Chapter 3
Territory
Alia's note: Please bear with the typos, if ever.
------
Hindi na ako nakatanggi pa. Kasalukuyan na nakayuko ako sa likod habang nasa dulo at naglalakad kasama ang grupo ng Sanwa at si Attorney Justice. Kausap ni Justice si Miss Riza habang may pinag-uusapan din iyong si Rico at ang preisdente nilang Hapon.
Tila'y pakiramdam ko na parang hindi nila ako kasama. Ayoko namang makisingit sa kanilang pinag-uusapan dahil batid kong kabastusan iyon. Tumungo na kami sa isang kainan na ang ngala'y Vikings. Kay rami na agad na tao nang naroon kami. Mabuti na lamang at nakakuha kami ng magandang puwesto malapit sa bintana. Katabi ko si Miss Riza na katabi naman si Attorney habang nasa kabilang puwesto naman ang presidente ng Sanwa at iyong si Rico. Si Justice na ang um-order sa aming lahat.
"Thank you for assisting us earlier, Donita, huh," ani Miss Riza nang dumating na ang in-order ni Justice. Nagsisimula na kaming kumain.
Ngumiti lang ako ng tipid. "W-wala po 'yun, Ma'am. Trabaho ko po iyon," aking naitugon lamang.
"Attorney," baling niya kay Justice na nag-angat naman ng tingin, "I think she'll be an efficient secretary for you. Magalang at palaging nakangiti."
Palihim akong sinulyapan ni Justice. Tumaas ang gilid ng kaniyang labi maging ang isang niyang makapal na kilay.
"I think I am good in finding efficient secretaries," biro niya at tumawa ang lahat.
"Ilang taon ka na, Donita?" tanong ni Miss Riza. Sa gilid ng aking paningin ay medyo lumapit si Rico at nakinig na rin ang Presidente nila.
"Twenty-four, po," aking nasagot.
"Wow," manghang sabi ni Miss Riza, "O, Rico, may pag-asa ka na. Twenty-four ka na rin, hindi ba?"
Pumula ang tigyawating pisngi ni Rico. Napakamot siya sa kaniyang batok. "Ma'am talaga."
"Single 'yang si Rico, Don. Single ka rin, hindi ba?"
"O-O---"
"She's not single anymore, Miss Riza."
Napatingin kaming lahat kay Justice na nagpupunas ng kaniyang labi gamit noong napkin. Bigla akong kinilabutan nang tapunan niya ako ng masama at mapanganib na tingin. Sa kabila ng lahat ng iyo'y nagawa niya pa ring ngumiti nang matamis. "She has a boyfriend. From her province. Right, Donita?" makahulugan niya akong tinignan. Sa dilim ng kaniyang mukha'y nababatid ko na magkamali lang ako ng sagot, alam kong may gagawin siyang hindi maganda.
Tumikhim ako. "O-opo," aking naisagot.
Sa gilid ko'y bumagsak ang balikat ni Rico. Nagtatanong naman ang mga mata noong Presidente nilang Hapon.
"Ay, gano'n," may lugmok sa boses ni Miss Riza. "Hanap ka na lang ulit ng iba, Rico," halakhak niya lamang.
Humawa na rin ako. Ngunit alam kong sa aking gilid ay nanunusok ang mga tingin ni Justice.
"By the way, everyone," si Justice na kinuha ang aming atensyon, "Since this is Donita's first week in our firm, she told me that she'll be treating us," may panunuya niyang sabi.
Parang nawalan ng dugo ang aking mukha at nabitin ang bibig ng baso sa aking labi. Tulala akong napatitig kay Justice na ngayo'y nakataas ang isang sulok ng labi.
"O, really? Hindi nga?" hindi mapaniwalaang sabi ni Miss Riza.
"Yes," mabilis na sagot ni Justice, nakangiti.
Humigpit ang hawak ko sa baso at nagsimulang manuyo ang aking labi. Ang puso ko'y kumakalabog na sa kaba. Hindi ko ito inaasahan. Ano nama'ng gustong mangyari ni Justice ngayon?
Sumandal siya nang suwabe sa sandalan niya. "Let us thank her for her gratitudeness."
