at maliit na bag para sa cellphone at wallet at iba pang maliliit na bagay, ay umalis na kami at nagtungo sa gym. Pagpasok namin ay kami na lang pala yung nahuli. Hindi namin alam na hindi lang section namin ang nandoon meroon din taga kabilang room or classroom. Basta lahat kami ay grade 11. Kaya nilapitan kami ng teacher para sabihin ang instructual activities na mangyayari. At dahil late kami mahahalo kami sa iba section muna. Which is yung kala mysterious gooler pala. Tinanong pa nga ako kung bakit ako na lang ang naiibang p.e uniform kaya sinabi ko yung totoo reason na which is wala pa talaga akong p.e. Good thing mabait si Ma'am ay pinapunta na kami sa kabilang section. Since iisang teacher lang ang maghahandle pala samin at ang iba ay instruction mentor para mabantayan kami. Pagkalapit namin doon ay nagulat pa nga yung iba na magiging kagrupo namin dahil hindi naman kami magkakaklase pero nandoon kami. Pero agad naman ito pinaliwanagan ng bantay namin which is Kuya Lucky. Hindi ko alam na same grade lang kami nila kuya na mga nakapasa sa tryouts kahapon. Kaya napalingon ako kay Lavander ng maalala na for sure na malaromantic na pagkikita dahil maggirlfriend -boyfriend sila. Pero naputol ang pagaabang ko ng kinausap ako nung lalaki na naghatid sakin ng damit kahapon. "Nice to meet you again miss, Esther pala. Pasensya na ulit kahapon" bati nito sakin. Kaya napangiti na lang ako ay umiling. "Tanya, wala na iyon. Okay na namn ako. Salamat sa damit" sabi ko sa kaniya. "Connie, kasama ni Esther kahapon" bati nung isa na lumapit din. "Ako si Jean, at ito namn Hapon na ito ay si Yuishi" banggit naman nung matangkad. Kaya tumango ako. "Ako naman si Minami at ito naman si Lavander" banggit ni Mina sa pangalan nila ni Lav. "Ahh oo, yung kapatid ni Seth" "Seth?"tanong ko naman. "I'm Seth Felix, masaya ako na may kaibigan na yung kapatid ko" bigla sabat namin ni mysterious gooler. Kaya na patigil ako. Pero napangiti naman ako sa hindi ko malaman dahilan. "Ako naman si Trish at ito naman yung pinsan at bestfriend ko si Alex. Nice to meet you all" "Nice to meet to you too guys" ngiti sabi ni alex. "Good everyone seems to know na ang bawat name. Gawin na natin ang activities. We'll be asigned to basketball and volley ball. Each of you need to participate in that game. This afternoon class ninyo will be the battle to other team kaya magpractis mo na kayo ngayon at ang mga di alam paano maglaro mag paturo sa kasamahan" Bilin ng instructure /mentor na naasigned samin. Kaya nag presenta na kaagad si Mina sa tagaturo sa mga basic at posisyon ng sa basketball. At si Trish sa volley ball since member daw siya ng volley ball team katulad ni Alex. Naexcite naman ako kasi kahit soccer freak ako basta makahawak lang ng bola at makaexperience ng iba laro ay hindi ko pa nagagawa simula ng mag home-school ako. Every guy na nasa grupo namin ay maalam naman sa basketball pero hindi gaano kagaling tulad ng nasa soccer daw sila. Si Mina naman ay kahit anong sports ay marunong siya pero mas magaling siya sa basketball kaya para tumaas ang pag asa namin manalo sa laro. Trish and Alex willing to try different sports at hindi naman daw nalalayo ang basketball sa volley ball kaya okey sa kanila maglaro. Si Lava naman ay willing magtry ng sports kahit hindi siya marunong. Kaya lalo ako naexcite tulad ni Sir Lucky na mabuti daw ay may ibubuga daw ang grupo namin sa laro. At nang ako na ang tinanong ay sinagot ko naman ng totoo. Maalam rin naman ako sa ibang sports tulad ng basketball at volley ball sadyang may problema lang. "Um.. Mina, sensya na pero matagal-tagal ko na kasi di na tatry yung basketball at volley ball kaya baka magkaroon ng maliit na problema" nakangiti ng alinlangan ako sa kanya. Atleast diba umamin. Kaya sinabi niya na magpraktis raw kami ni Lava sa gilid sasabay sa pagturo nila ni Trish. "Okey first, we will try to teach basic basketball. Anyone