KALIA Inalsa ko ang sarili ko saka mabilis na tumalon kasabay ng pag-baliktad ko sa ere ang pagbaluktot ng kaliwang binti ko sa leeg nito at sunod iyong sinikipan. Pinagaan ko ang katawan ko habang nakapulupot ang isang binti sa leeg ng lalaking 'to saka binunot ang maliit na formulated knife at sa bandang binti nito, doon ko ito tinira. Agad ko ring ibinalik mula sa ere ang katawan kasabay ng isa pang pakanteng binti ay ipinaikot ko ang mga binti ko pagkatapos ay marahas na umikot habang nakaladlad ang mga braso sa ere. Tumalon ako ng mag-umpisang mangalap ang kamay nito sa mga paa ko, nung dumapo sa lapag ang mga paa ay nakangisi ko itong nilingon. Mariin, masakit, mahirap, namimilipit, na-uulol dahil hindi na alam kung ano ang susunod niyang gawin. Nakangiti ko itong sinalubong at i

