Chapter 10 Babae Hindi ko alam kung paano ko natakbo ang ganoong kalayo mula sa mansyon ng mga Yuchengco patungong amin. Tila ba'y hindi ako nakaramdam ng pagod. Ang tanging nasa isip ko lamang ay tumakas na sa masalimuot na pangyayari iyon. "Ano'ng nangyayari sa 'yo't tulala ka na naman?" taas ang kilay na tanong ni Joy nang kami'y nasa hapag. Hinatid ako ni Ma'am Elle sa bahay pagkatapos naming tumungo sa spa. Naging masaya siya sa kaalamang pumayag na ako sa kaniyang gusto. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako napasang-ayon sa kaniya. Tinignan ko nang may nakangiwing si Joy. Wala akong balak na sabihin sa kaniya ang totoo. Alam kong hidi iyon magugustuhan ng aking kaibigan kaya ililihim ko na muna ito... sa ngayon. "Wala naman," aking nasabi. Nakapirimi pa rin ang kaniyang titig sa

