FRANCHESKA POV DUMATING na rin kami sa Lazaro Hotel and Restaurants, nagpark doon si Ninong Xeron kahilera ng mga kamag—anak namin. Bumaba na rin kami ni Ninong Xeron at inalalayan niya ako hanggang makarating kami sa lobby ng aming business. Mayaman ang Lazaro kaya hindi namin kailangan ang Quezon. Si dad ang may kailangan sa amin ng pamilya niya. Lumakad kami papunta sa private room kung saan gaganapin ang third death monthsarry ni mom. Nakita naming nandoon na ang ibang kamag—anak namin. “Grandpa, si Francheska ay nandito na!” Narinig ko agad ang malakas na boses ni Queen na sobrang tinis. Ang sakit talaga sa tenga ang kanyang boses. “Mukhang nandito na silang lahat, my baby.” Tinignan ko si Ninong Xeron. “Yes, mukhang nandito na silang lahat, Ninong Xeron.” sabi ko sa kanya.