Hindi ko malaman ang isasagot nang magsipulan at maghiyawan ang Sanwa sa akin. Tulala lang ako na halos madudurog na ang aking mga buto sa aking dibdib. Kung ano man itong binabalak niya'y hindi ito biro!
Eksakto lamang ang aking pera. Kaya nga't iyong pinakamura na lang ang in-order ko. Wala nga sana akong balak na sumama ngunit magiging kahihiyan naman iyon kapag ako'y tumanggi. Noong makita ko nga ang mga presyo sa kainan na ito'y gusto kong tumakbo na lamang sa kanila ngunit wala na akong nagawa.
Buong oras na kasama ko sila'y ang tahimik ko, sobra. Hindi ako makapagsalita dahil iniisip ko kung paano pagkakasyahin ang aking pera. Ito pa naman ang aking allowance sa buong linggo na ito dahil ang iba'y ipinadala ko na sa probinsya.
Panay ang aking inom ng tubig sa panunuyo ng aking labi. Nanginginig na ang aking kamay, hindi malaman kung ano'ng gagawin.
"You can have your dessert, if you want," aya pa ni Justice noong nakita ko na ang kabusugan sa kanilang mga mukha.
"Talaga?" wika ni Miss Riza. "Okay lang ba, Donita?"
"H-ho?" tila'y wala sa sariling tanong ko. Noong sulyapan ko si Justice ay nakataas ang kaniyang kilay atsaka uminom ng Coke.
"'Uy, baka napapasobra na kami, sabihin mo lang," nahihiya nang sabi ni Miss Riza.
"That's okay with her, Miss Riza," si Justice ang sumagot sa aking panig. Nangangambang tinignan lamang siya ni Miss Riza.
"O-okay lang po," naibulaslas ko na lamang. Kumislap ang mga mata ni Miss Riza. Unang um-order si Rico, ang Presidente ng Sanwa pati na rin si Miss Riza. Dumagdag pa si Justice.
Nang makita ko ang pagbuhos ng kanilang order ay halos ipagdasal ko na lamang sa aking sarili na kainin na ng lupa!
"Bill out na tayo, Donita," seryosong wika ni Justice matapos. Kita ko sa kanila ang kabusugan. Ang dami nilang kinain samantalang ako'y tanging pag-inom lang ng tubig ang nagawa.
Si Justice na ang sumenyas sa waiter para sa akin. Mas lalo na akong kinabahan na pakiramdam ko'y lalabas na ang aking puso sa aking dibdib.
Hindi ko malaman ang aking gagawin nang makita na ang itim na lalagyan noong pera. Halos hindi na ako makahinga.
"Miss Riza, I will accompany you to the parking," turan ni Justice sa kanila. "Let me lead the way for all of you."
"Sandali lang. Is it okay if we will leave your secretary here?" ramdam ko ang pag-aalala sa boses ni Miss Riza.
"Yes. She can handle herself. She's not that naive to pay the bills. Right, Don?" tumaas ang kaniyang kilay.
Gusto ko siyang panlisikan ng tingin ngunit hindi ko magawa. Tanging pagtango na lamanag ang aking nagawa. "Opo."
"See?" nakangiting sabi niya. "Let's go?"
Iniwan na nila akong nakatulala sa kawalan. Ayokong tignan iyong lagayan noong pera. Nag-init ang aking mga mata. Ano'ng gagawin ko? Ako na lamang ang nandito? Nakatingin pa naman sa akin ang waiter ng kainang ito.
Sabihin ko kaya sa kanila ang totoo? Mababayaran ko naman sila, eh. Ngunit hindi naman iyon sasapat sa kabuuan. Ayoko naman na tawagan ang aking mga kaibigan dahil nahihiya ako. Kumikita na ako ng pera, tapos, mangungutang lang din ako sa kanila?
Sa huli'y wala na akong nagawa. Nangangatog ang aking tuhod na lumapit sa isa sa mga crew nito. Kailangan ko nang sabihin ang totoo. Ipapakulong kaya nila ako? Hindi ko alam!
"S-Sir..." nanginginig ang aking boses habang pinapatigil sa ginagawa iyong lalakeng waiter.
Seryoso ang tingin niya nang ako'y lingunin. Mas lalo akong kinabahan.
"M-Magbi-bill-out na po ako. K-kaso, baka po kulangin ang pambayad ko. P-Puwede ko namang balikan bukas. N-nagkulang lang talaga."
Gusto ko na lamang maiyak dahil mukha na akong tanga sa harapan noong waiter. Hinihintay kong magalit siya't madismaya sa akin ngunit nang mag-angat ako ng tingin dito'y wala man lang akong mabakasan.
"'Miss, wala bang nababanggit sa 'yo ang mga kasama mo ro'n sa table?"
Pansin ko ang pagtataka sa kaniyang mukha. Umiling ako agad, nagtataka na rin.
"Bayad na po ang bill na 'yan, kanina pa. Nagsabi pa nga po iyong lalake na 'keep the change' na lang daw dahil marami silang i-i-order, eh."
Kumunot ang aking noo. Para akong nabingi sa kaniyang sinabi. "A-ano?"
"Miss, ganito na lang po. Pasensya na, kasi, marami pa po 'kong i-a-attend na customers, eh. Buksan n'yo na lang po 'yang hawak n'yo."
Noong nilagpasan ako noong lalake'y wala sa sariling binuksan ko na ang lagayan. At hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko nang makita ang bill na paid na pala...
"Justice, mag-usap tayo," mariing sabi ko noong pasugod ko siyang pinuntahan sa kaniyang opisina. Ang galit ko'y umaakyat patungo sa aking ulo at pakiramdam ko'y sasabog na ito, isang maling galaw niya pa!
"Where's your respect to your boss?" taas-kilay niyang sabi at hindi man lang ako binigyan ng atensyon. Tuluy-tuloy lamang siya sa pagbabasa sa harapan ng kaniyang monitor at nakaupo. Lalo akong nagngitngit!
"A-attorney..." huminga ako nang malalim upang ma-relax ako. "Attorney, pinagtri-trip-an mo ba 'ko kanina?" sa kabila ng pagiging kalmado ko'y naroon ang pangigigil sa aking boses.
"Ano'ng 'pinagtri-trip-an'?" pa-inosente niyang tanong.
Huminga ulit ako nang malalim. "Binayaran mo na kanina pa ang bill. Pero, pinalabas mo na kunwari, hindi iyon nabayaran para ipanakot sa akin at pagmukhain akong tanga. Ano, tama ako, hindi ba?" pang-aakusa ko na.
"Congratulations, then!" sabay palakpak niya sa akin. Tinignan na niya ako ngayon nang mapang-asar. "I couldn't believe that you have a brain. I thought you're an imbecile. You can now be an attorney, now. Sa isang pipitsuging law firm nga lang. O, para mas ayos, pang notary-public ka lang sa tabi-tabi ng Padre Faura---"
"Grabe ka," mariin kong sinabi. "Ganiyan ka talaga kasama?"
Tumayo na siya at sinimulan akong lapitan. "Let me remind you a thing. You. Don't. Have. The. Right. To. Complain. Eat my shits, Donita. Like how I ate your shits before."
Nilabas ko ang lahat ng galit ko kay Justice sa pamamagitan ng pag-iyak kinahapunan. Ang lalim ng aking pag-iyak na para bang wala nang bukas. Ang sikip-sikip ng aking dibdib habang pinipilit makahinga. Ito ba talaga ang produkto ng lahat ng sakripisyo na ginawa ko noon? Ganito ba talaga ako papahirapan ng lahat ng ginawa ko para sa kaniya?
"Donita, tumahan ka na diyan."
Hindi ako matahan-tahan. Patuloy lang ako sa paghagulhol at hindi pinakinggan ang sinabi ni Joy.
"Donita, tang-ina, tumahan ka na nga sabi, eh!"
Lunod ang mga mata ko sa luha na nakatitig kay Joy. Sa bibig na lang ako humihinga.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Joy," nanginginig ang boses ko. Umiiling-iling ako at napasubsob sa aking mga palad.
"Don..." tinitigan ko si Joy na pinantay pala ang sarili sa akin. "Hindi puwedeng laging ganito. Ikaw, iiyak na lang dahil sa mga kagaguhan ni Justice. Potaena naman kasi, bakit hindi mo sabihin sa kaniya na kung hindi dahil sa magaling niyang---"
"Alam mong hindi ko puwedeng sabihin 'yan sa kaniya," pagpapatigil ko sa kaniya.
