Anna Pov
Kinabukasan ay maaga kaming pareho na nagising ni Kristoff , Ito na ang pangatlong araw namin dito sa Iloilo, Plano naming mamasyal sa mga tourist spot dito, kunti lang naman ang nasa itininary ni kristoff ayaw daw kasi nyang mapagod. May nirentahan na rin sya na masasakyan namin para ilibot kami sa Iloilo, malapit lang ang boracay dito pero sabi nya next nalng daw namin puntahan yon sunod na bakasyon nya sa Pinas.
Una naming pinuntahan ang Gigantes Island. may secret caves and lagoons sa Isla Gignates. fantastic beaches, and gastronomic seafood lunch buffets! Nag Island Hopping kami don at una naming stop ay ang Antonia beach, makikita dito ang boulders’ erosion lines that make them look like sandwiches piled on top of each other. kaya tinatawag din itong Sandwich Island.
Next stop, Tinago Isalnd ..It used to be called Isla Bonita, but it was changed to Tinagong Dagat, which means “hidden beach.” Tinagong Dagat is a secluded beach with fine, powdery, white sand, crystal clear waters, and big stones that are perfect for small cliff jumping.
Third Stop Tanke Saltwater Lagoon . This is another social media-famous Iloilo tourist spot. The word tangke means tank. The locals call it such because of the gap between two large boulders, which form an opening during low tide.
" Bawal mag ingay dito sabi ni Kristoff.
" Bakit naman , bulong ko sa kanya
" Well, Locals believe that the deep pool in the natural saltwater lagoon is the home of engkantos (mythical environmental spirits) kaya bawal mag ingay dito"
" Ganon ba keep quite naman ako" Bulong ko sa kanya.
Fourth Stop - Pawikan cave. Hindi naman daw sa marami ang pawikan dito. The cave got its name because of the massive rock formations here that look like eggs. From there, you’re greeted with unbelievable rock formations and brightly lit atriums. It’s a bit eerie for some people.
Gaya sa Tanke Saltwater Lagoon Tour guides advise keeping the noise level down so you won't disturb the elements or spirits that are said to be living there.
The fifth and last stop is The North Gigantes Island Lighthouse. The original lighthouse, built by the Spaniards, is no longer standing. The one you see here is the more modern Japanese-built version. Even so, the views from the top of the Gigantes Island Lighthouse are among the best. It's like taking a trip back in time when you visit here.
There's the abandoned, old Spanish building, as well as the vines that have grown over the ruins. It's both dramatic and nostalgic, and it's a must-see on your tour of the Gigantes Islands.
Hindi naman kami nag consume ng maraming oras sa Island Hopping dahil hindi naman kami naligo ni kristoff picture picture lang at 30 minutes lang kami bawat stop. kaming dalawa lang ni kristoff and kasama ng tourist guide kaya kami ang may hawak sa oras.
Pagkatapos sa Gigantes Island ay pumunta kami sa Jaro Catherial para ipagdasal an rin and safe na byehe nya pauwing Italy. Pagkatapos Magdasal, syempre hindi namin pinalagpas na matikman and kanilang pinagmamalaking Lapaz batchoy at pancit molo. solve na and lunch namin dahil sa sobrang sarap ng soup, puto naman and side dish namin sa Lapaz batchoy.
At pagkatapos kumain ay dumaan kami sa Biscocho Haus para bumili ng souviners at pasalubong if you want the best pasalubong (food souvenir) to bring home, go to Biscocho Haus and get some of their famous Biscocho, a type of toasted bread with butter and sugar. There are also a variety of fruit tarts, assorted slices of bread, banana chips, muscovado pieces of bread, tableas, and a variety of chicharon variants. na mabibili dito.
After sa Biscocho haus pumunta naman kami sa kanilang fruit stand sa may palengke para bumili ng fruits para sa amin. Sabay kaming lumabas ng sasakyan at pumunta sa isang fruitstand, napansin ko na maganda nag nagtitinda kahit mukhang nasa lampas 40 an sya maganda pa rin pati hubog ng kanyang katawan.
" Kristoff sigaw ng babae sabay yakap at halik sa kanya. Mukhang nag init naman and mukha ko sa nakita.
" Laura, wow kumusta dito ka pala sa Iloilo.
