FRANCHESKA POV HINDI ko na napigilan dahil lumakad na ako nang mabilis papunta naman sa main door ng bahay namin. Nakita kong may lumalabas na mga maid mula sa bahay. Anong mayroʼn sa loob ng bahay? “Hindi ninyo pʼwedeng alisin niyan!” Napahinto ako nang marinig ang boses ni ate Pola. “Hindi ninyo pʼwedeng alisin niyan! Magagalit si Miss Francheska!” Napalunok ako nang marinig ang boses ni ate Pola. “Jeffrey, pigilan mong alisin niyan! Sabing hindi pʼwede! Hindi sa inyo iyan!” Narinig ko ang malakas na boses ni ate Pola kaya napatakbo ako at doon ay nakita kong wala na ang picture frame namin, ang aming family portrait. “Nasaan?” Lumibot ang tingin ko sa dingding ng aming living room, pero wala na roon. Nasaan na iyon? Wala na ang family picture namin. Ang picture na laging nak

