FRANCHESKA POV “BABY, are you sure na hindi ka talaga sasama?” Tinignan ko si Ninong Xeron na nakikiusap ang mukha niya ngayon. Tumango ako sa kanya nang sunod—sunod. “Opo, Ninong Xeron. Sige na po umalis na kayo at baka ma—late kayo sa meeting and seminar ninyo today. Aaron, hilahin ninyo na po si Ninong Xeron.” sabi ko sa kanya. Sinunod naman niya ang utos ko at hinila na nga niya si Ninong Xeron habang nakatingin pa rin sa akin. Kumaway na lang ako sa kanila hanggang mawala na sila dahil nakasakay na sila ng elevator. Nang makitang nakaalis na siya kasama si Aaron. Napangiti ako dahil ako naman ay magbibihis na para makalabas today at bumili ng pagkain at cake para sa birthday ni Ninong Xeron ngayon. Nang makapag—ayos ay lumabas na rin ako, kailangan kong makauwi before lunch da

