ZIRCO POV NAGING sunod—sunod ang pagpapadala ng pagkain ni Cheska sa akin, maging messages ay hindi rin nakalampas sa akin. Talagang pinapainit niya ako lalo. Sobrang init ng buong katawan ko. Alas—singko pa lang ng umaga ay nagigising na ako. Hinihintay kong dumating ang food na binibigay niya sa akin, maging ang messages niya everyday. Hindi ko pinapalagpas iyon. Naligo na rin ako para once na dumating na ang pagkain para sa akin ay maubos ko agad. Lahat ng pagkain na binibigay ni Cheska sa akin, inuubos ko talaga at hindi sinasayang. Ganoʼn ko siya kamahal. Nang matapos akong maligo ay agad akong nagbihis ng business attire. Nakita ko ang suot kong maganda kaya lumabas na rin ako at chineck ko muli ang aking phone. Hindi nga ako nagkamali dahil nakita kong may message nga muli