"O, tapos, what will you do now?" pambabara niya. "Does he worth the sacrifices you've done for him in Maestranza? Baka nakakalimutan mong wala na siyang nararamdaman para sa 'yo."
Nahulog ang puso ko roon.
"Tumahan ka na riyan. Baka makita ka pa riyan ni Yllena at umiyak pa 'yon kagaya mo. Mapapaanak 'yon nang 'di oras. 'Susko, wala na akong powers sa inyo," masungit niyang sabi at tumungo na sa kusina.
Ako'y tumungo na sa kuwarto. Habang nagpapalit, tumunog ang aking telepono. Mabilis ko iyong kinuha. Nakita kong lumitaw ang pangalan ni Mama. Agad ko iyong sinagot.
"'Nay..." nasabi ko. Rinig ko agad ang ingay na likha ng aking mga kapatid sa kabilang linya.
"Donita, anak, kumusta ka na riyan?" tanong niya.
Bigla ko tuloy silang na-miss. Nakaka-miss ang Maestranza.
"O-okay lang po 'ko, 'Nay," naikagat ko ang ibabang labi sa pagsisinungaling. "K-kayo po riyan? Natanggap n'yo po ba ang padala ko?"
"Oo," tugon niya. "Ipinambayad na namin sa renta ng palengke. Naku, Donita, may problema tayo."
"A-ano po 'yun?" agad akong kinabahan.
"Si Vyanne, buntis si Vyanne."
Natulala ako. Halos madulas sa aking mga daliri ang cell phone na aking hawak. "B-Buntis? S-si Vyanne? P-papa'no po nangyari?"
"Ewan ko sa babaeng 'yan. Talagang binasag-basag ko'ng mukha, eh, kakasampal. Alam naman niyang sa kaniya halos lahat napupunta lahat ng kita mo dahil nasa kolehiyo na, nagawa pang bumukaka. 'Tang-ina talaga 'yang batang 'yan."
Napahilot na ako sa aking sentido. Sunud-sunod na problema naman ito. Wala na po ba akong pahinga?
"S-Sino po'ng ama ng anak niya?"
"Si Xamuel."
Nakaramdam ako ng panlalamig. Alam ko na noon pa man na magkasintahan na sila ni Vyanne. At alam ko rin na kahit noon pa ma'y walang maidudulot na maganda ang kanilang relasyon sa estado ng pamumuhay ni Xamuel. Noon pa ma'y mataas na talaga ang pangarap nila Inang at Itang kay Vyanne. Balak nila itong pag-abroad-in kapag siya'y naging isang ganap nang nurse. Matalino si Vyanne, at alam nilang siya ang aahon sa aming naghihikahos na pamumuhay sa Maestranza.
Ngunit ngayong ganito ang nangyari, alam kong malaki at mabigat na naman ang pagkabigo at panghihinayang ng aking mga magulang sa kaniya.
"Anak...patawad, ha?" ramdam ko ang matinding lungkot sa boses ni Inang. Kinurot ang aking puso.
"Wala naman po kayong dapat na ihingi ng tawad, Inang," aking pang-aalo.
"Alam namin ng iyong Itang ang hirap na dinaranas diyan sa Maynila. Kahit na hindi mo sabihin sa amin, alam naming na nahihirapan ka, anak. 'Tapos, ito pa ang maririnig mo..."
Naisasalarawan ko sa aking isip ang hitsura ng aking Inang. Bigla akong nahabag ngayon dahil dumating na naman ang pinakamalaking dagok na ito sa kanilang buhay.
"Inang," aking nasabi, "hindi na po natin mababago ang naging desisyon ni Vyanne. Lalong higit na hindi tama na itulak siya upang ipalaglag ang bata. Handa naman po siyang panagutan ni Xamuel, tama po?"
"Hindi siya pananagutan no'ng gago, Donita!" galit na sigaw ni Inang.
Mas lalong nahulog ang aking puso. Hindi papanagutan ni Xamuel iyon? Walang hiyang lalake!
"Nasa'n si Xamuel, Inang?" nagngingitngit kong tanong.
