FRANCHESKA POV PAGKATAPOS naming mag—usap ay bumaba na rin kami dahil nandoon na raw sa dining table ang ramen na binili niya for me. Nang makababa ay nakita namin si Grandpa muli, hindi lang iyon ay nandoon pa rin ang mga pinsan ko, maging sina Queen and Alice na nakapagpalit na rin ng damit nila. “Nandito ka nga talaga, Xeron. Nalaman mo naman na ang nangyari, tama ba ako?” tanong ni Grandpa sa kanya, seryoso ang tingin ni Grandpa na binibigay kay Ninong Xeron. “Narinig ko na po ang lahat mula kay Francheska, Don Miguel.” Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa kahit gusto ko nang umalis para makakain ko na ang ramen na binili niya. “Mabuti naman kung ganoʼn. Ang buong Lazaro ay galit ngayon sa mga Quezon... Kaya ginawa ko ang dapat ko, kumalas na kami sa business ng mga Quezon kah

