Chapter 15 Guilt Hindi ko sineryoso ang sinabi sa akin ni Justice noong isang araw. Hindi ko alam kung ano'ng gusto niya sa akin at ang kaniyang hangarin. Inisip ko na lang na siguro'y kaya niya lamang iyon ginawa dahil baka inudyukan na naman siya ng kaniyang mga kabarkada. Hindi ba sila nagsasawa na ako'y pag-trip-an? Sa ganito pa talagang estado ng aking nararamdaman kung kailan ako nalulugmok? "Vyanne, samahan mo muna si Yesha na bantayan ang palengke ngayon," ang utos ni Inang kay Vyanne noong kami'y nag-aagahan, kinaumagahan . Huminto ako nang saglit sa pagkain at sinilip silang nag-uusap. Mabilis na nag-iba ng timpla ang mukha ni Vyanne. "Ba't ako?" may hinanakit na niyang tanong. Lahat kami'y nabigla sa pagtaas ng kaniyang boses at napalingon sa kaniya. Gumusot ang mukha ni