"Wala na rito 'yong gago rito sa Maestranza. Kung hindi pa 'yon nawala, hindi pa magsasalita ang kapatid mo na may dinadala na pala siyang bata."
Walang hiya siya. Matapos niyang buntisin ang kapatid ko, aalis na lang siya at iiwanan niya ito? Ang kapal ng kaniyang mukha!
"Hayaan n'yo na, Inang. Kung talagang iniwanan na ni Xamuel si Vyanne, hayaan na natin. Pero, hindi na talaga siya makakatuntong sa ating bahay. Hindi niya makikita ang anak niya kay Vyanne, kahit na kailan," seryosong sabi ko.
"Saan naman tayo kukuha ng panggastos ng gaga mong kapatid?" may inis na tanong ni Inang.
"Sa akin na lamang po, Inang," sagot ko na may tapang. "Ako na lang po ang magtustos sa kanila sa ngayon."
"Nababaliw ka na ba, Donita? Ha?" sigaw ni Inang. "H'wag mong akuin ang responsibilidad na iyan!"
"Ngunit, Inang, hindi rin tama na pabayaan natin si Vyanne sa kinahaharap niya ngayon," mahinahon kong sinabi. "Higit ngayo'y mas kailangan niya tayo. Kailangan niya ang kalinga nating lahat. Walang magagala ang galit natin sa kaniya at maging sa magiging kaniyang anak."
Nanahimik si Inang sa kabilang linya. Dasal ko'y sana, matauhan siya. Kailangan kami ni Vyanne ngayon. Ngayon pa na alam ko na higit sa lahat, siya ang pinakanasasaktan dahil sa pang-iiwan na ginawa sa kaniya ni Xamuel.
"Siya nga pala, saan ka na nagtratrabaho ngayon? Hindi ba, sabi mo, iba na ang pinapasukan mo ngayon?"
Natigilan ako agad at napipilan. Ano'ng aking isasagot? Hindi pa alam nina Inang na kay Justice ako nagtratrabaho ngayon!
"S-sa lawfirm po ako ngayon nagtratrabaho, Inang?" kinagat ko ang ibabang labi. Totoo naman ang aking sinabi. Kaya lamang...
"Talaga?" may galak na sa kaniyang boses ngayon, hindi tulad kanina. "Mabuti naman, anak...hindi naman siguro kayo nagpang-abot diyan ni Justice, ano?"
Ayun na nga. Natulala na lamang ako at mas mariin na nakagat ang labi. 'Dyusko, ano'ng gagawin ko?
"H-hindi naman po, Inang," napapikit ako nang mariin sa aking pagsisinungaling.
"Mabuti naman, kung ganoon. Dumalaw ka rito, paminsan-minsan, ha?"
"Opo."
Noong pinatay ko na ang tawag ay halos masabunutan ko na ang aking sarili sa inis. Hindi puwedeng habang-buhay ay magsinungaling ako sa kanila. Ngunit, kapag sinabi ko naman ang totoo, papaalisin nila ako, ora-mismo. Ayoko namang mangyari iyon lalo pa't alam kong may buhay nang nakadepende sa akin. Sa ngayo'y ito pa lamang ang alam kong malakas ang aking kita.
Kinabukasa'y muli akong pumasok. Maaga akong pumasok. Mga cuarenta-cinco minuto rin bago ang alas-nuwebe. Naglinis ako ng kuwarto ni Justice. Tuwing nagliligpit ako ng kaniyang gamit ay hindi ko mapigilan ang pagbagsak ng aking paningin sa litratong naroon sa kaniyang mesa. Napakaganda noong babae at kung tutuusin, mas maganda pa ito roon kay Lindsay. Ang alam ko'y walang kapatid na babae si Justice at siya lamang ang nag-iisang anak.
Pagkatapos ay inihanda ko na ang magiging report ko sa kaniya sa magiging schedules niya ngayong araw. Mukha namang hindi siya busy ngayon dahil wala siyang gaanong meetings ngayong araw. Ngunit mas marami naman siyang mga dokumento na kailangang pag-aralan ngayon. Karamiha'y puro labor cases.
"Donita..."
Ang malamig niyang boses ay umalingawngaw sa apat na sulok ng kaniyang silid. Dala-dala ni Justice ang kaniyang bag at ipinatong iyon sa kaniyang itim na swivel chair.