who don't or can't follow always rise you hands" bilin ni Mina bago mag umpisa. She teach the different pass. Like bounce pass, over head pass, at chest pass. At dahil kami nga ni Lava ang magkapartner ay ilan beses na di nasalo yung bola at ilan beses na rin gumulong ang bola papalayo. "Kaya ninyo yan Tanya at Lava" cheer samin nina Mina. Pero sa pangilang ulit na pagkakamali at may natamaan pa kami ay pinagpalit na kami ng partner. Kaya si Trish na ang naging partner ko. Mabilis naman na nakuha kaagad namin. Nang dribble at shooting na doon muli nagkaproblema. Habang nagdi-dribble minsan nawawala yung bola na dinidribble ko o kaya ay natutumba / nadadapa ako pagtumatakbo. Pero okey lang naman magshoot kaso kailangan nasa loob ako ng zone para maka pasok yung jump shot ko. Si Lava naman ay mabilis na natutunan yung dribble kaso di makashoot. Sa loob ng isang kalahating oras ay iyon lang pinaraktis namin pero hindi nagbago ang problema namin kaya si Mina na lang daw ang bahala sa desisiyon kung saan kami. Sa Volley ball, naging smooth muli ang turo pero tag isa na naman kami ni Lava ng problema. Marunong ako mag block kaso mga salo ay hindi. Kabaliktaran ko naman si Lava. Pero atleast siya ay marunong na magspike kesa sakin. Nag mag break kami para magpahinga ay ubod ng bilin at pangaral ang naabot ko kay Mina. "Seryoso!?.. sabi mo matagal kalang di nakakapaglari kaya inaasahan ko na kunti lang ang ituturo ko na lang sayo pero mas malupit ka pa pala. Same kayo ni Lava parang ngayon lang natuto" Kaya natawa na lang ako habang pinupunas ang pawisan na noo ko at leeg. "Totoo naman talaga eh. Ikaw kaya hindi pahawakin ng bola at paglaruin ng 4-5 taon matatandaan mo pa ba?" Pakusot ko. Naikinatawa ni si Lucky at ng iba. "Atleast you good at shooting in basketball. Keep it up" sabi sakin ni Jean at inabutan ng tubig at ganoon din kay Mina. "Okay guys, be ready anytime baka magumpisa na yung game laban sa ibang grupo" sabi ni Sir Lucky. At umalis muna para sabihan ang ibang mentor na okay na yung amin. "Siguro nga tama yung sinabi ni Veniece na lampa ka hahaha" bilang ungkat ni Connie na ikinasiko ni Esther sa kanya. "Manahimik ka nga. Siguro di lang talaga siya marunong" tanggol nito sakin na ikinatawa ko na lang din. "Siguro nga.. hahahah" Pagpapagaang ko ng atmosphere sa amin grupo kasi biglang nagkaroon eh. Yan tuloy na intriga sina Trish, Alex at Mina. Na ikinuwento naman ni Lava ang buong pangyayari. Pero laking gluat ko an alam niya. Sa isang banda siguro ay nandoon din siya nung mangyari iyon kaya pinabayaan ko na rin. Ang ibang boys naman ay tudo paliwanag ang mga pangyayari na aksidente lang iyon. Pero na palakas kaya natumba talaga ako. Nang matapos ang kwento ay malakas na tawa ni Mina ang nakagulat samin. At talaga pinagtatawanan niya ako kaya tuloy natawa na rin ang iba. Kahit yung ibang lalaki pati si Seth ay nagtataka kung bakit. "Siguro nga talagang lampa ka hahaha.. akalain mo iyon pagdi-dribble na lang nadapa ka pa ng 5 beses. At wala lang iyon sa pag pass ninyo ni Lava tatlong katao ang natamaan ninyo.. hahaha" Pagsasalansan ni Mina sa mga pagyayari. At napatango naman sina Trish. Tangi si Lava at Seth lang ang pinipilit na hindi tumawa pero halatang ganon din ang iniisip nila. "Grabe ka naman! Hindi kaya ganon karami" depensa ko. Kahit sina Esther ay inamin na may kasalanan talaga sila pero hindi raw ipagkakaila na sa ilang beses ko tumumba ay mahina at may pagkalampa ako. Pero sa huli ay natawa na lang din ako sa kanila at sa sarili kaya na puno ng asaran at kulitan sa grupo namin. "Okay guys! Settle down. They will be choose whose the first one who will be in match by draw lots." Paliwanag ni sir. At natahimk na lang kami to wait pang ilan kami. ... Ngayon ko lang naintindihan na ang weird na naramdaman ko nung una kong kita kala Seth at Lavander. Iyon pala ang strong sister complex ni Seth. Isa pala siyang