" OO ang gwapo mo naman kristoff noon patpatin ka pa. ngayon ang ganda na ng katawan mo
Patuloy lang sila sa pag uusap napansin ko naman na nakyakap pa rin si Kristoff sa beywang nya.
" wow just wow sana lang maisip nya na nag ii exist ako .
Umubo ako ng kunti para maagaw and atensyon nila, agad naman bumitaw si Kristoff sa pagkawak sa beywang ni Laura.
" OO nga pala Laura si Anna, girlfriend ko.
" OHH girlfriend akala ko kasi may asawa ka na.
Nakausap ko sa messenger ang mommy last year, kinumusta kita sabi nya may asawa ka na daw at isang anak na babae, at nag stalk din ako sa f*******: account mo may kasama ka don babae at batang babae.
Lalong umiinit ang tenga ko sa narinig.
"Umm Laura pabili ako ng 2 kilos grapes, sampong apples at oranges" pag iiba ni Kristoff sa usapan ni hindi na nya sinagot ang mga tanong ni Laura. ako naman ni hindi na makatingin sa kanila at parang gusto ng sumabog. Bakit ba ang liit talaga ng mundo kahapon lang pinag usapan namin and Laurang ito ngayon nakaharap na namin, at parang tuwang tuwa naman si Kristoff sa nakita nya.
" Sige Laura ito and bayad, sayo na ang sukli . isang libo ang ibinigay nya sa babae. hindi na rin kami magtatagal. kinuha nya ang mga pinamili at nauna ng sumakay sa sasakyan , sumunod naman ako at sumakay na din. Hindi na ako nagsalita buong byehe pauwi, nagtulog tulugan ako dahil sa sama ng loob and dami kong iniisip habang naka pikit ang mga mata ko.
Pagbalik namin sa resort ay agad akong pumunta sa kusina kinuha ko ang grapes hinugasan at agad nilantakan, parang gusto ko tong ubusin sa isang kainan lang . Anna dahan dahan lang sa pagkain ng grapes, mataas yan sa sugar. Hindi ko sya pinansin.
"May problema na naman ba" aniya.
HIndi pa rin ako sumagot parang wala lang akong narinig.
" Anna kausapin mo ako, tang ina naman oh, mag uumpisa na naman ba tayo sa kaartihan mo.
" Ganon!? ganyan and tingin mo sa akin ngayon nag iinarte , kung ikaw kaya ang nasa kalagayan ko Kristoff tingnan lang natin kong di ka mag wala
" Bakit ba ano bang problema"?
" Alam na alam mo ang problema ko Kristoff at bakit mas alam pa ni Laura na may asawa ka na at anak.
" Hindi totoo yan Anna huminahon ka" sabi nya
" Hihinahon ako? Pano Kristoff? ilang f*******: account ba meron ka at ibang faceboook account yata ang nakita ni Laura.
Kinuha ko ang phone ko nag type na ng name na Kristoff para mag search"
" Anna tigilan mo yan" sabi nya
Hindi pa rin ako nakinig at patuloy lang sa pag search.
" Sabi ng tama na eh. galit nyang sabi , sabay hablot sa phone ko at itinapon ito ng malakas sa dingding nakita ko naman na basag na basag ito pag landing sa sahig.
" What the hell" sigaw ko umiiyak na rin ako papunta sa natapon kong phone nanginginig ang kamay ko na pinulot sa sira sira kong ng phone agad akong tumakbo sa kwarto at doon na umiyak nag umiyak hanggang sa di ko na namalayan nakatulog na ako sa sobrang sama ng loob.
" Nagising ako na madilim na madilim na ang paligid, " Hinayaan lang ba ako ni Kristoff na matulog na may sama ng loob? sabi ko sa sarili.
Tumayo ako sa salamin na pinto palabas ng balcony hindi na ako lumabas ng balcony dahil madilim na ang paligid at malamig. Kitang kita mula rito ang mga bituin sa langit at rinig na rinig din ang hampas ng dagat sa dalampasigan. Makikita mula rito ang malawak na dagat. Madilim ang buong karagatan at napaka kalma ng paligid, na relax ang pakiramdam ko habang pinagmasdan ang liwanag ng buwan na lumiwanag ng kunti sa karagatan , ngayon ko lang na enjoy ang view mula ng dumating kami dito. sarap pagmasdan ang buong paligid nakakawala ng stress, I wonder kung anong ginagawa Ni Kristoff sa oras na ito.