"Good morning," pormal kong bati sa kaniya. Inabot ko sa kaniya ang tray na naglalaman ng tasa niyang kape. "Coffee, sir."
Walang ngiti niya iyong tinanggap at tumango lang nang tipid. Makahulugan niya akong tinignan. Alam ko na iyon kaya't nagsimula na akong magsalita.
"Sir, you will be having a meeting the auditors of an accounting firm at ten o'clock. Then, at one o'clock, you will be reviewing the labor case of Red Publishing."
Tumango ulit siya nang tipid. Hindi ko na inaasahan na kailangan niyang matuwa sa akin dahil alam ko naman na wala siyang pakialam.
Pagkatapos niyang sumimsim ng kape'y nilaro niya ang kaniyang dila sa kaniyang labi. Biglang nanuyo ang lalamunan ko. Pinilig ko sa bandang huli. Ano ba 'tong reaksyon ng aking katawan!
Tumaas ang gilid ng kaniyang labi at tinitigan ako nang mapanuya. "What?" paos ang kaniyang boses.
"W-wala, sir!" taranta koing sinabi at iniwas agad ang tingin sa kaniya.
Narinig kong ngumisi siya. Nang lingunin ko siya'y natigilan ako nang tumayo siya at kinakain ang distansiya sa aming dalawa nang matipuno!
"A-attorney?" mabilis ang takbo ng aking mga mata habang siya'y papalapit nang papalapit sa akin.
Tumaas lalo ang gilid ng kaniyang labi at mayabang na lumapit pa sa akin. Sa taranta ko'y agad akong napaatras sa kaniya. Ang kaniyang mahahabang at matitigas na mga biyas ay nagbibigay sa akin ng kakaibang kilabot, maging ang kaniyang malaking pangangatawan. Binibigyan niya ako ng kahulugan na siya'y mapanganib!
"You're gawking at me, Donita, right? Hmm?" hindi iyon kuwestiyon kundi paniniyak niya.
Napipilan agad ako at hindi makasagot. Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang malamig na pader na dumidikit na sa aking likod.
Ang dagundong ng aking puso ay malakas at matibay. Ikinulong niya ako sa pagitan ng kaniyang mga braso.
"Tell me, are you still interested at me, eh?" ngisi niyang mapanuya.
Iniwas ko ang tingin sa kaniya at tinikom ang bibig. Alam ko. Batid kong gusto niya akong asarin. Napaka-demonyo talaga.
Natigilan ako nang maramdaman ko na nilapit pa niya ang kaniyang katawan sa akin! Halos hindi ako makahinga at ang bilis lalo ng dagundong ng aking dibdib! Mas lalo akong natakot na baka madinig niya iyon kaya nilayo ko pa ang aking sarili sa kaniya.
Naramdaman kong nilapit niya ang kaniyang bibig sa aking punung-tainga. "There's no way out now, Donita. You're in my territory right now." Gamit ang kaniyang hinlalaki'y hinawakan niya ang aking baba ar kinuha niya ang aking paningin. "Why can't you look at me straight, huh? Feel guilty?"
Gusto kong magsalita ngunit walang lumalabas na boses sa aking bibig. Sa itim niyang mga mata'y sumasalamin ang aking mukha. Nakakapangatog ang malalalim niyang mga titig!
"Damn," mura niya. "If you want to kiss me, tell me, then. Do'n ka naman magaling, hindi ba?"
Nabasag bigla ang aking puso. Noong ilalapit na niya ang labi niya sa aki'y mabilis ko siyang itinulak.
Gulat na gulat niya akong tinitigan. Aamba na sana akong magsasalita ngunit halos manlamig ako nang makarinig ng tunog ng stiletto patungo sa amin! At nang lingunin naming kung sino iyon ay para akong napatanga.
Kulot at kulay olandes ang kaniyang buhok. Kapansin-pansin ang maputi niyang balat at ang mapupungay niyang mga mata. Suot-suot niya ang totoong ngiti na iyon sa kaniyang labi.
"O, ba't parang gulat na gulat ka, Jus?" tanong niya kay Jus at doon nakatingin.
Tila'y binuhusan ako nang malamig na tubig. Siya iyong babae sa picture!