FRANCHESKA POV BUSY pa rin kami sa pagdidilig ni ate Cess nang mapahinto ako, may narinig akong boses na sobrang lakas. “Oh my gosh! Sasama ako sa party? Why ako lang?” “Teka, boses ni Queen iyon, ha?” tanong ko sa aking sarili. “Why? Why ako lang isasama?” Narinig ko muli ang malakas na boses ni Queen kaya nangunot ang aking noo. Anong nangyayari sa isang iyon? Nandito pa rin ako sa main house dahil binabantayan ko ang greenhouse ni mom at dinidiligan. Nandito na kasi iyong ibang seedlings na nabuhay despite sa pagsira ng mag—ina iyon. “Ate Cess, anong problema ni Queen? Bakit sumisigaw ang isang iyon?” tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako at nakita ko ang alinlangan sa mukha niya. “Ah—ano po kasi, Miss Francheska... May narinig po kasi ako kanina na isasama siya sa party this M

