CHAPTER 13
Kiray's PoV
“What if, Kiray… bigyan mo na lang ako ng anak? What if I say, I want it naturally? Simula sa real sx… payag ka ba?”
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula kay Alex. Napanganga na lang ako at parang naiwan ang kaluluwa ko sa kung saan. Talaga ba? Gusto rin niya ng anak? Mas lalo akong nagulat nang itanong niya kung pwedeng simulan sa real sx. Hindi pa talaga ako makasagot dahil nakakabigla, nakakatulala.
Napalunok ako nang makitang malungkot ang kanyang mga mata, o-oo na sana ako nang bigla siyang tumawa at nagsalita. “Of course, hindi naman serious ‘yon. Ano tayo na ba, uwi na? Gabi na.”
Muli akong natigilan. Mabuti na lang pala at hindi ko agad siya sinagot kundi ay mapapahiya ako.
“Ah o… oo, sige,” sagot ko at agad-agad kong niligpit ang mga pinagkainan namin dahil tumayo na siya at handa ng umalis.
Kung gaano kami kaingay at kagulo kanina, ay siyang tahimik namin sa buong byahe simula nang umalis kami ng seaside. Niyaya niya akong sa bahay na lang daw niya ako ulit mag sleepover.
Hawak-kamay kami ni Alex habang tahimik na pumapasok sa bahay niya. Gabi na kaya tahimik ang paligid, at tanging tunog ng stiletto ko at sapatos niya ang maririnig habang naglalakad sa makintab niyang sahig. Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko, hindi dahil sa takot pero dahil sa… kaba. Kakaibang kaba. Para kaming mga teenager na may balak gawin na alam naming bawal. O kung hindi man bawal, eh… basta may thrill.
Umakyat kami sa hagdan dahan-dahan, parang akyat-bahay. Nakatingin lang ako kay Alex seryoso ang mukha niya pero bakas sa mata niya ang excitement. Mukhang pareho lang kami ng nararamdaman. Napakapit ako sa braso niya nang dumating na kami sa huling baitang.
“Tulog na si Mamang Adel, ‘noh?” bulong ko.
Tumango siya. “Yes, so please be quiet, baka magising. At ako ang unang makatikim ng sermon—”
Pero bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay biglang bumukas ang isang pinto. Bumungad sa amin ang mukha ni Mamang Adel na naka mud pack pa ang mukha niya na kulay green. Kamukha niya si Hulk na may pagka Shrek. Tapos nag pamewang siya. At nagsimula na siyang magpakawala ng umaatikabong mga salita.
“Bakit ngayon ka lang Alexander Catacutan! Uwi ba ng matinong dalaga yan? Hindi ka man lang nagpapaalam na gagabihin ka. Pinaghintay mo ko, hindi mo ba alam kung gaano ako nag alala. Garampingat. Bigaon. Igat. Durat ka talaga Purification! Niagaw mo ang akong palangga!”
Grabe, galit na galit si Mamang Adel. Hindi ko naintindihan yung mga huli niyang sinabi pero parang masakit. Saka bakit ganu'n? Ang weird kasi pumasok siya ulit sa loob ng kwarto niya na parang walang nangyari.
Nagulat ako dahil bumukas ulit ang pinto. “Pukerat ka talaga Purification!”
My ghad, hindi pa pala siya tapos.
“Nag i-sleep walk at sleep talk na naman si Mamang. Hayaan mo na ‘yon. Sanay na ‘ko. Ayaw naman niyang magpatingin sa Psych, hindi naman daw siya baliw.”
Ah may sleeping disorder pala si Mamang Adel. Kaya pala ganu'n ang asta nito. Pero nakakatakot. Naisip ko tuloy, sobrang sakit ang pinagdaanan ni Mamang Adel dahil sa pag-ibig kaya pinili na lang maging matandang dalaga. Nakakatakot naman umibig. Hanggang pagtulog ay hahabulin ka ng masalimuot na nakaraan.
Napahingang malalim na lang ako. Pagdating sa hallway, dumiretso kami sa kwarto ni Alex. Pagkapasok namin, sinara niya agad ang pinto nang marahan. Napasandal ako sa likod ng pinto, at saka kami nagkatitigan ni Alex.
“Funny,” sabi niya habang hinihila ang laylayan ng basang t-shirt niya mula sa pawis, “I’ve never experienced anything like this before. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.”
Ngumiti ako. “Me too.”
Tahimik na sandali. Parang pareho kaming hindi alam ang susunod na gagawin. Hanggang sa bigla siyang nagsalita.
“Gusto mo ba Kiray… mag-bubble bath tayo?”
Natawa ako ng mahina. “Hala! Ang sosyal! May bubble bath ba dito?”
“Meron. Yung may patak ng lavender at rose petals pa, akala mo ba pang-display lang ‘yon?”
Napakagat ako sa labi. “Sige nga. Let’s try. Hindi ko pa rin yun nasusubukan eh.”
Nagkatinginan ulit kami. Iyong titig na parang parehong may gustong itanong pero nahihiyang sabihin. At pareho kaming alam na ito ay hindi lang basta bubble bath. O ako lang ang may maduming pag iisip? Ako lang naman ang may misyon na patayuin ang kanyang junjun. Pero habang papalapit kami sa banyo ay lalong tumitindi ang kabog ng dibdib ko.
Napahinto ako kaya napahinto rin siya dahil magkahawak kamay kami.
“Sure ka ba? Hindi ka ba natatakot na baka may gawin akong masama sa'yo?”
Natatawa na lang si Alex at finlex pa ang kanyang bicep.
Ang laki! Ang tigas! Maugat!
Napapatanong na lang talaga ako, bakla ba talaga yan?
“Nakipag suntukan nga ako kina Cong Vito at Cong Conrad. In fairness, laki rin ng maskels ni Vito. Si Cong Conrad kahit gurang, may ibubuga.”
Hays, confused na confused na talaga ako kay Alex. Para akong may kasamang may split personality.
Nauna na siyang pumasok sa bathroom at ilang segundo pa akong naduduwag. Huminga muna ako ng malalim at para kumalma.
Pagpasok ko sa banyo, napuno ng halimuyak ng sabon ang ilong ko. Inihanda ni Alex ang tubig habang ako ay naglabas ng mabalahibong towels. Nang puno na ang tub, naghalo na ang mga bula, at nakalutang ang mga petals, para kaming nasa spa.
“Tatalikod muna ako, ah,” sabi niya, sabay harap sa tiled wall.
Tumawa ako. “Ako rin. Para fair.”
At doon kami sabay-sabay na nagtanggal ng mga saplot pero nandaya ako dahil habang siya ay nakatalikod, hindi ako tumalikod, pinagmasdan ko ang paghuhubad niya parang live show. Hindi ko yata kaya na maghubad ng all the way sa harap niya. Kahit isa siyang juding, lalaki pa rin siya at ang gwapo pa.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang likod niya kasama ang firmed butt tapos muntik na kong tumili nang sumilip ang junjun niya nang tumagilid siya para isampay ang kanyang hinubad na damit. Sa sobrang taranta ko ay tumalikod agad ako. Grabe kalabog ng dibdib ko.
“Hala ang daya mo naman eh,” sabi niya at mukhang nakaharap na siya sa akin. Gustong gusto kong lumingon at harapin siya kaso baka bigla akong tuklawin ng ahas niya.
“Ahm ano eh, dalagang Pilipina talaga ako. Hindi ko nga alam kung bakit ko ginagawa ‘to eh,” sabi ko.
Tumawa lang siya at lumubog na sa tub na puno ng bula at mixed flower petals.
“Kaya tayo magkasundo eh. Dalagang Pilipina rin ako,” sabi niya at humalakhak pa. Hindi ako natuwa sa totoo lang.
Kaya hinubad ko na ang suot ko na itim na one piece jumper. Hindi ko alam kung nakatingin siya sa akin, bahala na.
Pagkatapos, lumusong na rin ako sa maligamgam na tubig, magkaharap kami pero may bula sa paligid. Naramdaman ko agad ang init ng tubig at ng pakiramdam na kasama ko siya sa ganitong sandali, ang awkward.
Tahimik lang kami sa una. Hanggang sa nagsalita siya, “Kiray… hindi ko ‘to ginagawa sa kahit sino lang.”
Tinignan ko siya. Seryoso ang mata niya. Hindi mo maaaninag ang kahit anong bahid ng kabaklaan. Sa totoo lang, nakaka confuse siya. O sadyang nanghihinayang ako kasi ang gwapo gwapo ni Alex. Ang yummy. Ang linis tignan. Hindi lang basta boyfriend material, husband material pa.
“Same here,” sagot ko, sabay hagod sa buhok kong basa na. Gusto kong enjoyin ang pagkakataon na mag bubble bath. Ayoko siyang seryosohin at baka tuluyan akong ma-in love. “Alam mo, Alex, bukod kasi sa wala naman akong bathtub, sobrang kuripot pa ng ex ko kaya siguradong hinding hindi ko mararanasan ang ganito.”
Tahimik lang siya kaya nanibago ako. Pagtingin ko sa kanya ay natigilan ako. Bakit ang sama ng tingin niya sa akin?
“Kiray, I don't want to hear anything about your ex from now on,” sabi niya at dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Nataranta ako dahil para siyang tigre na lalapain ako.
Gusto ko umatras pero nakasandig na ang likod ko sa tub.
“Kapag binanggit mo pa ang salitang ex, hahalikan kita.”
“B-bakit, Alex? Ano bang meron sa ex ko—”
Hindi ko na natapos ang itatanong ko dahil tinotoo niya ang babala niya, hinalikan niya nga ako!
Yung halik kagaya kagabi sa kotse. Madiin, malalim, nakakapang init. Napakapit ako sa kanyang basang braso at madulas gawa ng sabon. Naramdaman kong kinulong niya ako sa pagitan ng kanyang mga hita. Pumaibabaw siya sa aking kandungan. Inangkla ko ang mga kamay ko sa kanyang batok habang nakikipaglaban ng torrid kiss.
Bumitaw ako sa aming halikan nang maramdaman kong may sumasayad na matigas sa aking hita. Napakagat na lang ako ng labi sa hiya.
“Kiray, gusto mong hawakan?”
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER…