CHAPTER 1 - Shattered

1034 Words
“Lou, I’m sorry. I’m letting you go.”   Lou felt a sharp big object stabbed, her heart. Hindi makapaniwalang napatitig siya sa boyfriend na si Brian.   How can he let her go that easily? They are together for three years, tapos itatapon lang nito ng ganun-ganun lang?   She pinched herself, nagbabakasakaling nanaginip lang siya.   Ngunit napangiwi siya siya sa sakit.   Lou, blinked few times, trying to stop her tears from falling. Ngunit hindi ito nakatulong, dahil nang tumigil siya sa pagkurap ay bumalong ang masaganang luha sa kanyang mga mata.   “Maybe we are not really meant for each other.”   Domoble ang hapding nararamdaman niya sa bawat katagang namumutawi sa bibig ni Brian.   “Hanggang dito na lang siguro tayo, Lou.”   Lou cussed in her mind. “Maybe we are not really meant for each other?” Natawa siya ng pagak. “You always tell me I am the one.”   Napasinghap siya, kailangan niyang sumagap ng hangin dahil hindi na siya makahinga sa kirot na nararamdaman ng kanyang dibdib.   Sa loob ng tatlong taon ay masaya naman sila ni Brian, pero bakit dumating sila sa puntong ganito?   Akala niya ay darating sila sa araw na susurpresahin siya ng nobyo. Luluhod ito sa harapan niya at may hawak na singsing.   Saan ba siya nagkulang? Ano bang nagawa niyang mali?   She has been a good girlfriend. In fact, her world only revolves around him.   Sa lahat ng okasyon sa buhay at pamilya ng boyfriend ay hindi niya nakalimutan. Sa katunayan nga ay malapit siya sa pamilya ni Brian.   Louise bit her lower lip, to suppressed herself from sobbing. Then she wiped her wet cheeks, kahit na wala iyong saysay dahil mulang tumulo ang kanyang luha.     “I’m sorry.”   That moment she heard, Brian’s apology. Her heart shattered into pieces.   Brian is really determined to break up with her.   Maybe, he was right, hanggang dito nalang talaga siguro sila.   Hindi alam ni Louise kung saan siya humugot ng lakas dahil napilit niya niya ang sariling ngumiti.   “Uhmm,“ she swallowed, trying to clear her throat to give way for her words.   Her vision gradually became blurred because of the tears that streaming down her cheeks.   While in her mind, it became clear that this is really the end for her and Brian.       “I wish you, happiness.” Brian said blankly.   That hit Louise hard. Hindi na ito ang lalakeng minahal niya.   “Happiness?”   The man she loves knew; he is her happiness. Napailing siya at napangiti ng mapait.   Napahawak si Louise sa kanyang dibdib nang tumalikod si Brian sa kanya.   Kasabay ng paghakbang ni Brian palayo sa kanya ang tila malaking kamay na pumiga sa kanyang dibdib.   “Bri—” Gusto niyang tawagin ito at magmakaawa na bumalik. Ngunit mahinang boses lamang ang lumabas sa kanyang bibig.   Nanatiling nakapagkit ang mga mata niya sa likod ni Brian.  “Please, isang sulyap mo lang, kakalimutan ko ang lahat.”   Tila siya binuhusan ng malamig na tubig at namatay ang mumunting apoy na pag-asa niya nang tuluyan ng naglaho sa kanyang nanlalabong paningin ang lalake.   “Miss, is there something wrong?”   Napakurap-kurap si Lou, para hamigin ang sarili. Bumaling siya sa pinanggalingan ng tinig.   Umiling siya, “I’m okay.” She awkwardly smiled. Pagkatapos ay tumayo.   Tinulungan siya ng flight attendant sa pagkuha ng hand carry bag niya.   Tsaka lang niya napansin na siya na pala ang pinakahuling pasarehong bumaba. Napatigil sa paglalakad si Lou ng malapit na siyang lumabas sa exit ng airport.   Hinila niya papunta sa kanyang harapan ang maleta at ipinatong doon ang mga kamay para umamot ng kaunting suporta dahil sa pangangatog ng kanyang mga tuhod, bago mariing pumikit.   Tatlong taon na pala ang nakalipas, mula ng lisanin niya ang Pilipinas at nagtungo sa Canada. Ngunit sariwa pa din sa kanya ang sakit.   Nagmulat siya ng mga mata at bumuntong hininga. Akala niya sa pag-alis niya ay maiiwan niya ang sakit, ngunit hindi ito nangyari.   Sa halip ay tila naiwan niya ang isang bahagi ng kanyang pagkatao dito sa Pilipinas.   Hindi alam ni Louise kung anong naghihintay sa kanya dito sa bansang kinalakihan.   “Bahala na.”   Bumuga siya ng hangin, at lakas loob na humakbang palabas ng NAIA Airport.   Pagbukas niya ng kanilang bahay ay basta nalang niyang sinipa sa gilid ang kanyang sapatos.   “Home sweet home.”   Malinis naman ang kanilang bahay dahil naglilinis isang beses sa isang linggo ang kanilang care taker.   Pabagsak siyang umupo sa sofa at iniikot ang paningin sa paligid.   Sa gitna ng dingding ay nakasabit ang kanilang family picture. Ang ate Lourdes niya, siya at ang papa niya.   Napangiti siya, doon niya naalalang kailangan niyang tawagan ang mga ito.   Kinuha niya ang cellphone mula sa kanyang bag at inilabas doon.   Pagkatapos ay inilagay ang free sim card na ibinigay sa kanya.   “Hi, ate.” Bumungisngis siya ng makitang gusot ang mukha ng ate Lourdes niya.   “Mabuti naman at naisipan mong mag-video call?”   “I just got home ate, look.” Ipinakita niya sa ate Lourdes niya ang maletang nasa malapit sa pintuan. Pagkatapos ay muling itinutok sa kanya ang camera. “Hindi pa nga ako nakakaligo ate.”   Her ate Lourdes sighed. “Mag-iingat ka diyan.”   “Yes, po.” Lou pouted. “Pakisabi kay dad, na nandito na ako.”   Lourdes nodded. “Sige na, ate. Maliligo na ako.”   “Okay.”   Bumuntong hininga si Lou, ng mailapag niya ang cellphone at tumitig sa kawalan.   Naputol ang pagmumuni-muni niya ng kumalam ag kanyang sikmura. Kaya ipinasiya niyang gumalaw na.   Naligo muna siya pagkatapos ay nagpunta sa kanilang kusina. Alam ng caretaker ang pag-uwi niya. Nagpadala siya ng pang-grocery nito. Kaya hindi na siya nagtaka na may luto ng ulam sa ref.   Napapikit siya ng matikman ang sinigang. Iba parin ang lasa ng ulam kapag nasa Pilipinas ka. Lasang-lasa ni Lou ang sariwang gulay at karne.   Natawa siya ng dumighay siya. Sa sarap ng ulam na niluto ng care taker ng bahay nila ay hindi niya namalayang nakadalawang sandok siya ng kanin.   Pagkatapos niyang maghugas ng kanyang pinagkainan ay dumiretso siya ulit sa sofa at inabala ang sarili sa panonood ng tv. 

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD