FRANCHESKA POV “FRANCHESKA, tumahimik ka na!” Tinignan ko si kuya Harold nang magsalita siya. “Tumahimik ako? No freaking way! Bakit ako tatahimik, kuya Harold? Igagaya mo ko sa iyo na ayos lang ang lahat? Na tatanggapin ko ang kabit na babaeng iyon at maging ang Analyn na iyon! Hindi nuh! Mahibang kayo! Hindi ko sila tatanggapin katulad ng pinag—uusapan ninyo kanina. Ano ngayon ang sinabi ni dad... Donʼt worry, Harold. Hindi niya malalaman. Matatanggap niya rin si Alisse once na ipakilala ko na rin siya sa kanya... Ah—eh, no! Iyon agad ang sagot ko. Hindi ko kailangan ng step—mom dahil si mommy lang ang kilala kong mother ko. Saka step—mom? Or, should I say, kabit, right, dad?” Nakangising sabi ko sa kanilang dalawa. Hindi sila sumagot kaya nagsalita muli ako. “Alam ko na... Iyong thi