vigilant type of brother. At ang misunderstanding na nameet ko ay isang sa rason napansin kong may weird. Siguro nga kahit sino ay magiging ganoon pag ang kapatid mo nga naman ay tulad ni Lavander na may pagka shy type at halatang lapitin ng bully or gulo dahil sa sobra nitong ganda at hinhin. Ni hindi ko nga alam na meroon pa palang mala-Maria clara sa mundo eh. Anyway, magbalik na nga tayo sa game na inaabangan namin. Pang-apat kami na maglalaro at kalaban ang pinsan pala ni Esther na si Veniece na Kaklase namin. Sobra pa nga ang taray noon sakin kaya todo bawi si Mina na naiinsecure lang daw ito sakin. Pero nang dahil nga sa game na ito napansin ko ang pagkamalapit nina Mina at Esther na over protective sakin. Ayaw ko naman hindi supportahan sila kung sakali pero sa pagkakaalam ko ay may girlfriend pa iyan si Esther na kasama nga kahapon. Nag cool off lang dahil sa ugali nito na di matagalan. "You know what, I find them cute. Kaso my girlfie si boy kaya sayang" Biglang sambit ni Alex na ikinalingon namin lahat maliban nga lang kala Esther at Mina na medyo malayo samin dahil nasa harapan kasama si Sir. "Yep. Sabihin nga ninyo Connie, matagal ninyo na ba iyan frieny si Esther?" Sabi ni Trish sa katabi. "Nope simula lang nung Enrollment. Bakit?" "Wala lang.. ngayon magkakaibigan na kasi tayo para bet ko ipag ship sila dalawa ni Mina." Pagaamin ni Trish samin lahat. Na sinang ayonan ng lahat. "Well, kung tutuusin parang mas okey si Esther kay Mina kesa sa gf niya. Pero ayaw ko namn magsalita ng tapos. Malay natin na talagang minahal ni Esther si Jasmine" pagpapaliwanag ni Connie. "Hayaan na lang natin sila.. kung talagang para sila sa isa't isa magiging sila kahit di tayo tumulong" sabat naman ni Jean sa seryosong usapan nila Trish at Connie. "Humuhugot ha.. may pinagdaraanan?" Biro ni Yuishi. Kaya nagsitawanan sila. Pero napatingin lang ito sakin ay umiwas rin bago sumagot. "Wala..di ba pwedeng mag advise?"gatong niya. "Sus, sige na nga pagbigyan" asar ni Yuishi dito. Nailing na lang din ako kung iisipin para nabasa yata nila ang iniisip ko kaya natahimik na lang ako. Hayst. Bahala na nga. Nanonood kami ngayon ng game ng nauna samin. Kaya pahinga lang kami saglit dahil for sure anytime right now kami na ang maglalaro. As I thought na maganda ang mood ko ay nasira iyon na para bang isang iglap. Sa mabilis na nagingayan ang lahat dahil sa pagdating ng Varsity players ng basketball team. Na pinangungunahan ng shulokoy na Captain ng team na akala mo'y hari. Ay mali hari pala talaga siya. Hari ng mga Uggoy. Mabilis na nagkataman ang paningin namin at nagpalitan ng matatalas na tingin. Feeling ko nga anytime right now ay kaya ako patayin nun. Kaya hindi rin ako ng patalo. Pero ang nakakainis lalo ay yong para plano pa yata niya pumunta sa pwesto namin. Tch! Sana matamaan siya ng bola ng matapos na ang kayabanggan niya ay mapalitan ng pahiya. Ni hindi nga yata kami naputol ng tingin kaya feeling ko alam na ng lahat ng tao ay ako ang tinitignan ng hinayupak na iyon. Kung hindi nga lang tinapik ako ni Mina at binalita ang pangyayari at siguro ay dahilan ng pagdating ng shulokoy na iyon. "Sama makatingin ah, gusto pumatay girl?"biro nito sakin. Kaya nag shrug lang ako ay tinarayan ang baklang hanggang ngayon ay nakatingin sa pwesto namin. "Sana matagal ko na nagawa kung hindi lang sa ubod ng kapal ng pagmumukha na di kinaya ng hinukay kong libingan para sa kanya" birit ko na ikinatawa niya at inaya na lumipat ng upoan na medyo malayo-layo sa pwesto ng kumag. "Oh, puso girl. Wag ka mag alala ako babawi sayo. Galingan na lang natin yung game mamaya" bilin sakin ni Mina kaya nanahimik na lang muli ako at hindi pinapansin ang mga sira ang tutok na halatang ako ang pinaguusapan. Alam ko rin na nagtaka ang mga kagrupo namin sa inasal namin lalo na sakin. Badtrip talaga. .... Next chapter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD