"Cancel all my meetings this afternoon. May pupuntahan tayo mamaya." sabi sa akin ng magaling kong boss.
"Ok sir." walang emosyon kong sabi. At lumabas na ako at pumunta sa office ko para gawin ang pinag uutos niya.
Napapaisip ako ngayon kung ano ang sinasabi niya kanina na may pupuntahan daw kami. Kinakabahan na naman ako baka kung saan niya ako dadalhin.
"Let's go" sabi niya sa akin.
"Saan naman tayo pupunta." tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Kaya para akong tuta ngayon na sunod ng sunod sa kanya.
Pagkalipas ng ilang oras na byahe ay nandito kami sa mall.
Sunod lang ako ng sunod sa kanya na parang buntot niya.
"Diane hold my hand." nagulat ako sa sinabi niya.
"Huwag ka ng painosente dyan parang hindi naman tayo magkatabi gabi gabi." Kikiligin na sana ako pero yung kilig ay napalitan ng inis.
"Ano ba kasi ang gagawin natin dito." Galit kong tanong sa kanya.
"Hold my hand first." nakangiti niyang sabi pero inirapan ko lang." Huwag ka ng pakipot. Halika na nga" at kinuha niya ang kamay ko.
Tumahimik na lang ako hanggang sa pumasok kami sa isang women's boutique.
"Good afternoon ma'am sir." sabi nung assistant.
"Bihisan niyo ang girlfriend ko." Nagulat ako sa sinabi niya at inalalayan na ako ng mga staff doon dahil parang natakot sila sa titig ni Matthew.
"Don't worry sir kami na po ang bahala."
"Ano nanaman tong pakulo mo ah Matthew."
"Enjoy." ngumiti na lang siya ng pagkatamis tamis. Ang mga ganung ngiti ay hindi dapat ako kiligin bagkus kakabahan na naman ako baka paphirapan niya na naman ako.
Isang oras na ako dito na paiba iba ang bihis pero wala ni isa abg nagustuhan ni Matthew.
"Last na to ayoko na. Pagod na ako." naiinis akong sabi dahil ito siguro ang parusa ko dahil sa hindi ko siya kinibo kagabi.
"Bihisan niyo pa siya." at tumalikod na lang ako at bumalik ulit sa dressing room.
"Eto ayos ba na to." tanong ko dahil kanina pa ako pabalik balik magpalit ng damit.
"No."
"I hate you" pero instead na magalit siya ay natuwa pa ito.
"Last na to please halos na ng damit dito nasukat ko na."
"Bigyan mo nga kasi siya ng pinakamagandang damit. Hindi yung pinagmumukha niyo siyang tanga." sabi ni Matthew.
"Pagod na kaming lahat dito ikaw puro ka judge. Ikaw na lang kaya pumili ng damit para matapos na to." at ibinigay niya sa akin ang isang dress
"Ok na? ayoko na." instead na sumagot siya ay natulala lang at tumagngo tango.
"How much. Keep the change." sabay abot niya sa cashier.
"Sa wakas natapos na din ang kalbaryo ko."
"Not yet there's more" at hinila niya ako sa isang parlor shop.
"Welcome ma'am sir. Ang po ipapagawa niyo po."
"Pagandahin mo ang girlfriend ko."
"Lets go ma'am. This way po"
"Pwede yung perfect na kaagad baka mamaya ipapalit niya din yung kulay ng lipstick or eyebrows, yung fit na kaagad dahil pagod na ako." sabi ko dun sa make up artist. Dahil baka mamaya gagawin nila akong clown tapos ipapapalit na naman ni Matthew.
"Don't worry ma'am."
Pagkalipas ng ilang saglit ay natapos na din sa wakas.
"Wala ka bang ipapalit na kulay o ipapadagdag." sabi ko kay Matthew pero hindi man lang siya sumagot.
"Everything is perfect. Now let's go."
Inirapan ko lang siya.
Nandito na kami sa lugar na sinasabi niya. Madilim pero kitang kita mo ang mga maliliit na ilaw sa daan.
Habang naglalakad kami ay padami ng padami ang ilaw na nakikita ko. Pang romantic ang lugar. Pero bakit niya ako dinala dito, ang pagkakaalam ko hindi naman niya ako girlfriend.
"Do you like it?" he said
"Ang ganda." mahina kong sabi pero bahala siya kung hindi niya marinig yung.
"This is for you. My swimming pool din diyan para kung gusto mong mag swimming after nating kumain " masuyo niyang sabi sa akin.
"Edi magugutom ako ulit nun."
"Ok lang madami namang pagkain diyan."
"Paano naman ako mag suswimming kung wala naman akong suit." nakanguso kong tanong sa kanya.
"Bago mo pa hanapin 'ma'am' ay nakahanda na po." at pinagdiinan talaga niyang sinabi ang ma'am.
Pero ok lang ayoko namang masira ang gabing ito. Sayang naman ang efforts niya kung masisira lang.
"Nagugutom na ako."
Habang isiniserve ang pagkain namin ay may isang pianist naman na tumutugtog sa side namin. Kung palagi siyang ganito, I can't help myself falling in love with him.
Pagkatapos ng romantic dinner namin ay nagtungo ako sa swimming pool.
"Titigan mo na lang ba ang pool?" he asked me.
"Nasaan na ba yung suit ko." maktol kong sagot.
"Heto" sabay abot niya ang paper bag sa akin.
Skin tone ang kulay ng bathing suit na binili niya. I wonder kung paano niya nabili ang bathing suit na ito.
"Paano mo to binili knowing na hindi ka naman lumalabas. May taste ka din pala" Habang tinitingnan ko ang bathing suit. "Bakla ka ba?"
Tumingin siya sa akin ng nakakatunaw na tingin at lumapit siya na akin na parang isang dragon na anytime bubugaan niya na ako ng apoy. 'Lupa kainin mo na ako parang awa mo na'. Kinakabahan tuloy ako na para akong naiihi sa kaba ko.
Ang tanga tanga ko talaga. Ipapahamak ko talaga ang sarili ko.
"What did you just say." Parang lalabas na ang eyeballs nito sa sobrang laki ng mata niya.
Ang lapit lapit niya na sa akin parang hindi ako makahinga sa kaba ko.
"I--im so--sorry. H-hindi n-naman ganun ang ibig k-- kong sabihin eh." nauutal kong sabi sa kanya. Parang pinagpapawisan na ako sa takot ko.
"Suotin mo yan bilis!" sigaw nito at nag aalinglangan pa akong pumasok ng banyo.
"Gusto mo ba na ako mismo ang magbibihis sayo huh!?" galit niyang sabi at dali dali akong pumasok sa cr para magpalit. Agad din akong lumabas baka mainip siya at lalong magalit.
Pagkalabas ko ay nakangisi lang ito na parang may hindi magandang balak na gagawin.
Natatakot akong lumapit sa kanya dahil sa itsura niya.
"Nakatingin ka na lang diyan." sabi nito kaya naman ay lumapit ako sa kanya pero may isang metro ang pagitan namin.
Napalunok na lang ako at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
"Lets go swimming" sabi niya ng malambing na boses.
Nakatingin pa rin ako sa kanya dahil natatakot na ako.
"Forget about it. Ayoko naman sirain ang gabing to. so lets have some fun." hinila niya ako papuntang pool.
May mga drinks na nakahanda sa gilid ng pool kaya agad akong kumuha nun para magkaroon ako ng konting kapal ng mukha.
"Im sorry." yun lang ang nasabi ko.
Instead na sumagot siya ay hinalikan niya na lang ako. Kahit na nasa tubig kami ay parang ang init ng pakiramdam ko dahil sa ginagawa niyang paghalik sa akin. Dahil nakainom na din ako ay nawala na ang hiya ko kanina.
"Do you love me?" deretsyang tanong ko sa kanya.
Hindi niya sinagot ang tanong ko at ipinagpatuloy niya ang paghalik sa akin.
"Wait" sabi ko.
"What!" galit na sabi nito.
Nanigas lang ako dahil sa tuwing galit siya ay natatakot ako.
"Im sorry." sabi niya
Nandito na kami sa mansyon niya.
"Pwede bang sa ibang room ako matulog ngayong gabi." tanong ko sa kanya.
"Why" nagtatakang tanong niya.
"Please" please pumayag ka na, ayoko kitang makasama ngayong gabi.
"Ok"
"Salamat." mabuti naman at pumayag siya.
Nandito ako ngayon sa kama at buti na lang pumayag siya.
Napapaisip ako kung ano ang gagawin ko sa perang ipambabayad niya sa akin. What if magpatayo kaya ako ng business? Ok siguro yun.
Kinaumagahan nagbigay siya sa akin ng tseke na naghahalagang isang milyon. Kung tutuusin pwede na akong lumayas pero sabi niya anytime ipapa cancel niya ang tseke kung lalayas ako kaya no choice ako kundi magstay. Naisip ko din na ok na din ito at saan ako kukuha ng isang bilyon sa loob lamang ng anim na buwan. Gaano ba kayaman ang lalaking ito at kayang kaya niyang magtapon ng isang bilyon sa anim na buwan.
"Sa resort tayo" sabi nito sa driver.
"Pero sir may meeting po kayo ngayon ni Mr Kim."
"Papuntahin mo na lng siya sa resort dahil madami din akong aayusin doon."
"Ok po"
Tahimik lang kami sa loob ng kotse at biglang may nag email sa tablet ko na ginagamit ko bilang secretary niya.
"Sir may urgent meeting daw kayo sa company dahil may malaking halaga daw po na mag iinvest sa inyo po."
"Kung interesado siya na mag invest sa kumpanya ko then sabihin mo maghintay siya dahil mas importante ang pupuntahan ko sa resort ngayon."
"Ok po sir. i schedule ko na lang po pag vacant niyo na po sir."
Hindi na siya sumagot dahil parang badtrip na badtrip siya ngayon. Ano ba kasi ang meron sa resort na yun.
Ilang saglit lang ay huminto na ang sasakyan namin sa entrance ng resort.
Pagpasok namin ay basag lahat ng bintana at madaming pulis ang nakapaligid.
"Good morning sir" sabi nung babae.
"What's happening here."
"Kagabi po kasi sir may mga costumer na nagset ng meeting nila dito tapos hindi sila nagkaintindihan at humantong sa barilan." Paliwanag ng babae.
"Nasa iyo ba ang pangalan ng mga costumer. "
"Opo sir. Nakipag coordinate na din po ako sa mga pulis sir para mabilis po ang pag usad ng kaso."
"Kayo po ba ang may ari ng resort sir." tanong ng pulis.
"Ako nga sir pero hindi ko lang po masyadong natutukan ang resort na ito dahil sa madami din akong business sir. By the way kumusta po sir. Gusto ko pang mag file ng kaso laban dito. "
"May karapatan po talaga kayo sir na magfile ng kaso"
"Tatawagan ko na lang po ang attorney ko para alamin kung ano pa ang mga kailangan kong gawin."
"Diane tawagan mo si attorney Vasquez."
"Ok po sir."
"Papunta na daw po siya sir."
"Good."