Matapos ang pag muni muni ay pumunta ako sa banyo at may malaking jakuzi dito,
Nilagyan ko ng mainit na tubig at nilagyan ng shower gel dead sea bath salts, basa ko sa bottle, nakakatangal daw ito ng mga dead skin as well as acting as a natural exfoliant thereby remarkably improving skin texture. sana lang din matanggal lahat ng sama ng loob ko dito. pinabola ko ng mabuti ang tubig sa jakuzi, nang makontento na, ay hinubad ko lahat ang damit ko at lumubog na sa jakuzi. sobrang sabrang sarap, feeling ko na relax lahat ang muscles ko dahil na tamang tama lang na init ng tubig. mabango rin ang gel at ang sarap sarap sa ilong. inihiga ko ang sarili ko at di namalayan na nilamon na naman ako ng antok. ang sobrang pagod kanina sa pamamasyal, ang pagseselos ko kay Laura at ang pagiisip tungkol sa sinabi ni Laura at ang pagkasira ng phone lahat ng yon nakapag bigay sa akin ng sobrang stress. Naalimpungatan ako ng magising ako na parang may kumalabog sa kwarto. " Ano yon sabi ko sa sarili ko" Hindi ko na nalang pinansin at patuloy lang ang pagtanggal ko ng stress. Hindi ko maiwasang mag isip ng kung ano ano, Ano nga bang totoo kay Kristoff, pano nga ba kung may asawa na sya at anak paano ko tatanggapin yun, ano lang ang sasabihin nang mga kakilala ko na pumayag ako magiging kabit? sunod sunod na tanong ko sa sarili ko.
" Hayzzzz. ayoko na sana mag isip, ganito ba talaga mag mahal, masasaktan, Lord bakit nyo ako hinayaan na magmahal sa maling tao" ganito ba ang nararamdaman ng mga kabit. Atleast ang mga kabit alam nila na may asawa ang mga kinakasama nila at choice nila na maging ganon, Pero ako, Kristoff keep on denying the truth wala syang sinasabi. at sa tingin ko mas lalong masakit dahil hindi ko alam kung ano ang totoo, OO siguro alam ko na ang totoo pero gusto kung makumpirma, I want to know the truth, but Kristoff keeping a secret all the way, maybe he was leaving me without tracing the whole truth. Lord sana lang makayanan ko pag natuklasan ko na ang totoo, dahil mahal na mahal ko si Kristoff, mahal na mahal ko sya to the point na baka gustuhin ko lang din maging kabit. Bakit ba tuwing nag pupunta kami sa beach ito nalang palagi ang dahilan ng pagkakatampuhan namin.
Nakakaumay na,
Nang matapos ako maligo ay lumabas na ako ng banyo nakita ko naman si kristoff na comportableng nakahiga sa kama,
" Wow ha parang wala lang, sabi ng isip ko,
" Pang ilan na kaya ako na kabit ng taong to at parang sanay na sanay ng gumawa ng kalokohan. sabi ng isip ko,
" Natauhan ako sa pag iisip at agad ng nabihis.
Napansin ko naman na may tray na nang pagkain sa maliit na mesa sa gilid ng bed.
" Hay naku dadaanin na naman ako sa pagiging caring nito
Nang matapos ako magbihis ay lalabas sana ako ng kwarto at sa kusina na kumain.
" Pero hinawakan ni Kristoff ang braso ko, pero wala syang sinasabi, Tinitigan ko sya ng mabuti, pero parang blanko lang ang kanyang reaction, hindi ko sya mabasa, para akong nakatingin sa isang blankong papel. kaya ako na mismo ang unang nagsalita.
" Ano Kristoff may sasabihin ka ba" Sabi ko binitawan naman nya ang braso ko at agad bumuntong huminga, Umupo sya sa kama at hinilamos nya ang palad nya sa kanyang mukha na parang desperadong desperado.
Inilagay nya sa mukha nya ang dalawa nyang palad at bumuntong hininga ulit.
Bumuntong hininga rin ako at dahil sa wala naman syang sinasabi lumabas na ako nang kwarto para makaiwas sa tensyon naming dalawa.